Nang medyo kumalma na ang beauty ko sa inis ay ipinaliwanag ni James ang dahilan kung bakit may manyak na bigla nalang naghalik sa akin. Naglalaro pala sila ng 'Truth o Dare'. Parang bakla lang. Pinili raw nitong Rave ay 'Dare'. Dapat daw, kung sino ang babae na papasok sa bar ay kanyang hahalikan. Swerte niya lang at nakahalik siya sa akin at malas ko dahil nagkataon na ako ang babae na pumasok sa oras na 'yon.
'Di na talaga natigil sa kakairap ang mga mata ko. Nagmukha na akong kontrabida sa grupong ito.
Ang tatlong lalaki naman ay parang mga baliw at kanina pa nakangisi. Pasamat sila't hindi sila nagmukhang adik-adik.
"Rica, tama na 'yan. Ikalimang baso mo na 'yan."
Hinawakan ni James ang baso na hawak ko at inilayo sa akin. Ngayon ko lang naalala na habang nagpaliwanag si James kanina ay inom naman ako nang inom. Ako pa 'yung walang na ambag sa inuman dito ako pa 'yung irap nang irap. Ang feeling ko talaga. Pero yamanin naman sila dito so okay lang. Kahit nga magpalibre ako kay James isang taon ay wala atang problema.
Pansin ko rin na ang tahimik na ni Rave. Hindi na rin sya uminom dahil sa kanya pala ang basong ginamit ko. Pwede namang siyang magpakuha ng bago. Pero wala naman din akong pakialam. Medyo tinamaan na rin ako dahil sa nainum ko. I need to use the comfort room.
Tumayo ako kahit medyo nahilo ako ng kunti. Kaya ko pa naman. Kaya ko pa ngang makipagsapakan. Napalingon silang lahat sa akin. Wow, artistahin?
Napaayos rin sa pag-upo si Rave.
"CR lang ako sandali."
"Kaya mo ba? Ihatid na kita"
Hinawakan pa ni James ang aking kamay para pigilan muna akong umalis nang masagot ang tanong niya.
Inirapan ko lang siya. Anong akala niya sa akin, pabebe?
"James, alam mo naman siguro na kaya kitang hambalusin, diba?"
Inirapan ko na naman siya at hinila ang kamay ko na hawak niya. Binitawan naman niya iyon.
Second year college kami nagkakilala ni James. Hanggang sa nagtapos kami ay magkasama pa rin kami. Siya ang nag-iisa kong kaibigan. Kahit babaero na manyak siya, alam ko na mapagkatiwalaan siya. Para na kaming magkakapaatid kung ituring ang isa't isa. He knows everything about me.
Nasa kalagitnaan na ako sa paglalakad ng may humawak sa baywang ko. Bakit ba ang hilig manghawak nitong mga tao sa club?
"Can you f*****g pull down your dress? "
Ito na naman. Amoy palang langit na ,.. este kilala ko na.
Tumigil ako at hinarap siya.
"Ano ba talaga ang problema mo sa mundo at pinakialaman mo ang buhay ko?"
Inis kong tanong sa kanya. Kanina pa siya ah.
Tumingala ito saglit habang minamasahe ang kanyang ilong. Tiim bagang itong tumingin muli sa akin na tila nagtitimpi rin. Nag-iigtingan ang panga nito. Ang gwapo ah.
"Kung ayaw mong masilipan please, pull down your dress. Kunting hakbang mo lang at makita na 'yang singit mo."
Tila problemadong wika nito. Ano siya tatay ko?
Hilila ko pababa ang suot ko. Ngunit dahil tube dress naman ito, bumaba rin ang nakatakip sa malulusog kong dibdib. n*****s nalang ang natakpan dahil sa lakas ng pagkahila ko.
"f**k!"
Kinabig niya ako bigla para matakpan ng katawan niya ang nakalantad kong dibdib. 'Di ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya sa nangyari. Halos lahat ng tao na nasa banda namin ay napatingin dahil sa lakas ng mura niya.
"f*****g dress! Nahiya ka pa't nagsuot ka pa, huh? Naghubad ka nalang sana?"
Napahagikhik ako sa inakto niya. Siya lang ang manyak na overprotective. Halos hindi nga ako makahinga sa higpit ng yakap niya sa akin.
Niyuko niya ako at tiningnan ng masama. Inis niya akong kinabig sa tagong lugar. Nang hindi na kami makita ng mga tao ay inangat niya ang dress ko para sana matakpan ang dibdib ko. Pilit niyang tinakpan ang dibdib ko kaso umangat naman sa singit ko ang laylayan. Hihilahin na naman niya pababa kaso lalabas na naman ang dibdib ko.
"f**k! f**k! f**k! Bakit ba ito ang isinuot mo? Saan mo 'to nabili't mukhang kinulang sila ng tela. Tatambakan ko sila ng tela!"
Galit na talaga siya. Ako naman ay 'di ko na mapigilang mapatawa. Ang cute niya at ang hot at the same time. Ang unfair talaga ng mundo. Siguro pulangpula na ang mukha ko sa kakatawa. Sumakit na rin ang tyan ko at mas naiihi tuloy ako.
"You're so beautiful."
Natigil ako sa kakatawa dahil sa sinabi niya. Nakatitig siya sa akin at tila namamangha sa angkin kong kagandahan.
Nagkahinang lang ang aming mga mata at walang gustong kukurap o bibitiw sa pagkatitigan. Well, obviously not me.
"Excuse me. Nasaan ang --"
"f**k!"
Natigil lang ang aming titigan contest nang may lalaking nagsalita sa kanyang likod. 'Di ko alam kung concern ba sya sa akin at ayaw niyang mapahiya ako kaya ang bilis ng pagyakap niya sa akin para matakpan ang halos hantad na dibdib ko.
