Chapter 74

2721 Words

NASASAKTAN si Giana at napahawak siya sa dibdib niya matapos lumabas ng kwarto nilang mag-asawa. Kinagat niya ang labi upang hindi tumulo ang mga luha saka pinaypay ang kamay sa mukha para pahinahon ang sarili. Hindi siya maaaring maging emosyonal at kailangan niyang panindigan anuman ang gusto niyang mangyari sa kanila ni Louie. Sa oras na magpakita si Giana nang kahinaan at maging emosyonal siya sa harap ng asawa ay nasisiguro siyang gagamitin iyon ni Louie para tuluyan siya nitong hawakan at hindi hiwalayan lalo pa, na sinasabi nitong mahal siya ng asawa at hindi nito kayang mawala siya sa buhay nito. Napabuntonghininga si Giana. Gusto niyang paniwalaan na mahal talaga siya ni Louie subalit alam naman niya ang buong katotohanan kaya hindi siya dapat magpadala sa mga sinasabi ng as

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD