Sa kalagitnaan ng kanyang trabaho biglang tumunog ang kanyang phone dahil abala sa ginagawa hindi na niya napagtuunan ng pansin ang tumatawag at agad niya itong sinagot. "I already transfered your allowance, tinatawagan kita kagabi bakit hindi mo sinasagot, asan kaba?" Dere deretso nyang sabi, tahimik lamang ang kabilang linya kanya tinaggal niya iyon sa tainga upang tingnan halos manlaki ang mata niya ng si Austin pala ang tumawag. "I'm sorry!" Hingi niya ng paumanhin. "It's okay my lady!" Anito mababakas sa boses nito na tila pagod at malungkot. "Is there any problem?" Tanong niya sa binata. "Nothing, I just want to hear your voice!" Napangiti siya dahil sa sinabi nito.
"Ikaw hah lagi mo nalang ako sinasabihan ng ganyan, baka ma in love na ako nyan sayo!" Aniya saka tumawa ng mahina. "I will catch you don't worry!" Seryosong anito na ikina tahimik ni Zav. "Hey, andyan kapa ba?" Anito. "Yes, masyado ka lang mabilis!" Aniya.
"Bakit pa natin patatagalan, we are in the right age!" Anito sa kanya. "Seryoso ba iyan?" Tanong niya. "Yeah, but I want to court you first, if it's okay to you?" Napangiti siya sa sinabi nito, tila lalabas na ang kanyang puso dahil sa kilig.
Pinalipas niya muna ang ilang sandali bago niya sagutin ang tanong nito. "Oo naman." Sagot niya sa tanong nito.
"There is someone waiting for you outside!" Anito mabilis ang kanyang ginawang kilos upang silipin kung may tao ng masiguro nga agad syang tumayo upang pumasok at pagbuksan ito. "Yes po?" Tanong niya. "Deliver po para kay Ms. Zav, kayo po ba ito mam?" Tanong nito. "Opo ako nga!" Aniya. "Papirma na lamang po rito." Turo nito sa papel na tila resibo, pagkatapos inabot sa kanyang ang isang box.
Pumasok siya sa loob at tiningnan ang box pagkatapos muling ibinalik sa tainga ang phone. "Ano to?" Tukoy niya sa kahon. "Open it!" Utos nito sa kanya agad naman syang tumalima at binuksan ito.
Nagulat siya sa laman ng kahon tila hindi makapaniwala. "Para saan ito?" Tanong niya sa lalaki at kinuha ang nasa loob isa itong mamahalin na small bag. "Nothing, I just want to give you a present!" Inangat niya ang bag, kuhang kuha nito ang taste niya pagdating sa mga ganito. "Thank you!" Pasasalamat niya sa binata.
"I need to go, see you later susunduin kita dyan!" Anito tumango siya kahit alam nyang hindi siya nito nakikita, pinatay na nito ang tawag muli syang nagfocus sa trabaho upang matapos ng maaga.
Hindi na siya makapag hintay na sumapit ang oras ng kanilang muling pagkikita kaya tinapos niya ng maaga ang mga order sa kanya at inasikaso kaagad ang mga customer na nagwawalk in.
Dumating ang oras ngunit wala pa ang binata kaya nilinis niya ang table at ibang kalat sa buong shop nang makuntento sa kalinisan kinuha ang ang phone upang tingnan kung may tawag ba ang binata nang makita na wala na pagpasiyahan niya na tawagan ang kapatid simula kahapon at ngayon hindi man lang ito tumawag sa kanya dahil narin sa pagiging abala niya hindi na niya ito natawagan mula kagabi.
Ngunit katulad ng nagdaan na gabi hindi niya rin ito matawagan kaya ipinagsa walang bahala nalang niya baka abala ito sa paaralan inilagay niya ang phone sa bag saka naupo sa kanyang upuan.
Nagdaan ang ilang sandali ng tumawag ang binata sa kanya na malapit na ito, kaya agad nyang kinuha ang maliit na salamin sa dalang bag upang pasadahan ang sarili kung ayos lang ba ang kanyang mukha at walang dumi o hindi haggard, nang makuntento agad nyang ibinalik.
