KAHARAP ngayon ni Giana ang taong alam niyang kapag nalaman ni Louie na nakipagkita siya ay magwawala iyon sa galit. Iniwasan niya noong nawalan siya ng alaala upang hindi magalit at mag-away sila mag-asawa at inakala niyang sumisira sa relasyon nila noon. Dahil sa pagbabalik ng alaala niya ngayon ay alam niya kung sino talaga ang sumira ng relasyon nila at kung sino ang may malaking pagkakamali sa kanilang dalawang mag-asawa. Walang iba kundi siya. Dahil nagpadala siya sa galit, hinangad maghiganti at nanggamit ng ibang tao upang saktan at durugin ang puso ni Louie. Ang taong tinawagan niya at nakipagkita siya, ay walang iba kundi si Dominick subalit hindi nito alam na pati si Shamelle ay nasa restaurant ding iyon pero nasa tagong puwesto lang. Palaging pinapaalam ni Giana kay Shamelle,

