HEAVEN SCARLET Masaya kaming nagtatawanan ng walo kong kasama habang naghahanda sa pagsalakay namin sa kalaban ngayong gabi. Alam na namin kung saan nagtatago ang pinakaulo ng kalaban at dahil 'yon sa taong nagbabalat-kayo sa grupo namin. Hindi nga lang 'yon alam ng ibang kasama ko. Ang pagkakaalam nila ay ako ang nakahanap. Ang nakakaalam lang sa katotohanan ay ako at ang taong 'yon. Hindi ko pa alam kung patibong ang pagbibigay niya ng impormasyon sa akin o nais niya lang talagang tumulong, pero kahit nahahati ang tingin ko sa kanya ay mas pinili ko pa ring puntahan ang impormasyong binigay niya sa akin. Why not give it a try, right? "Bago nga pala tayo umalis mamayang gabi ay may nais akong ihayag sa inyo." Natigilan sila sa pagtawa at napalingon sa direksyon ko. Isang malakin

