Chapter 73

2569 Words

IBINIGAY ni Giana ang magandang notebook at envelop sa mga magulang. Nakaupo na sila sa sofa kasama pa rin ang mga kapatid habang kalong naman ni Arealli si Micos at ngayon ay mahinahon na sila subalit namumugto ang mga mata. Naghanda ng maiinom ang Mama niya para mahimasmasan sila lahat subalit hindi pa tapos ang mga sasabihin niya sa pamilya kaya hanggang ngayon ay magkakasama pa rin sila. Kinuha ni Papa ang laman ng envelop at naglalaman iyon ng bank account ni Giana at last will of testament na may pirma niya at abogado na sa pamilya niya mapupunta ang lahat ng ari-arian na naipundar niya. Malaking halaga ang maibibigay niya sa pamilya sa oras na mawala siya sa mundo. Kinuha iyon ni Arealli at nagulat itong napatingin sa kaniya. “Bakit may last will of testament ka, Ate, na sa amin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD