Chapter 5

1665 Words
Nagising siya sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang balat, lumingon siya sa kanyang tabi, wala na ang binata agad syang bumangon pinulupot ang puting kumot sa hubad na katawan, paika ika syang natungo sa banyo, tiningnan niya ang sarili sa harap ng salamin, bakas sa kanyang katawan ang init na nagdaan ng isang gabi, napangiti siya ng maalala ang kanilang mainit na sandali, kinuha niya ang spare toothbrush saka ginamit nang matapos agad syang puma ilalim sa lamig ng tubig na nang gagaling sa shower. Nang matapos lumabas siya at nagtungo sa walk in closet ng binata naghanap siya ng damit na kasya at pwede sa kanya, ilang pasada pa sa sarili sa harap ng salamin bago tuluyang lumabas ng silid, hinagilap ng mata niya ang binata at nakita niya itong nagkakape sa balcony, napangiti siya habang pinagmamasdan ito mula sa malayo, mukhang malalim ang iniisip nito habang nakatanaw sa malayo. "Hi!" Bati niya ng makalapit, agad nitong pinatay ang sigarilyo at inangat ang kamay upang kapitin siya palapit dito upang paupuin siya sa kandungan nito. "Hi, how's sleep?" Tanong nito sa kanya pagkatapos hinawi ang kanyang buhok upang halikan siya sa balikat. "Sore." Maiksing sagot niya niyakap siya nito at hinalikan. "I'm sorry!" anito. Hinawakan niya ito sa buhok at hinimas. "It's okay!" Hinalikan niya ito sa labi hindi rin nagtagal ang ilang sandali ng kumalas siya, ngunit muli syang kinabig nito at hinalikan tumagal ang halikan nila hanggang sa gumapang ang kamay nito sa kanyang dibdib, hinawakan niya iyon upang pigilan. "Gutom na ako!" Aniya, bigla itong kumalas sa kanya. "I forgot!" Anito saka inalis siya sa kandungan at tumayo. "I'll cook!" Patuloy nito, nagmamadali itong nagtungo sa kusina upang handaan siya ng almusal. Napapailing nalang siya habang nakangiti nang pagmasdan itong natataranta, pumasok na siya sa loob at nagtungo sa kusina, mabilis ang kilos na ginawa nito kahit na alam nyang nagmamadali ito nandoon pa rin ang tikas sa katawan. "Napaka swerte ko naman sa boyfriend ko!" Aniya rito at umupo sa upuan, ngumiti ito ng tipid sa kanya. Nang matapos maasikaso ang kanilang pagkain, umupo na sila nag nagumpisang kumain. "I'll take you home" Anito sa kanya sa kalagitnaan ng kanilang pagkain, tumungo siya dito bilang pag sang ayon, natapos ang kanilang pagkain ng walang imikan, lulan ng sasakyan patungo sa kanyang bahay wala pa rin imik ang binata, hinawakan niya ito sa kamay. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya, agad itong nag iwas ng tingin sa kanya. "You can tell me, what happened?" Pamimilit niya rito. Bumuntong hininga ito pagkatapos agad na tumingin sa kanya at tinitigan siya sa mga mata. "I'll go back to the US tomorrow!" Natigalgal siya sa sinabi nito gulat syang napabaling, tila may pumiga sa kanyang puso sa isiping malalayo siya sa kasintahan. "I'm sorry!" Paghinging tawad nito sa kanya. Napalunok siya at tumingin sa binabagsak nilang daan humugot siya ng malalim na hininga, agad nyang binaling sa binata ang mga mata ng magbadya itong tumulo. "Ingat!" Aniya sa mahabang sandali, hindi niya alam kung anong dapat sabihin o maramdaman. Naramdaman niya ang palad nito sa kanyang hita. "I won't staying there for to long I just have a problem to fix!" Tila nabunutan siya ng tinik at nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi nito, agad syang bumaling dito upang ngumiti. Magkahawak ang kanilang mga kamay sa haba ng kanilang byahe hindi ito binitawan ng lalaki at ganoon din siya. "Gusto mo bang ihatid kita sa airport?" Tanong niya rito ng huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay. "No need, I will call you from time to time!" Paninigurado nito sa kanya, bago siya bumaba ng sasakyan hinalikan siya nito sa mga labi at niyakap. "I'm gonna miss you!" Gumanti siya ng yakap dito ng mahigpit. "Mamimiss rin kita magiingat ka doon!" Muli nyang niyakap ang binata. Nang makita na malayo na ang sasakyan nito kumaway siya kahit alam niya na hindi nito nakita, nang hindi na matanaw ang binata agad syang pumasok sa loob tila bumigat ang kanyang pakiramdam dahil sa pag alis nito, nagtungo siya sa silid upang magpahinga, nag buntong hininga siya at humiga sa kama, tumulo ang kanyang luha dahil sa kalungkutan ngunit agad niya ring pinahid ng may kumatok sa pintuan, agad syang tumayo at binuksan iyon. "Bakit?" Bungad niya sa kapatid. "Ate, bakit ngayon ka lang?" Tanong ng kanyang kapatid, agad syang umiwas ng tingin dito at muling naalala ang nangyari ng nagdaang gabi. "Marami akong tinapos na order." Pagsisinungaling niya kahit na ang totoo hindi siya pumunta ng shop ng ilang araw, dahil na rin sa bumababang profit ng kanilang shop isa pa kung patuloy syang magbubukas araw araw tapos ang pumapasok na pera ay wala pa sa kalahati ng puhunan at mapupunta lang sa lahat ng expenses mapipilitan syang magsara. Nahihiya syang sabihin at ipaalam sa kapatid ang lahat sapagkat ayaw nyang magalala ito at mapahamak dahil nagdadalang tao ito mas mabuti na sa kanya nalang ang lahat ng hirap, napabuntong hininga siya dahil sa hinaharap na sitwasyon idagdag pa ang halos buwan nyang pakikipag saya sa labas tila ngayon niya lang naramdaman ang lahat ng problema na kanyang hinahaharap ngayon. "Ate!" Untag sa kanya ng kapatid agad syang napabaling dito at nagtatanong ang mga mata. "Kanina pa kita kinakausap!" Anito payuko siya at pinaglaruan ang mga kamay. "Sorry, marami lang akong iniisip!" "Ayos ka lang ba?" Tanong nito, napaangat siya ng tingin at ngumiti dito. "Ayos lang si ate, magpapahinga na muna ako!" Nagpaalam na siya sa kapatid upang hindi na siya nito usisain sa mga bagay bagay. Humiga siya ng patalikod dito, naramdaman nyang nagbuntong hininga ito bago umalis narinig niya ang yabag nito palabas pati na rin ang pagbukas at sara ng pinto. Hindi na niya napigilan ang luhang kumawala sa kanyang mga mata, hindi pwede na lagi nalang syang ganito kailangan nyang magsikap para sa kapatid, hindi dapat na magpa lugmok siya sa nakaraan. Lumipas ang ilang araw na hindi nagparamdam sa kanya si Nick, nagaalala na siya para dito sapagkat nangako itong tatawag sa kanya ngunit lumipas na ang tatlong araw. Inayos niya ang sarili sa harap ng salamin, ngayong araw aalis siya at magtutungo sa shop upang asikasuhin ito, nalulungkot man ngunit wala na syang magagawa kung lagi syang ganito wala silang kakainin na magkapatid. "Aalis na ako!" Paalam niya sa kapatid ng nasa pintuan na siya medyo malaki na rin ang tiyan nito, masaya siya para sa kapatid dahil may anghel na itong paparating. Sumakay siya ng public transfo na dumaan, agad syang nagbayad at sinabi kung saan siya bababa, nang makarating sa shop agad nyang binuksan, puro alikabok ang bumungad sa kanya bahing siya ng bahing dahil sa mga kalat. Una nyang nilinis ang kanyang office table pagkatapos sinunod nyang nilinis ang garden sa likod, pati na rin ang mga bulaklak na nandoon ay inayos at diniligan niya, inubos niya ang buong oras sa paglilinis ng buong shop para bukas makapag simula na siya sa pagtitinda. Magtitiis na lang muna siya kahit mababa ang profit dito sasamahan niya nalang ng sipag upang magpatuloy pa rin ito, dahil hindi niya pwedeng pabayaan ang shop na ito alang alang sa kanyang lola na namayapa. Nilibot niya ng tingin ang buong shop malinis na ito at balik na sa dati ang ganda, ngayon niya lang naramdaman ang pagod at gutom, naupo siya sa kanyang table kinuha ang bag at tiningnan kung may cash siya ng makitang wala agad syang tumayo, napagpasiyahan niya na sa labas na lang muna kumain. Nang makararing sa pakay, nag order na agad siya hindi na niya mapaliwanag ang gutom na nararamdaman kaya ng maihain sa kanya ang pagkain agad na syang nagsimula. Nang matapos busog na busog siya tila bumalik ang lakas na nawala sa kanya, pagtapos mag bayad agad syang lumabas upang bumalik ng shop. Habang naglalakad may nahagip ang kanyang mga mata na lalaki nakatayo malapit sa pinto ng kanyang shop, bumilis ang t***k ng kanyang puso, naisip niya kaagad si Nick, kaya labis labis ang kanyang tuwa at nagmamadaling lumapit dito. "Nick!" tawag niya ngunit hindi ito lumingon, nawala ang kanyang ngiti at agad na lumapit dito baka hindi lang siya narinig. "Hi!" bati niya agad itong lumingon na nagpawala ng kulay sa kanyang mukha. "Hi!" ganting bati nito sa kanya, agad niya itong nilagpasan ngunit hinabol siya nito. "Hey, Let's talk!" anito sa kanya at hinawakan siya sa braso. "Wala na tayong dapat pagusapan, umalis kana!" malamig na aniya. "Let me explain!" nagulat siya sa ginawa nito dahil lumuhod ito sa kanyang harapan. Tumingin siya sa malayo at pinigilan ang mga luhang kumawala. "Umalis kana please!" Pakaawa niya dito ngunit hindi ito natinag sa kinaluluhuran. "I won't leave until I explain everything to you!" hinawakan siya nito sa kamay ngunit hindi rin nagtagal ng bawiin niya. "As I said, wala na tayong dapat pang pagusapan!" Sigaw niya tumayo ito at niyakap siya pinagbabayo niya ang dibdib nito ngunit wala itong ibang ginawa kundi ang yakapin siya habang patuloy sa sila sa pag iyak. Nang mapagod siya sa ginagawa agad syang huminto at nanghihina ang katawan pati ang tuhod na napaupo. "I'm sorry!" hinging tawad nito sa kanya, patuloy pa rin sa pagluha ang kanyang mga mata. "Before I met you, I planned to divorce her because I didn't love her and I was stuck in the situation of an arranged marriage, believe me I filed for divorce but she didn't want to sign it because she was after my wealth!" paliwanag nito sa kanya. Kumalas siya rito at agad na tumayo. "Minsan ba sa buhay mo hindi mo siya minahal?" tanong niya sa lalaki natigilan ito sa kanyang sinabi. "Hindi mo ba siya tinanong kung bakit ayaw nyang pirmahan?" Patuloy niya tahimik lamang itong nakikinig sa kanya. "Mahal ka ng tao kaya ka niya pinaglalaban!" Singhal niya sa lalaki. "Now if you cannot answer my goddamn question you can leave, Tapos na tayo at wala na tayong dapat pagusapan!" Sigaw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD