MABILIS na napatayo si Giana nang makilala ang taong nakatayo ngayon sa likuran niya, na may hawak na basket ng bulaklak at napuno ng kaba ang dibdib niya dahil sa muli nilang paghaharap. “M-Mama,” bulalas niya. Mama ni Louie, ang ngayong nasa harapan niya at may lungkot ang mga matang nakatingin ito sa kaniya. Inilapag ni Mama ang basket ng bulaklak saka pumikit habang nakatingin sa libingan ni Hershey, na sa tingin niya ay nagbigay na tahimik na panalangin saka muling nagmulat ang mga mata at tumingin sa kaniya. “Hindi ko inaasahang makikita kita rito sa pagdalaw ko sa Papa ni Louie at kay Hershey. Pero pinaplano ko na rin puntahan ka para makausap ka nang masinsinan,” sabi ni Mama sa kaniya. “A-alam ko pong alam niyo na ang naging desisyon naming paghihiwalay ni Louie—“ “Desisyon n