Lumipas ang dalawang minuto ng matanawan niya ang binata sa labas ng shop agad syang tumayo upang puntahan ito, katulad ng kagabi ganoon rin ang kanilang napagusapan hanggang sa pinapirma siya nito ng kanilang kontrata para sa pagiging mag business partner nila.
Lumipas ang isang buwan na ganoon lang ang naging gawain nila ng binata araw araw itong tumatawag sa kanya upang kumustahin at pagdating ng kinagabihan mag kakain sila sa labas o pupunta sa isang pasyalan.
Pakiramdam niya nasa isang alapaap ang kanyang katawan dahil sa pinapakita at pinaparamdam nito sa kanya sa maiksing panahon na magkasama sila tila isang taon na para sa kanya mas lalo nyang nakilala ang binata bilang isang mabait na at higit sa lahat responsable, ngayong araw magkikita silang muli at sa araw na ito sasagutin na niya ang binata.
Tama na ang mahabang paghihintay dahil alam nyang dito rin naman sila pupunta, inaayos niya ang kanyang mga gamit upang makaalis na ng shop ang usapan nila ay magkikita na lamang sila dahil abala rin ito sa trabaho, ayos lang naman sa kanya dahil isang beses pa lang na hindi siya sinundo nito.
Sumakay siya ng taxi upang mabilis na makarating sa patutunguhan pagdating doon nilibot niya ng tingin ang restaurant ngunit wala pa ito kaya naupo muna siya sa isang upuan sa labas at kinuha ang phone at tinawagan ang binata.
Ilang segundo pa ang lumipas bago nito sagutin tila malat ang tinig nito. "I'll be there in a few minutes!" Anito saka pinatay ang tawag hindi man lang siya hinintay na makapagsalita.
Napatitig siya sa kanyang phone, mukhang may problema ito na hindi sinasabi sa kanya, lumipas ang ilang sandali ng matanawan niya ang sasakyan nito agad syang tumayo upang salubungin ito ngunit mababakas sa mukha nito ang galit.
"Ayos ka lang ba?" Salubong niya sa binata. "Yeah, I'm just tired!" Anito saka siya inalalayan papasok, pagdating sa loob sinabi nito sa waiter ang detalye na pinareserve ng binata, agad naman tumalima ang staff.
Inayos niya ang buhok nito pagkatapos inayos niya rin ang kwelyo ng suot nito na suit pagkatapos nginitian. "Smile today is the most memorable day to us!" Aniya rito saka tinapik ang balikat. "What do you mean?" Tanong nito. "Mamaya malalaman mo." Itinuro sila ng staff kung nasaan ang kanilang table na agad naman nilang pinuntahan.
Pinahilan siya nito ng upuan at pagkatapos naupo ito sa pwesto. "How are you today." Tanong nito sa kanya. "Ito busy, daming inquries and order saka doon sa pagsupply sa A.A Catering." Aniya saka sumimsim ng tubig. "That's good na lumalaki na ang business mo bakit hindi ka kumuha ng staff!" Anito sa kanya.
"Gastos lang iyon kaya ko pa naman." Aniya rito, tumingin siya sa mga mata ng binata ngunit umiwas ito ng tingin sa kanya. "I'm the one to pay for your staff!" Deklara nito "Nako wag na!" Pagtanggi niya. "I insist!" Pamimilit nito sa kanya. "I will send someone tomorrow
to help you!" Anito. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya ng may pagaalala ng mapansin na tahimik ang binata.
Maya maya pa ay dumating na ang kanilang ordered kaya naputol ang kanyang pagtatanong, tahimik silang kumain sa harap ng hapagkainin.
Hanggang matapos tahimik parin si Austin, palabas na sila ng restaurant ng magsalita siya. "May problema ba?" Tanong niya dahil sa pananahimik nito hindi niya narin nasabi ang dapat sabihin.
"Company, I need to go!" Anito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi, tanging ngiti lang ang kanyang isinagot dito. Akmang tatalikod na ito ng hilahin niya ang kamay nito at halikan sa mga labi. "Wag ng malungkot ang boyfriend ko!" Aniya mababakas sa mukha nito ang pagkagulat. "What do you mean?" Anito saka tumingin sa kanyang mga mata.
"Sinasagot na kita sa isang buwan mong panliligaw!" Aniya saka ngumiti rito, tila hindi parin ito makapaniwala sa kanyang sinabi, tumingin ito sa kanya ng may pagtataka. "You mean you are my girlfriend now?" Anito saka hinawakan ang kanyang mga kamay. "Yes!" Masayang sagot niya agad syang kinabig nito payakap. "You made me happy today, I love you!" Anito.
Gumanti siya ng yakap. "I love you too!" Aniya, ilang minuto muna ang kanilang pinalipas bago ito nagpaalam sa kanya katwiran nito may lakad pa ito na kailangan puntahan at naiintindihan naman niya.
Masaya syang nagtungo sa kanyang apartment, pagkarating agad nyang tinawagan ang kapatid. "Hi, sister!" Bati niya. "You look happy base on your voice!" Anito sa kabilang linya. "Guess what?" Aniya sa kapatid.
"Sabihin muna agad!" Anito saka tumawa. "Austin and I are officially!" Aniya walang mapaglagyan ang saya sa kanyang puso.
"Wow, really congrats ate!" Anito. "Thank you!" Aniya saka dumapa sa kama. "Wish you all the best!" Anito. "Wag mo akong gagayahin ah, si ate nasa wastong gulang na, mag aral ka muna ng mabuti Zia, nagpapakahirap ang ate para sa iyo, hindi sa sinusumbatan kita, para sayo ang sinasabi ko" Pagpapaalala niya sa kapatid natahimik ang nasa kabilang linya. "Alam ko naman yun ate!" Anito. "Sige na magpapahinga na ako magiingat ka dyan." Aniya saka pinatay ang tawag.
Dalawang taon pa bago siya makauwi excited na syang makita ang kapatid, pinangako niya bago umalis ng palawan hindi siya babalik hanggat hindi natatapos ang kanyang kapatid sa pagaaral.
Ipinatong niya ang phone sa lamesa sa gilid ng kama at ipinikit ang mga mata, bukas panibagong araw para sa kanila ni Austin hindi na siya makapaghintay.
Sa araw araw na lumipas hindi niya namalayan na matulin na lumipas ang isang taon, sa pagiging magkasintahan nila ni Austin wala syang naging problema, lalo pa nilang minamahal ang isat isa kaya pakiramdam niya, siya na ang pinaka maswerteng babae sa balat ng lupa sobrang protecteive, mapagmahal at maalaga, tila wala ka ng hihilingin pa na kahit na ano dahil kusa nitong binibigay.
Kaya umaapaw sa galak ang kanyang puso dahil sunod sunod na swerte ang dumating sa kanyang buhay ngayon, ang kapatid niya na isang taon nalang matatapos na sa kolehiyo at syempre sila ni Austin na going strong pa rin, sa kahit anong pagsubok na dumaan.
Nadagdagan na rin ang kanyang tauhan dati ay isa ngayon meron na syang lima, halos hindi na niya kayang ihandle dahil sa sunod sunod na dating ng mga order at inquiries.
Kasalukuyan syang nagaayos dahil ngayon ang kanilang isang taong anibersaryo ng binata, nagsuot siya ng off shoulder dress above the knee at pinaresan niya ng silver highheels, kinulot niya rin ang kanyang brown hair, muling pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin ng makuntento sa itsura agad nyang kinuha ang phone at hinintay na tumawag ang binata ilang saglit pa tumawag na ito at sana labas na kaya dali syang lumabas ng silid.
Ang lakas ng dating nito sa suot na black tuxedo at nakaayos nitong buhok, nakatayo ito malapit sa sasakyan ng makita siya agad itong ngumiti at lumapit sa kanya upang halikan sa mga labi gumanti rin siya ng halik dito ngunit agad na inawat ng binata. "Baka kung saan pa ito mapunta at hindi tayo matuloy sa pupuntahan." Anito saka ngumiti sa kanya natawa siya sa sinabi nito. "Pwede naman!" Aniya, pinagbuksan siya nito ng pintuan pagtapos umikot ito sa kabilang side plano nilang pumunta sa isang lugar na malayo sa Metro Manila.
Napagpasiyahan nila na magtungo sa La union dahil bukod sa maganda ang dagat doon, makakapagrelax rin sila panandalian mula sa trabaho.
Bago sila tumulak patungong La union, nag date muna sila sa mamahaling restaurant, pagkatapos nagpahinga kaunti at tinuloy na nila ang byahe.
Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay wala silang ginawa kundi ang magtawanan at magkulitan,
Mas okay kung dalawa lang sila hindi na kailangan ng driver o alalay dahil mas nakakapag enjoy sila kapag sila lamang dalawa.
Pagod man sa mahabang byahe napawi namam ito ng malamig na hangin at magandang tanawin ng lugar, nagpahinga lamang sila sandali pagkatapos agad silang naligo ng dagat, lumipas ang maghapon na puro tawanan ang kanilang ginawa halos sumakit ang tiyan ng isat isa.
Kasalukuyan nilang pinagmamasdan ang ganda ng araw na papalubog. "You made me happy in this past few year!" Basag nito sa kanilang katahimikan. "Naging masaya rin ako." Buong puso nyang sagot. "Even though there's a lot of problem I faced basta't andyan ka nagiging okay ang lahat!" Tumingin siya dito saka hinalikan sa mga labi. "Thank you for coming into my life!" Aniya.
Muli silang tumingin sa kawalan. "Let's take a selfie I want to treasure this moment!" Aniya sa binata ngunit umiling ito. Katulad lang ng dati halos ayaw nitong magpakuha ng kahit na anong litrato nila.
Isa lamang ang picture nito sa kanyang phone at hindi pa nito alam, kinuhaan niya ito ng palihim sapagkat ayaw nitong magpakuha kahit anong pilit ang gawin niya. "I don't want!" Pagtanggi nito. "Sige na!" Ngunit pinipilit niya talaga hanggang sa sumuko na ito natuwa siya ng magtagumpay na makapag selfie sila agad nyang sinave at ginawang homescreen.
"Don't post it on social media!" Anito. "Syempre naman alam kong ayaw mo!" Aniya saka ngumiti dito.
Sumapit ang gabi at natulog na sila sa kama tabi silanh natutulog ngunit kailan man hindi nangahas ang lalaki na makipagtalik sa kanya kahit na handa na syang ibigay dito ang kanyang puso't kaluluwa, katwiran nito sa kanya na nirerespeto siya nito, Sa pagdating ng tamang panahon, kahit na nasaktan at nalungkot ayos lang sa kanya dahil mas iniisip nito ang kanyang kapakanan kaysa sa pansariling kagustuhan.
Isang linggo sila dito sa La union, ito ang kanilang napagusapan kaya sa unang araw nagtungo sila sa Cathedral Parish of Saint William the Hermit upang magdasal at magpasalamat.
Sa pangalawang araw nagtungo naman sila sa Immuki Island upang maligo sobrang linaw ng dagat doon sa ikatlong araw nagtungo sila sa Gapuz Grapes Farm upang manitas ng mga ubas.
Sa ikaapat nagtungo sila sa Baluarte Watch Tower upang malaman ang history ng lugar.
Sa ikalima nagpahinga sila sa ikaanim ang kanilang huling pupuntahan ay Bato de Luna Art Gallery.
Bukas ay babalik na muli sila sa realidad kung saan abala na naman sila sa kanya kanya nilang trabaho ngunit kahit na ganoon binibigyan nila ng oras ang isat isa paminsan minsan, hindi naman nagkukulang sa atensyon at pagmamahal ang binata dahil alam nyang mahal nila ang isa't isa.
Sa unang araw at huling araw nila sa La union namasyal sila at nagpakasaya talaga sinulit nila ang araw na nandito sila sapagkat alam nyang matagal muli itong mauulit.
Muli nyang nilingon ang kagandahan ng lugar ngayon araw ang alis nila patungong manila, namimiss niya kung paano nila kinalimutan ang mundo sa lugar na ito, kumuha siya ng maliit at makinis na bato mula sa buhangin, babaunin niya ito sa kanyang paguwi, dahil dito miminsan syang naging masaya kapiling ang kasintahan.