"Isang silip mo pa't hindi ka na makakalabas dito!"
Galit niyang singhal sa lalaki nang sumubok itong silipin ako.
"S-sorry. I will go n-now--"
"Just f*****g go!"
Tumakbo naman paalis ang lalaki at hindi na tumangka pang lumingon dahil sa takot. Kung normal na tao lang ang makarinig ay manginginig na siguro sa takot. Sanay na ako sa iba't ibang galit ng tao. Hindi nga ako takot sa bakbakan sa boses pa kaya? Duhh..
Ipinagtataka ko lang ay kung bakit mukhang hindi ata gumana ang talas ng aking pakiramdam basta nasa paligid ko ang lalaking 'to.
Kanina nang pumasok ako sa club ay 'di ko naramdaman ang papalapit niyang presensya. Bibigla-bigla niya lang akong hihigitin sa baywang. Noong paparating naman ang lalaki dito ay 'di ko rin napansin dahil sa katititig ko sa magagandang mata nitong lalaking kaharap ko. 'Di kaya... Malas siya sa buhay ko?
"Sa susunod na magsuot ka ng ganito ka ikling damit huhubaran talaga kita. Try me, baby."
Ano daw?
"Aba ang kapal mo ah. Anong akala mo sa akin --"
"Let's go! Gagamit ka pa ng Comfort Room diba? Ihahatid kita ngayon pauwi pagkatapos mo."
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang kabigin niya ako papuntang CR. Napaka ano talaga. Anong akala niya sa akin, aso? Kung makademand para namang close kami.
"I'll wait here. Bilisan mo."
Utos nito pagkatapos ay sumandal na ito sa pader katabi sa pintuan ng ladies comfort room. Kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa nito. Nang mapansin niyang hindi pa ako pumasok ay kunot noo niya akong tinignan.
"Do you want me to go inside with you? Baka hindi ka na makakalakad pagka--"
"Che!"
'Di ko na siya pinatapos at pumasok na ako sa loob. Napakamanyak talaga.
Pagkatapos kong gumamit ng banyo ay nanghugas na ako ng kamay. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Namumungay na ang aking mga mata at namumula-mula na rin ang aking pisngi dahil sa alak na nainom ko. I don't have any make up on my face. Hindi ako maalam at hindi rin ako sanay sa paglalagay ng make-up. Kapag may mission naman ako na kailangan ng pang-aakit sa mga huklubang lupa, may taga make-up naman ako. Hindi naman din kailangan ng re-touch dahil saglit lang naman ako dahil may mga agents naman talagang nakatalaga dyan. Minsan lang ako kapag kailangan na talaga sa mission.
Lumabas na ako pagkatapos. Tumuwid naman ang tayo ni Rave nang makita ako.
"Wear this. I know hindi ito babagay sa lugar na ito pero mas hindi maganda ang magawa ko kung naglalakad ka sa harap ng mga lalaking halos luluwa ang mga mata sa kakatitig sa katawan mo."
Kinuha niya ang kamay ko at siya na ang nagsuot sa akin ng mataas na kulay pink na bathrobe.
Seriously? Nasa bar ako tapos naka bathrobe ako? Wow! Ang ganda ng fashion sense ng lalaking ito.
" Can you please stop bossing around!"
Singhal ko sa kanya. Kanina pa siya ah.
"Kanina ka pa ah! Anong tingin mo sa akin, aso? Kung ano ang iuutos mo ay susundin? Tang-ina!"
Hinubad ko ang bathrobe na hindi pa niya naisuot sa kabila kong braso at malakas na itinapon sa kanyang mukha. Kainis!
Aalis na sana ako ng hilahin na naman niya ang kamay ko. I was supposed to flip his arm ngunit hinawakan niya ang dalawang kamay ko patalikod. Naghanap ako ng tyempo para sana masipa ko siya kaso mabilis din niyang inipit ng binti niya ang akin. He is strong. Malaki rin ang katawan niya. Kahit 'di kami close pero masasabi kong magaling siya sa combat o kahit anong self defense. He move so fast.
"Not so fast, Baby. "
Bulong niya sa likod ng taynga ko. Tumayo lahat ng balhibo ko sa katawan nang kinagat niya ng mahina ang earlobe ko pagkatapos ay dinilaan niya ito.
"Mmmmh.. Sarap mo, baby. Kanina pa ako naaakit sayo kaya makinig ka na lang sa akin, huh? Baka 'di na kita papalakarin at itali nalang kita sa kama ko. Mmmh? "
Ano ba ang ginagawa niya sa katawan ko. Wala naman sigurong drugs na nailagay sa drinks ko diba? Bakit nag-init bigla ang katawan ko? Parang nagustuhan ko na rin ang pang-aakit niya sa akin. Manyak na rin siguro ako. Lust. Yeah, this is lust.
"Isuot mo na ito kung ayaw mong dalhin kita sa itaas. I have room there, mas madali 'yun. Sa bango mo, six rounds ay hindi sasapat. Hindi kita titigilang hanggang may katas ka pa--"
"What the hell! Can you stop talking? Ang manyak mo talaga."
Apektadong apektado pa naman ako sa mga sinasabi niya. Dali-dali kong sinuot ang bathrobe para matahimik na ang bunganga niya. Nakangisi lamang itong nakatingin sa akin. Inirapan ko lamang siya nagpatiuna na sa paglalakad habang tinatali ang lace ng bathrobe.
Para tuloy akong tanga na naglalakad na naka-bothrobe sa loob ng club. Napalingon pa ang mga tao sa amin habang siya naman ay parang butiki kung makahapit sa akin. Feeling close talaga.