Part I
Sa harap ng sari-sari store ay huminto kami. Ito ang usual spot kung saan ko hinahatid si Irene, ang nililigawan ko. Sa apartment siya umuuwi kung saan ang Tita niya ang may-ari o nagsilbing landlady at isa sa batas nito ay bawal ang lalaki kaya hanggang dito na lang palagi kung ihatid ko siya.
“Dito na lang, Nic,” nakangiti niyang turan. Tinugunan ko rin iyon ng matamis na ngiti at tumango. “Salamat para sa araw na ito, have a good night.”
“Good night din.”
Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob. Ako nama’y pumara na rin ng taxi.
Habang pauwi ay hindi ko maiwasang mapangiti sa pag-alala sa araw namin. It’s Sunday kaya day-off niya sa trabaho bilang accountant sa isang banko while I am a college professor.
We have our time together. Preciously spent. We enjoyed the typical date itinerary of usual couple. Watch cinema, shop, eat and rides in parks.
Mas nakikilala ko siya every time when we’re together and I’m always amaze with what I discover about her.
Mabait pa rin siya, mapagbigay, simple at hindi mareklamo, she’s contented.
I met Irene way back in our college days, kaklase kami sa isang Math subject and I notice her noong nagkasagutan kami tungkol sa tamang sagot sa equation na binigay ni Sir. In the end, nag next equation na lang si Sir hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung sino ang tama. But I’m confident na tama ako.
Since that argument, I keep an eye at her. And didn’t notice that I already like her.
She’s pretty. She got a fair complexion, wavy short hair that makes her look cute and charming for me. Singkit ang mga mata niya, matangos ang ilong at…makapal ang kilay which I notice na kinaiinggitan ng ibang babae dahil hindi niya na kailangang magkilay pa. She does lip tint and cheek tint which makes her bubbly but even without those, she still sparkles in my eyes.
A day after college gradation which is our graduation ball, I’m set to confess my feelings for her but after I only knew she flew to France.
I was frustrated. I tried reaching her on chats, but her account is deactivated. I don’t have her phone number neither her friends. She popped like a bubble.
“Sir, nasa Villa Leonore na po tayo,” sabi ng taxi driver kaya napabalik ang isip ko mula sa alaala. Tinanguhan niya ang guard kaya binuksan nito ang gate ng subdivision. “Block 3 po,” sabi ko at itinuro kung saan hihinto. Nagbayad ako saka bumaba. Binuksan ko ang gate at pumasok sa hindi kalakihan naming bahay. “Pa?” pagtawag ko sa kaisa-isang kasama ko sa buhay. Lumabas siya mula sa kusina.
“Oh, nandito ka na. Musta ang araw?” nakangiti niyang tanong at umupo sa sofa sa sala. Umupo na rin ako sa single seat sofa at dahan-dahang hinuhubad ang sapatos. “Better than fine,” malawak ang ngiti kong tugon.
“Bah, ayos ah. Sinagot ka na?” Ginalaw-galaw niya pa ang kilay as if teasing me.
“Hindi pa but I can feel it, malapit na.”
“Pagpatuloy mo lang anak. Napakabait siguro ni Irene para magustuhan mo. Kilala kita eh, pihikan ka rin. Buti na lang nagmana ka sa kagwapuhan ko kaya may karapatan ka maging pihikan.”
“That’s too much, Pa.”
“Pero seryoso Dominic, ‘pag mapasagot mo na si Irene. ‘Wag mo nang pakawalan pa. Treasure her as if it’s always your first time together. Higit sa lahat, ‘wag kang magloko. Tingnan mo nangyari sa amin ng Mama mo.”
“It’s okay pa, alam ko namang nagsisisi ka na ngayon.”
Napabuntong-hininga siya. “Kung alam mo lang, anak.” Isang mahabang katahimikan bago niya ito binasag, siguro’y naalala niya na naman at nakaramdam ng lungkot. “Sige na, umakyat ka na’t magpahinga. Alam kong busog ka rin naman.”
Mahina akong napatawa. “Salamat pa, you’re the best,” sabi ko at umakyat na ng kwarto.
Anim na taon na mula noong naghiwalay sila ni Mama. Sundalo si Papa noon at ngayo’y retirado na. Kapag sinabing sundalo, impresyon ng karamihan babaero. Noong una’y, isang exception si Papa sa impresyong iyan pero ‘di nagtagal at dahil sa impluwensya ng mga kasama niya ay nagawa niyang baliin ang tiwala ni Mama sa kanya, dahilan ng kanilang paghihiwalay.
May kapatid akong babae at pinili niyang sumama kay Mama, while me? I have been a proud Papa’s boy since then, kaya sa kanya ako sumama. Hindi ko inisip ang pagkakamali niya kaya ngayo’y todo payo siya sa akin na ‘wag na ‘wag akong magloko.
IT’S A NEW day and I texted Irene na sabay kaming mag-lunch dahil nagluto si Papa ng specialty niyang beefsteak na paboritong ulam din ni Irene. I got an okay reply kaya ganado akong nagklase. Parang bawat estudyante ring binabati ako ay gusto kong ngitian at batiin, dati kasi’y tamad na akong bumati pabalik kaya hanggang tango na lang ako.
Pagkarating ko sa klase ay nagsiayusan sila. Kahit mga college na ay pasaway pa rin. “Good morning,” bati ko sabay baba ng bag sa mesa. “Good morning, Sir.”
“Do we have an assignment?” tanong ko.
“Ang blooming mo ngayon, Sir.”
“Oo nga, iba ang ngitian ah. Inspired ka Sir ‘no?”
“Ang gwapo mo ngayon, Sir.”
Mga pambobola nila sa akin. “Thank you pero alam kong may assignment tayo tungkol sa derivatives. Nagbigay ako ng tatlong equation kahapon, bring out your assignments.”
Napuno ng bulungan, panghinayang at may sumipol pa dahil hindi sila nakalusot sa akin.
Pagkatapos ng tatlo kong klase ay excited kong sinundo si Irene sa banko at tumungo sa isang restaurant. Kanin, drinks at dessert lang ang binili namin. “Hmm, ang sarap pa rin talaga ng luto ng Papa mo,” aniya sa unang subo pa lang. “Pwede bang magpaampon na lang sa inyo?”
“Hindi pwede,” agad kong sagot kaya nagdugtong ang kilay niya. “Ang damot naman.”
“Kung magpapa ampon ka edi magkapatid na tayo, hindi pwede iyon. Kung sasagutin at papakasalan mo ako malamang welcome na welcome ka sa buong angkan ko.” Saka sumubo ako nang sunod-sunod.
“Oy dahan-dahan naman, baka ikaw pa mabulunan sa sarili mong kacornyhan.” Napatawa na lamang kaming dalawa.
Tahimik ang aming pagkain, hindi rin naman kasi siya masyadong makwento. Hindi talaga siya madaldal kaya palaging may handa akong topic na pag-usapan at ngayon nga’y talagang wala na akong maisip. Binasag ng message ringtone niya ang katahimikan.
Kinuha naman niya ang cellphone at binuksan ang text.
“Sino ‘yan?” Hindi sa nangingialam talaga ako kung sino ang katext niya pero alam kung ilalapag niya lang ulit sa mesa ang phone niya pagkatapos mag-reply at babalik sa tahimik na pagkain.
“Uhm, si Krizette, nag-inform na next Sunday na ang pre-wedding photoshoot niya. Malapit na pala talaga ang kasal niya.”
Tumango-tango ako. Isa sa pinakamalapit niyang kaibigan si Krizette noong college at ngayon ay isa ng doctor. “Ah, isa ka sa mga bride’s maids?”
“Maid of honor.”
“Maid of honor? Diba sila ang pinipili dahil sila na ang susunod na ikakasal? Lagot ka, humanda ka na.” nakangisi kong turan.
“Handa naman na ako.” Nawala ang ngiti ko sa ‘di ko inaasahang sagot niya.
Napatingin ako sa kanya at seryosong ekspresyon lamang ang nakikita ko habang siya’y nakayuko at kumakain. Nang maramdaman ang pagtitig ko ay napaangat siya ng tingin. “Irene…” Inabot ko ang kamay niya at pinisil. “Noong umalis ka after the graduation, I was frustrated. Hindi ko man lang naamin sa’yo ang naramdaman ko. Ilang araw akong feeling brokenhearted no’n pero sabi ni Papa, if we are really destined, magkikita’t magkikita pa rin tayo. Pinanghawakan ko iyon and you don’t know how ecstatic I am noong nagkita tayo sa reunion. Irene… I like you very much. I hope you will say yes to me someday.” Isang matamis na ngiti ang itinugon niya sa akin.
“S-someday,” nauutal niyang tugon saka iniwas ang tingin.
Buong gabi ako binagabag ng pag-iwas niyang iyon. What does it mean? Awkward ba? I have known Irene and I know she handles every situation well. Even in an awkward situation. Nahihiya ba siya? Nautal pa siya. Hindi ko alam kung positibo ba iyon o negatibo.