Chapter 82

2232 Words

GABING-GABI na pero hindi pa rin dalawin ng antok si Giana at nakatitig lang siya sa kesame ng kwarto niya. Napabuntonghininga siya saka umupo sa kama at nang hindi pa rin dalawin ng antok, ay lumabas siya ng kwarto saka naglakad patungo sa madilim na sala saka dumiretso ng kusina. Binuksan niya ang ilaw at nag-init ng tubig sa electric kettle dahil plano niyang magtimpla ng gatas. “Oh, bakit gising ka pa, Iyang?” Napalingon si Giana sa nagtanong at ang ina niya iyon na lumapit saka kumuha ng baso at tubig para inumin. “Hindi po ako makatulog kaya plano kong uminom ng gatas,” tugon niya. “Gumugulo ba sa isip mo ang pag-uusap niyo ng Mama ni Louie?” tanong ni Mama sa kaniya. Matapos kasing makipag-usap siya sa mother in law niya kahapon at pag-uwi niya ay nasabi niya ang lahat ng pag-

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD