MATAPOS makipag-usap ni Giana kay Oliver ay isang tao ang tinawagan niya upang makausap at sa isang tagong mesa siya pumuwesto, sa isang mamahaling restaurant na ‘konti lang din ang tao, ang lugar kung saan siya makikipagkita sa tinawagan at nang dumating nga ito, ay sa harapan niya ito umupo saka seryosong nakatingin sa kaniya kaya napabuntonghininga siya. “Bumalik na ang alaala ko, Mirasol,” umpisa ni Giana. Nanlaki ang mga mata ni Mirasol sa narinig mula sa kaniya at mabilis na hinablot ang kamay niya saka hinawakan siya at halatang masaya si Mirasol sa nalaman, na bumalik na ang alaala niya. “Kung ganoon ay galit ka na muli kay Louie at ipagpapatuloy na natin ang paghihiganti sa lalaking iyon? Salamat naman sa Diyos, Giana!” masayang bulalas ni Mirasol sa kaniya. Hinila ni Giana a

