Chapter 1
Pagkatapos ng mahabang araw sa pagtitinda at pagaasikaso sa mga customer muli na naman nyang isasara ang shop, napabuntong hininga siya sapagkat dito na umikot ang kanyang mundo pero kahit na ganoon masaya siya sa ginagawa, bukas panibagong araw ulit para sa pakikipag sapalaran at pagkakayod kalabaw, ayos lang ang mahalaga para ito sa nagiisang pamilya.
Pinagmasdan niya ang loob ng shop, pagkatapos nyang mag makapagtapos sa kolehiyo siya na ang namahala sa negosyo ng lola Eleanor sapagkat hindi na nito kaya pang ihandle dahil sa sakit, sa paglipas ng panahon naging maayos ito at naging maganda ang takbo hanggang sa nakapag patayo siya dito sa Manila kung nasaan siya ngayon.
Ito lang ang tanging kamayanan na iniwan sa kanila ng umayong lola kaya ginagawa niya ang lahat upang mapaayos ang negosyo, kahit malayo sa kapatid tinitiis niya ang lungkot at hirap sapagkat alam niya sa sarili na walang ibang aasahan ang kanyang kapatid kung hindi siya, sapagkat ang kanilang magulang ay matagal ng hiwalay at pinabayaan na sila.
Kahit na ganoon hindi siya nagalit o nagtanim ng sama ng loob sapagkat kaya naman nyang supportahan ang sarili at alagaan ang kapatid.
Isinukbit niya ang bag at lumabas ng shop, isinara niya ito at nilock, naglakad siya patungong sakayan kahit na maganda ang takbo ng kanyang negosyo hindi siya makabili ng sariling sasakyan dahil mas higit na mas kailangan ng kanyang kapatid ang pera dahil dalawang taon na lamang magtatapos na ang kapatid sa kolehiyo.
Madalas nyang gawin habang naglalakad ay magtingin tingin sa paligid sa ganitong paraan nababawasan ang kanyang problema at nalilibang ngunit sa kanyang pag mumuni-muni hindi inaasahan ang kanyang nakita sa madilim na parte ng bahagi ng kalsada.
Nanginginig ang kanyang kamay na lumapit dito, nang matukoy na isa nga itong tao at maraming dugo ang nakapaligid dito agad nyang kinuha ang kanyang phone upang himingi ng tulong, muntikan pang mahulog ito dahil sa kaba.
"Hello!" Paunang bungad niya. "May tao po ditong nakahiga hindi ko alam kung naaksidente o anong nangyari." Patuloy niya pagkatapos binigay niya ang pangalan at address ng lugar.
Wala pang ilang minuto ng may narinig syang ambulansya agad syang lumapit sa mga ito at sinabi ang makita tinanong pa siya ng ilang bagay ng mga pulis samantala ang rescue team naman ay agad na dinaluhan ang lalaki.
Habang inaayos nila ang strecher para ilagay ang lakaki dahan dahan nila itong binuhat ng bigla itong gumalaw halos lahat sila gulat na gulat, napatingin sa kanya ang pulis at ang nagaasikaso sa lalaki.
Hindi makatingin ng maayos si Zav sa mga 'to hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin pero dalawa lang ang sigurado niya kahihiyan para sa kanya at sa mga to at higit sa lahat abala.
Kinagat niya ang pang ibabang labi ng tumayo ang lalaki. "What's happening?" Takhang tanong nito sa lahat na nakapalibot dito. "Someone reported you that you're dead!" Sarkastimong ani ng pulis at saka muling bumaling sa kanya. Tinaas niya ang dalawang kamay upang depensahan ang sarili ngunit wala rin naman lumabas na tinig sa kanya.
Takhang napabaling sa kanya ang lalaki at pagkatapos sa officer at rescuer. "Sorry for the inconvenience officers, you see I'm all goods, you can leave now!" Anito saka bumaling sa kanya.
Iniwas niya ang tingin dito dahil sa matinding kahihiyan, nang makaalis na ang mga officers na naabala nila, saka lang siya humarap sa lalaki. "I'm sorry Mr. I didn't mean it!" Hinging paumanhin niya habang hindi makatingin ng deretso dito.
Ngumiti ang lalaki hanggang napunta sa paghalakhak. "I like you!" Deretsang anito gulat na napabaling rito si Zav nang mapansin nito ang pagkagulat niya napakamot ito sa batok. "I didn't mean to like you, like in relationship!" Huminto ito sa pagsasalita at tiningnan siya mula ulo hanggang paa ng may pagkamangha. "Seems that your not having a boyfriend since then!" Mababakas ang gulat sa kanyang mukha ng mapabaling dito.
"I have a boyfriend!" Depensa niya. "Alright alright!" Pagsuko nito. "I'm sorry!" Sabay nilang banggit.
Nahihiyang tumalikod si Zav, agad rin naman nagiwas ng tingin ang lalaki.
Binuksan niya ang bag saka kinuha ang isang calling card at inabot sa lalaki. "Sorry sa abala, ito, tawagan mo ako o puntahan para mabigyan kita ng bulaklak para sa kahihiyan na ginawa ko!" Aniya.
Matagal nitong tinitigan ang calling card niya bago tinanggap. "No, I'm the one who need to say sorry, anyway, thanks for saving my life!" Anito sa kanya at saka ngumiti. "Totoo ba?" Gulat na tanong niya, tumango ang lalaki. "I plan to end my life actually." Tumingin rito si Zav at tinatansiya kung nagsasabi nga ito ng totoo nang masiguro na hindi ito nagsisinungaling agad syang napailing. "Marami ang gustong mabuhay at nakikipaglaban sa kanya kanya nilang buhay, tapos sayo gusto mong tapusin?" Panenermon niya dito.
Ngumiti ang lalaki sa kanya. "Yeah you're right!" Pagsang ayon nito sa kanya, napabuntong hininga si Zav. "Kung ano man ang pinagdaraanan mo dinarasal kong malagpasan mo!" Aniya saka ngumiti rito.
Napangiti narin ito sa kanyang sinabi. "So, kailangan ko ng umalis, see you at my shop!" Paalam niya sa lalaki.
"What's your name?" Pigil nito sa kanyang pagalis. "Zav." "Austin." Anito sabay abot sa kanya ng kamay ng lalaki.
Nagumpisa ng maglakad si Zav papalayo sa lalaki ng medyo malayo na siya lumingon siya rito hindi parin ito umaalis kinatatayuan hanggang makasakay siya sa jeep muli niya itong nilingon, kumaway siya rito nang makitang nakatayo parin ito habang tanaw siya sa malayo.
Hanggang makarating sa apartment na tinutuluyan hindi parin mawala sa isip ni Zav ang inkwentro nila ng lalaki, mababakas dito ang karangyan at may sinabi sa buhay dahil sa anyo ng pananamit nito at kilos lalo na sa pagsasalita.
He's hunk and handsome having a dark hair and almond eyes fit perfectly, isama na rin ang cross tattoo nito sa left neck na lalong nagpalakas ng dating nito, natigilan siya sa naisip.
Muli nyang ipinikit ang mga mata ngunit agad rin iminulat ng pumasok na naman sa isip niya ang binata bumangon siya at umupo sa kama maya maya pa ay napagpasiyahan niya na magtungo sa kusina upang magtimpla ng gatas pampatulog.
Nang matapos nagtungo siya sa sala upang doon inumin kinuha niya ang phone at agad na tinawagan ang kanyang kapatid maaga pa naman at alam nyang gising pa ito dahil sa pag rereview ngunit lumipas ang ilang sandali bago ito sinagot. "Hello, kumusta!" Bungad niya sa kapatid. "Hi ate, ayos lang!" Ganting bati nito sa kanya. "Teka bakit maingay dyan asan ka ngayon?" Takhang tanong niya sa kapatid. "Nandito ako sa bahay ng classmate ko, gumagawa kami ng group project!" Nawala na ang ingay na narinig niya sa kabilang linya. "Ganoon ba, dyan kaba matutulog?" Tanong niya. "Yes, ate kailangan namin ito tapusin dahil malapit na ang deadline!" Sagot nito sa kanya. "Okay sige, magiingat ka dyan, may natira paba sa allowance na binigay ko sayo?" Aniya. "Wala na ate!" Mabilis na sagot nito. "Ganoon ba sige magpapadala ako sa bank account mo!" Aniya.
"Pakidagdagan ate kasi may babayaran kami!" Anito sa kanya, natahimik siya sa sinabi nito. "Hindi paba sapat sayo ang 50, 000 a month?" Aniya. "Hindi na ate!" Anito saka pinalambing ang tinig. "Sige gagawin kong 70, 000 okay naba yan sayo?" Tanong niya. "Opo ate okay na po iyan maraming salamat." Anito.
"Magpapahinga na ako magiingat ka dyan!" Aniya hindi na niya hinintay na sumagot ito at agad na pinatay ang tawag. Napahilot siya sa kanyang sintido at batok tila sumakit ang kanyang ulo sa sinabi ng kapatid.
Inubos na niya ang natitirang gatas saka nagtungo sa kusina upang hugasan ang baso nang matapos agad syang natungo sa kama at nahiga, kailangan na nyang matulog sapagkat maaga pa syang gigising para sa panibagong araw.
Kinabukasan maaga syang gumising upang magasikaso at magtungo sa shop pinasadahan niya ng tingin ang sarili sa salamin at pagkatapos kinuha ang bag at nagtungo sa pintuan, halos araw araw ganito na ang naging takbo ng kanyang buhay wala naman syang ibang pagpipilian dahil kung hindi siya kikilos siguradong kawawa sila ng kanyang kapatid.
Umaga palang ngunit marami na syang taong nakikita na papasok sa trabaho, pagkarating sa sakayan agad syang sumakay ng jeep at nagbayad ilang minuto pa ang kanyang aantayin bago makarating sa bababaan, ipinikit niya muna ang kanyang mga mata.
Nang makarating sa patutunguhan agad syang bumaba at naglakad, gustuhin man niya ng bumili ng sasakyan hindi niya magawa dahil mas kailangan ng kapatid niya ng pera, nakakapagtiis pa naman siya.
Binuksan niya ang shop, pagkapasok agad nyang inilagay ang bag sa kanyang table at binuksan ang computer at natungo sa email, para matingnan ang mga nagoorder sa kanya, inilista niya ito at ginawan ng waybill pagkatapos tumayo at kinuha ang mga bulaklak sa likod ng shop kung nasaan ang garden upang ayusin ito at ng madeliver na, nang matapos agad nya munang itinabi at nilinis ang buong shop.
Magisa lamang siya na nagmamahala ng shop dahil alam niya na kayang kaya naman niya dahil nong nabubuhay pa ang kanyang lola lagi syang sinasama nito upang sanayin siya sa ganitong gawain, lagi nitong sinasabi sa kanya na siya ang magmamana nito balang araw kaya kailangan nyang pagaralan, mula sa pagaayos, pagtatanim at pagaalaga sa mga ito.
Kaya sa murang edad natutong nyang mahiligan at mahalin ang mga bulaklak pati narin ang iba't ibang halaman, doon sa bahay nila sa Palawan marami syang tanim at alaga, dito lamang sa kanyang apartment hindi niya magawang magkapagtanim dahil bukod sa dikit dikit ang silid maliit rin ang ispasyo.
Muli syang bumalik sa kanyang table upang tingnan muli kung may nag email sa kanya, nang wala, agad syang nagtungo sa likod upang diligan ang mga tanim at linisan ang mga bulok na dahon at bulaklak.
Nang matapos pumasok na siya sa loob, halos mahulog ang kanyang puso sa nabungaran, agad syang napahawak sa dibdib nang mapansin nito ang kanyang reaksyon agad itong lumapit sa kanya. "Are you alright?" Tanong nito ng may pagaalala. Itinaas niya ang kamay upang iparating rito na ayos lamang siya.
Nang makabawi agad syang umayos ng tayo. "Ginulat mo ako!" Singhal niya rito, napangiti ito. "Do you find me attractive?" Tanong nito sa kanya na agad nyang kinairap. "Biglang lumakas ang hangin!" Asar niya rito na agad naman nitong ikinatawa.
"I'm here to claim you!" Deklara nito sa kanya na agad nyang ikinalingon dito. "Anong sabi mo?" Gulat na tanong niya. "Nothing, I'm just here to claim my apology flower!" Anito sa kanya at naupo sa kanyang harapan at nangalumbaba saka siya tinitigan.
Nailang si Zav sa tingin nito sa kanya kaya agad syang tumayo upang kumuha ng mga bulaklak na ibibigay dito, agad naman sumunod sa kanya ang binata.
"how long have you been in this type of business?" Tanong nito sa kanya habang sinusundan siya nito. "Simula pa nong bata pa ako hinubog na ang kakayahan ko para dito, since my lola passed away ako na ang namahala, so yeah, parang ganoon na rin!" Paliwanag na niya rito na ikinatango nito.
"Ikaw, ano pinagkaka-abalahan mo?" Tanong niya rito. "Hmm, I'm an owner of Catering business!" Pagmamalaki nito. "Wow, pero hindi halata ah kasi nandito ka at walang ginagawa." Tumawa ito sa kanyang sinabi. "I'm an owner so my stafff can handle it even if I'm there or not!" Napatango ang dalaga sa sinabi nito sabagay, kung lumaki na at naging sikat na ang business nito malamang marami narin itong tauhan na kayang maghandle ng lahat, habang siya wala kahit na isa. "Did I offend you? Tanong nito sa kanyang pananahimik.
"Hindi naman!" Depensa niya saka muling nagtungo sa table at inayos ang mga bulaklak na ibibigay dito nang matapos kinuha niya ang greetings card upang sulatan.
"Para kanino ito sayo ba sa asawa mo o sa girlfriend." Tanong niya habang hinahanda ang pagsulat. "Para sa iyo iyan!" Anito na syang ikinagulat niya. "Seryoso?" Tanong niya ng may pagkamangha, tumango naman ang binata. "Kung ganoon ibebenta ko nalang sayang naman!" Aniya saka niligpit ang card. "Hey, para sa iyo iyan, bakit mo ibebenta!" Pigil nito sa kanya.
"Akin naman ito diba, so wala ka nang paki kung anong gagawin ko?" Seryoso nyang aniya, natahimik ang lalaki at napangiti ng hindi na mapigilan tumawa ito ng tumawa na ipinagtaka niya. "Bakit may nakakatawa ba sa akin?" Tanong niya, umiling ito sa kanya. "Alright, I'll buy this flower for you, how much?" Anito saka kinuha ang atm card at inabot sa kanya.
"Nako wag na!" Pigil niya rito. "I insist, kaysa naman ibenta mo, para sa iyo talaga yan!" Anito saka ngumiti sa kanya. "Wag na hindi ko nalang ibebenta!" Aniya rito saka ipinatong ang bulaklak sa kanyang table. "Hard headed!" Anito sa kanya saka hinawakan ang buhok at ginulo.
Napasimangot siya dahil sa ginawa nito. "You're so cute!" Anito saka tinitigan siya ng matagal. "Wala kabang ibang gagawin kundi tingnan ako?" Tanong niya rito habang ang mga mata ay abala sa ginagawa. "Yes, If I stare to the beautiful woman like you!" Anito na hindi parin inaalis ang tingin sa kanya. "You're so funny Mr.!" Sarkastimong aniya na ikinatahimik nito.
"Are you free tonight?" Biglang tanong nito. "Yes and No." Hindi siya sigurado kung busy ba siya o hindi. "I want to invite you for a dinner, If it's okay to you?" Anito. "Hindi ko pa alam!" Aniya rito saka tumayo ng may pumasok na customer. "Hi, how can I help you?" Bati niya sa babae.
Habang naguusap sila ng customer napabaling siya sa binata na kasalukuyang nakatingin sa kanya, maya maya pa ay, sumenyas ito sa kanya na aalis na at tawagan na lamang siya, hindi na siya nakapalag kaya tango ang kanyang isinagot.
Nang matapos sa customer na pumasok agad syang umupo sa kanyang table ng tumunog ang kanyang telephone, agad niya itong kinuha, pagtingin niya unregistered number. "Hello!" Aniya.
"Hi, Zav, it's me Austin!" Anito sa kabilang linya.
"What's the matter?" Tanong niya rito na nakakunot ang noo. "Nothing I just miss you!" Napangiti siya ngunit agad rin sinaway ang sarili. "Kakaalis mo lang Mr.!" Aniya sa pagsusungit na tinig.
"Ouch, My lady!" Anito sa kanya, napairap siya sa hangin. "Anong kailangan mo?" Deretsahan nyang tanong. "I want to know your answer, please say yes!" Makaaawa nito sa kanya. "I'll check my schedule then I will call you if I'm available!" Ngunit ang totoo wala naman talaga syang gagawin ayaw niya lang umu-o kaagad, dahil iniisip niya na baka masyado syang easy to get.
"Alright, bye my lady!" Anito sa kanya, hindi na nito hinintay ang kanyang pagsagot at agad na pinatay ang tawag, napatingin siya sa screen at napairap.
Saka inilapag ang telephono at inumpisahan na ang mga trabaho na nakatambak, sumapit ang hapon ngunit hindi pa tapos si Zav sa ginagawa gusto man nyang tapusin agad ngunit hindi niya magawa dahil sa daming pumasok ng email ng hapon.
Dahil siya lang magisa medyo nahirapan siya kaya sandali syang sumandal sa upuan at napapikit pagkatapos tumayo at pumunta sa coffee corner at nagtimpla ng kape dahil mukhang aabutin siya ng hating gabi, minasahe niya ang ulo at leeg habang hinihintay ang kanyang kape.
Nang biglang may kumatok sa glass door ng kanyang shop, napangiti siya ng makita ang binata. "Seems you have a lot of work!" Anito sa kanya. "Yeah, Hindi pa ako tapos!" Aniya rito saka kinuha ang kape. "You want coffee!" alok niya sa binata. "Yes please!" Anito sa kanya agad naman na tumalima si Zav at inagtimpla ito.
"You want me to help you?" Tanong nito sa kanya. "No need, kaya ko na yan!" Aniya saka kinuha ang kape nito at dinala sa table. "So, may I know the answer to my question?" Anito saka hinigop ang kape. "Pwede ko naman bukas nalang tapusin ang iba!" Aniya rito habang nagtitipa sa katapat na computer agad itong napabaling sa kanya. "So pumapayag kana?" Anito sa hindi makapaniwalang tinig. Tumango siya dito ng hindi tumitingin. "Yes!" Sigaw nito.
Napangiti at napailing ang dalaga dahil sa inakto nito. "Yes, after this one email para okay na!" Aniya. "Alright, I'll wait!" Anito at muling humigop ng kape at ganoon rin siya.
Lumipas ang ilang sandali na hindi siya nito kinulit o kinausap basta lamang itong nakatingin sa bawat galaw na kanyang ginagawa nang matapos agad nyang niligpit ang kalat sa lamesa. "Tara na!" Untag niya rito na kasalukuyang nakatingin sa telephono nito na nakakunot ang noo.
Mukhang hindi ata nito narinig ang kanyang sinabi kaya kinalabit niya ito nagulat pa itong sa kanyang ginawa. "Tara na!" Paguulit niya agad naman itong tumayo at sumunod sa kanya.
Ito narin ang naglock ng kanyang shop, pagkatapos nagtungo sila sa sasakyan nito at pinagbuksan siya ng pintuan. "Thank you!" Agad naman umikot ang binata sa driver seat ng sasakyan.
Dahil lumalalim na ang gabi napagpasiyahan nila na maghapunan nalang sa isang sikat na restaurant malayo sa kanyang shop.
Hanggang sa pagbaba ng sasakyan at sa pagpasok sa loob nakaalalay sa kanya ang binata, pinaghila siya nito ng upuan at pagkatapos kinuha nito ang menu, agad naman lumapit sa kanila ang waiter upang pagsilbihan.
Lumipas ang ilang minuto ng dumating ang kanilang pagkain kapwa sila tahimik ng binata habang nasa hapag kainan nang matapos nagorder ito ng wine para sa kanila. "So, how long you been here in manila?" Panimula nito ng usapan. "Isang taon palang, actually I have business rin in Palawan but I prefered here." Aniya saka sumimsim ng wine. "Bakit naman, mukhang mas malaki ang profit doon kaysa dito." Anito.
"Mahina ang shop ko doon kaya I decided na magtayo dito."
"It's that so, anong pinagkakaabalahan mo kapag wala kang work?" Tanong nito.
"Wala naman nagtitipid ako kasi mas kailangan ng kapatid ko ang pera dahil nagaaral." Aniya.
"Ganoon ba, If you're not busy tomorrow let's hangout, you know getting to know each other." Anito at ngumiti sa kanya. "Hindi paba ito pagkilala sa isa't isa?" Sarkastimong aniya rito.
Natawa ito sa kanyang sinabi. "I want to know you more." Anito saka muling ininom ang alak na hawak.
"So, let's start with you, do you have a girlfriend or a wife?" Ngumiti ito kasabay ng paglikot ng mga mata. "None." Maiksing sagot nito saka tumingin sa malayo. "You, do you have a boyfriend or a husband?" Balik na tanong nito sa kanya. "Same with you!" Aniya. "We can get along!" Anito na syang ikinatangi niya.
Natapos ang kanilang dinner date na puro personal na buhay ang pinagusapan, nasabi niya rin dito ang lahat ng kanyang personalidad ganoon rin ito. Napagalaman niya rin na sikat ang negosyo nito hindi lamang dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa.
Inalok siya nito na maging business partner sa negosyo nito, siya raw ang magsusupply rito ng mga bulaklak na gagamitin sa mga event na syang ikinatuwa ng kanyang puso dahil mabibigyan na niya ng maayos na supporta ang kapatid nasisigurado niya na makakapagtapos na ito ng kolehiyo.
Hinatid siya ng binata sa kanyang apartment pagkatapos agad rin itong umalis, umapa apaw sa galak ang kanyang puso dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na maging supplier sa isang sikat na Catering, sadyang hulog ng langit ang binata para sa kanya.
Nong una ayaw nyang pumayag dahil sa kadahilan ng hindi niya kaya sapagkat maliit lamang ang kanyang shop at nagiisa lamang siya, ngunit sinabi ng binata na tutulungan siya nito at susuportahan, kaya labis labis ang pasasalamat niya rito.
Hindi na siya makapag hintay na sumikat ang umaga dahil bukas magsisimula ang pagiging business partner nila, sa sobrang tuwa nagpagulong gulong siya sa kanyang kama, kinuha niya ang telephono at tinawagan ang kapatid upang ibalita rito ang nangyari sa kanya ngayong araw ngunit hindi niya ito matawagan hindi rin sumasagot sa kanyang text kaya sumuko na siya kakatext dito at napagpasiyahan niya na bukas nalang tawagan.
Kinabukasan maaga ulit syang nagising upang pumunta ng shop, walang mapaglagyan ang kanyang kaligayahan, ngayon rin pupunta ang binata upang dalhin dito ang kanilang agreement.
Dahil sa labis nyang tuwa tila lahat ng kanyang nasasalubong ay nginingitian niya may ilan pa na tumungin sa kanya ng masama at pinag usapan siya ngunit wala syang pakialam dahil masaya siya ngayong araw.
Pagdating sa shop agad nyang binuksan at pumasok senet niya ang computer saka nagtungo sa coffee corner upang magtimpla ng kape nang matapos agad syang bumalik sa kanyang table at binuksa ang email.