“NGAYON ko lang na-realize na ganoon ka ka-mahal ng asawa mo dahil kahit katawan niya ay hindi niya kayang ibigay sa akin dahil sa’yo at nauunawaan ko iyon kahit masakit ang katotohanang ginamit at pinaasa lang ako ng asawa mo. “Bilang ganti sa kaniya ay hindi ko ipapaalam sa kaniya ang mga nalaman ko kahit pa bumalik pa ang alaala niya at magmakaawa siyang lumapit sa akin. Makakabuti sa’yo pero sa kaniya alam kong hindi,” tugon ni Mr. Martinez kay Louie na may mapait na ngiti sa labi. Halatang nasaktan si Mr. Martinez sa kaalamang ginamit lang ito ni Giana para malaman ang buong katotohanang itinatago niya sa asawa. “But you and my wife stayed in the hotel room all night, which happened many times. According to my investigator,” usisa niya. “Your investigator did not know that Giana

