KISS
"Eagle, You have a new mission. You are assigned to guard the son of Don Rafael Fuente. Alam kong gusto mo munang magpahinga dahil sa katatapos mo pa lamang na mission, but it's a special request from the higher. I'm sorry but he requested that it should be you who will do this job."
What the hell!
Nagising ako dahil sa tawag mula sa aming commander. Kahapon pa lamang natapos ang mission ko at ngayon ay may bago na naman? Nako naman! Gusto ko pa naman sanang matulog sa buong bakasyon ko ngunit parang lahat ng iniisip ko ay magiging drawing na lamang. Haysst..
''I don't have choice, right?"
"This is a special order. I already sent you the file for this job. Please check it as this mission is different from your previous jobs."
Hayssst!
Pagkatapos ng tawag ay basta ko na lamang itinapon ang cellphone ko at ibinagsak ang aking katawan sa mapang-akit na kama. Another minutes. Make it an hour. Matulog muna ako.
Sinubukang ipikit ni Rica ang kanyang mga mata ngunit di na talaga siya nakatulog.
"Kainis!"
Tumayo siya at kinuha ang laptop sa loob ng kanyang itim na backpack na nakapatong sa kanyang maliit na mesa. Bumalik siya sa kanyang kama at umupo sa gilid bitbit ang laptop. Another game for her to play, huh.
Suot ang isang maikling tube dress na my slit sa gilid na bahagi ng kanyang hita ay bumaba na siya sa kanyang sasakyan. She's wearing a 3 inches Christian Louboutin. Kulay red ito match with her upper dress. Mukhang hakbang lamang ay masisilipan na siya. Sanay na siya sa ganitong purmahan dahil mayroon siyang mission minsan na kung saan ay kailangan niyang mang-akit ng mga hukluban sa lupa. In short, mga drug lord.
Batay sa kanyang source ay dito palaging nakatambay ang kanyang bagong mission. Nagkataon lang rin na nandito rin ang kanyang malanding kaibigan. Tinawagan niya ito kanina dahil gusto niyang magpasama dito kaso sinabi nitong nasa Wild Nights Club daw ito kasama ang mga barkada. So, here I am. Looking so hot while entering the damn expensive Club.
She is confidently walking like a Miss Universe habang pansin niya ang mga taong napalingon sa kanya. Makikita sa kislap ng mga mata nito ang paghanga sa kanya. Aba't dapat lang. Wala pang sinuman ang hindi nagagandahan sa kanya.
Nginitian niya ang mga ito nang matamis nang may kamay na yumakap sa baywang niya. Hihilahin niya sana ang kamay nito at iikot pabaliktad ngunit 'di na niya nagawa dahil bigla na lamang siyang h nito.
Napatanga siya sandali dahil sa hindi niya inaasahan ang gagawin nito. Gumalaw ang labi nito upang mas sakupin ang kanyang bibig at kinabig pa siya nito sa baywang upang mas mapadikit ang kanilang katawan. Ang lambot ng mga labi nito at nakakaakit ang bango nito. Nang tumino ang kanyang utak ay inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa malapad nitong dibdib para sana itulak ito Ngunit mas humigpit lang ang pagkabig nito sa kanyang baywang. Halos maputol ang kanyang hininga hindi dahil sa halik nito kundi dahil sa abo nitong mga mata na nakatitig sa kanya habang walang tigil ang labi nito sa kakahalik sa kanya. He is enjoying every move he did to claim her lips. Ang mga mata nitong nakatitig lamang sa kanya na tila nang-aakit. He is f*****g handsome. Mas lalo itong naging gwapo dahil sa mga mata nito na tila sarap na sarap sa kanyang labi.
She can't breath! Sinubukan niya itong itulak ng malakas ngunit umungol lamang ito kaya tinuhod niya nalang ang kahinaan nito. The foundation of his generation. Napabitaw ito sa kanya bigla at sinapo nito ang kawawang p*********i. Napasinghap din ang mga taong nakamasid sa kanila. Siguro ramdam nila ang sakit?
"Oh f*****g s**t! It's f*****g hurts!"
She likes the kiss, okay. Pero di naman siya tanga-tanga nalang at hayaan nalang itong kainin ang labi niya.
"I know. Kaya nga dyan kita pinuntirya eh."
Tiningnan niya lamang ito ng masama habang nakayuko pa rin ito sapo ang ari nito. Pinahid din niya ang kanyang labi gamit ng likod ng kanyang kanang kamay. Feeling niya ay namamaga ang labi niya sa kasipsip ng manyak na lalaking nasa harap niya.
Tumingin ito sa kanya at sinikap makatayo ng tuwid. He is grining at her. Para bang may naisip naman itong masama.
Oh, What a hot gorgeous man we have. Inilapit nito ang mukha sa kanyang mukha kaya napa-atras siya. Aminin man niya o hindi pero malakas ang epekto ng lalaking ito sa kanya.
"You smell so f*****g mine. You taste good also. I want more of your lips. Masarap."
Nakangisi pa ito habang palipat-lipat ang tingin nito sa kanyang mata at labi.
Akmang tatadyakan na sana niya ito nang biglang may humila sa kanyang baywang upang ilayo siya sa lalaki.
"That's enough, Babe."
Masama niyang nilingon ang lalaki sa kanyang likod.
"Bitiwan mo ako, James at nang mabugbog ko ang manyak na 'yan!"
Sigaw niya sa kanyang kaibigan na tila walang narinig at tinulak lang siya papunta sa isang di kalayuang table. May tatlong lalaking nakaupo doon habang aliw na aliw na nakamasid sa kanila.
Nilingon niya ang manyak na lalaki at nakitang nakatingin ito sa kanila na tila ba naiinis. Nang nagkahinang ang mga mata nila ay tiningnan niya lang ito ng masama at nagatuloy na sa paglalakad habang tulak pa rin siya ng kanyang manyak rin na kaibigan.
Nilibot niya ang kanyang tingin sa paligid. Medyo dim ang ilaw at pansin talaga na yamaning tao lamang ang makalabas pasok sa club na ito. Malaki ang lugar sa loob ng bar. May mga kilala ring tao na nandito.
Naalala niya ang sadya niya dito. Ang kanyang mission.
Pasimple niyang tiningnan ang mukha ng mga lalaki nakapaligid at inalala ang mukhang nakita niya sa larawan. Medyo naka sideview lang ang nasa larawan at 'di rin daw iyon bagong kuha. Sinubukan niya ring hanapin sa internet ang lalaking iyon ngunit wala namang lumabas. Kung mayroon man ay iyong mga dumi account lamang o mga taong may pagkakatulad ang kanilang pangalan.
So mahirap ka rin pa lang hagilapin huh!
Hindi raw ginamit ng lalaki ang kanyang tunay na katauhan dahil mas dilikado raw iyon. Ngunit kahit daw private ang kanyang pagkatao ay may nakalusot pa ring mga banta sa buhay nito.
"Babe, my friends, Rudy, Larry at Courtley. Guys, meet my girl, Rica. "
Sabay turo niya sa tatlong lalaki na nakaupo sa sofa habang nakangiti naman ang mga itong naglahad ng kamay sa kanya.
"Hey Rica, nice to meet you"
"Oh? Babae mo ang hinalikan ni Rave?"
Sabay na nagsalita ang dalawang mga lalaki na wala rin naman akong pakialam.
Mga gwapo naman talaga silang lahat. I mean they are all hot. Kahit nakaupo lang ang mga ito ay mapapansin mo na talaga ang karisma nila. Kaso wala akong pakialam. Hindi naman sila ang sadya ko dito. Hindi ako naghahanap ng lalaki o bagong kaibigan.
Itong manyak na si James lang ay sapat ng kaibigan ko. Sumakit nga ang ulo ko nito. Sanay na rin ako sa endearment niya sa akin at pagpapakilala niya bilang babae niya.
Inirapan ko lang silang tatlo at kumuha ng baso sa may table. Hindi ko alam kung kaninong baso ang napulot ko at wala rin akong pakialam. Medyo nagcrave ako ng alak ngayon. Katatapos pa lamang ng mission ko at may bago na naman. Sasalinan ko na sana ng alak ang baso nang may biglang pumigil sa kamay ko.
"Use this glass."
I don't know what happened to me pero bigla akong kinabahan sa malamig at malalim niyang boses. Ang nakakaakit niyang amoy na hindi na mawala sa sistema ko ang sumalubong sa aking ilong ng lingunin ko siya. Seryoso ang mukha nito habang kinuha nito ang baso sa kamay ko at sinalinan ng alak ang isang baso na hawak niya kanina.
Pinagmasdan ko lamang siya sa kanyang ginagawa. Nang matapos nitong lagyang ng kalahating alak ang baso, lumingon ito sa akin habang inabot nito sa akin ang baso. Nakasalubong ang mga mata namin. Seryuso na ang kanyang mga mata ngayon, hindi katulad kanina na tila nang-aakit. Umakto itong parang walang nagyaring halikan at tuhuran kanina.
Umupo ito sa tabi ko. Ipinatung nito ang kamay sa sandalang ng sofa sa aking likuran. Para tuloy itong nakaakbay sa akin.
"What?"
Supladong tanong nito nang mapansing nakamasid lamang ako sa kanya habang nakaangat pa rin sa eri ang baso ng alak na inabot niya sa akin. Napakurap ako.
Seriously? Why is he acting like we are close, in fact ay natuhod ko nga siya?
"Don't act like we are friends. We will never be."
Inirapan ko lamang siya at nilagok ang alak hanggang sa maubos ito.
"And do you think that I want you to be my friend? Oh f*****g hell! I don't need another one."
Ibinulong nito ang huling pangungusap sa aking tainga. Nagtayuan tuloy ang aking balhibo dahil sa init ng kanyang hininga na nasa aking leeg.
"Smell like f*****g heaven. f*****g mine"
May naramdaman akong mainit na basa sa aking leeg,.. Don't tell me..
Is that his tounge? Did he just lick my neck? Damnation!
"You manyak! Stop f*****g manyaking me!"
Dahil sa inis ko at di mapangalang pakiramdam ay di ko napigilang tumayo at kwelyuhan ang manyak sa aking tabi. I mean, ang manyak na di ko close. Manyak din kasi ang isa ko pang katabi na si James.
Anong akala niya sa akin? Mga babae niya na basta basta nalang bubukaka sa kanya kapag minamanyak niya?
Nanlilisik ang aking matang nakatingin sa kanya. Anong akala niya sa akin? Easy woman? Duhh!
"Kapag ikaw ay 'di titigil sa kamanyakan mo't puputulin ko yang dila mo!"
Ngumisi lamang ito at nawala na ang kaseryusuhan sa mga mata nito. Nagniningning na ito ngayon. Nakangisi lamang ito habang kalmang nakatingin sa akin. Parang hindi naman ito natakot sa akin. Parang mas nasisiyahan nga ito. Kainis! Hambalusin ko kaya ang gwapo nitong mukha. Promise, 'di ako nasasayangan!
"You're so f*****g hot!"
Aba't--
"Rave! Stop!"
Hahambalusin ko na sana talaga kung 'di lang ako hinila ng magaling kong kaibigan.
Galit kong tiningnan ang manyak na Rave pala ang pangalan. Whatever. Wala akong pakialam sa pangalan niya.
"Calm down, babe. He is Rave. One of my friend. "
Pinaupo ako ni James sa kabilang side niya katabi no'ng lalaking 'di ko matandaan ang pangalan. Nakangisi pa ito na tila aliw na aliw sa napanood na palabas habang umiinom ng alak. Para sigurong hindi masyadong halata na isa siyang chismoso.
"Anong ngingiti-ngiti mo dyan?"
Galit kong tanong sa kanya. Nakaupo na ako habang nakasandal ang aking likod at nakamasid sa lalaki na umiiling-iling.
"Wala akong ginawa ah. Umiinom lang ako dito. Naghahanap ako ng chiks"
Kumindat pa ito sa akin pagkatapos ay kunwaring lumilingon-lingon tila may hinahanap.
Inirapan ko lang ito.
"Tama na 'yan, Courtley. Huwag ka na ring magkamaling dumiskarte dyan at baka mag buga pa ng apoy 'yang isa dyan."
Sabi pa no'ng lalaki na nasa pinakadulo at binato pa ng isang mani na pulutan nila ang katabi kong lalaki habang pasulyap-sulyap ito kay Rave. Wow, naalala ko ang pangalan ng manyak. Sana oll.
Inirapan ko lamang sila.
Nang tingnan ko naman si Rave ay seryoso itong nakatitig sa akin. 'Di na siya nahiya at lantaran na talaga ang pagkamanyak niya. Kahit si James na nasa gitna namin ay nakakonot noo na itong pasulyap-sulyap sa aming dalawa.
"Bro, I know we've been friends for long as i can remember but if you won't stop staring at my girl. Ako na talaga ang sasapak sayo."
Sabi ni James habang naiinis na itong nakatitig sa katabi niyang lalaki.
Narinig ko namang maloko na tumawa ang tatlong lalaki na 'di ko matandaan ang mga pangalan dahil wala naman akong pakialam.
"She smells like.... oh.. She smells f*****g familiar dude!"
Tila naiinis rin nitong sambit at hinilamos ang dalawa niyang palad sa kanyang mukha.
"Awws? Baka libog mo na naman yan, Rave."
"Baka may tama na o tinamaan?"
Sabay tawa ng tatlo.
Tama! Tumpak na Tumpak! Ang sarap nilang hambalusin lahat. Magkakaibigan nga talaga.
Kainis!