NAGISING si Giana dahil naramdaman niyang may kumikilos sa paligid at nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya ang likod ng asawa na nagbibihis na ng damit pangtrabaho kaya tuluyan na siyang nagising habang nakatingin sa abalang si Louie. Humarap si Louie sa kinaroroonan niya at napatingin sa kaniya. “Good morning,” bati ni Louie sa kaniya na hindi niya tinugunan. Lumakad palapit si Louie kay Giana saka humalik sa labi niya nang marahan at hinaplos ang pisngi niya. “Are you still mad at me?” tanong ni Louie sa kaniya. “Sorry na, bo. If you want to visit your parents in Bulacan, I will allow you and send you to Mang Amador there as long as you don't get mad at me,” dagdag pa ni Louie sa kaniya. “Papayagan mo na ako kahit hindi ka kasama?” naniniguradong tanong niya. “Oo. Bibilin