Gabi na sila nakarating ng Manila ng matiwasay kahit nakakapagod talagang nag enjoy siya dahil kasama niya ang kasintahan, hinatid siya nito sa kanyang apartment humalik muna ito sa kanyang mga labi bago ito nagtungo sa sasakyan, kumaway muna siya dito bago tuluyang pumasok.
Katahimikan ang bumungad sa kanya, agad nyang tinawagan ang kapatid upang balitaan sa nangyari sa pagpunta ng La union, ngunit hindi na naman niya matawagan ito kaya napagpasiyahan niya na matulog nalang muna dahil pagod na pagod siya sa biyahe.
Kinabukasan maaga syang nagising upang magtungo sa shop balik na namam siya sa dating gawain maagang gigising, papasok at buong maghapon ulit na tatakbo ang kanyang buhay sa mga bulaklak.
Pagkarating siya shop nilinis niya ito at nagtungo sa table kinuha niya ang phone upang tingnan ang mga litrato na kuha nila ng binata sa La union, napangiti siya dahil don ginanahan siya magtrabaho.
Sumapit ang tanghali at naging marami ang mga customer nakalimutan na nyang kumain, pagkatapos ng huling customer na papasok kakain na siya.
Bumalik siya sa table upang tingnan ang mga inquiries umupo siya doon upang magpahinga sandali ng may pumasok na isang babae, maganda, sopistikada at halatang elegante, agad niya itong nilapitan. "Hi, ma'am how can I help you?" Tanong niya ngunit hindi siya nito pinansin bagkus naglibot at nagtingin tingin ito sa buong shop niya, hinimas ang bulaklak ng makuntento sa ginagawa agad itong bumaling sa kanya.
"Did my husband give it to you?" Tukoy nito sa kanyang flower shop. "Excused me?" Balik na tanong niya.
Dahil sa kanyang sinabi tila nag-init ang ulo nito sa kanya. "You are Zav Yildez, right?" Tanong nito. "Oo ako nga po?" Aniya lumapit ito sa kanya pagkatapos walang pasabi at agad syang sinampal, dahil sa lakas tila nabingi ang kanyang kaliwang tainga.
Gulat syang napabaling sa babae dahil doon hindi siya kaagad nakapag salita. "Austin Everett?" Tukoy nito sa kasintahan. "He's my husband!" Anito sa kanya saka kinuha ang isang vase at binasag.
Tila hindi pa siya nakakabuwelo sa sampal nito may sinabi na naman ito na mas lalo nyang ikinagulat, dahil sa pagkabila tumawa siya. "Baka nagkakamali ka lang, walang asawa ang kasintahan ko!" Matapang na sagot niya.
Muli itong lumapit sa kanya at tumingin sa mga mata niya. "Why don't you ask Austin who Am I?" Pagkasabi noon agad siya nito hinawakan sa buhok at nginud-ngod sa sahig, hindi siya makagalaw sa pagkabigla, anong nangyayari? Tanong niya sa isip.
Sinabunutan siya nito na halos ikinaiyak niya dahil sa matinding sakit, kung ano ano ang tumama sa kanya suntok, sipa, sabunot at sampal.
Sa gilid ng kanyang mga mata nakita niya ang kanyang mga tauhan na nakamasid lang sa kanya mababakas ang pang huhusga, awa sa mga mata, hindi siya lumaban dahil hindi niya maintindihan kung anong nangyayari, bigla na lamang itong dumating at ganito ang ginawa sa kanya.
Tumulo ang luha sa kanyang mga mata, sa isapan na niloko siya ng kasintahan, kung totoo man hindi niya alam kung paano tatanggapin.
Hindi ito makuntento sa ginawa, kinaladkad siya nito sa harapan ng kanyang mga staff saka pabalya na binitawan. "I want you all to know that this girl is a mistress of my husband!" Sigaw nito, binitawan siya nito at nagtungo sa kanyang mga halaman.
"All of this!" Sigaw nito at patuloy sa pag hihisterya.
Binasag nito ang lahat ng vase niya na nakadisplay pati narin ang mga bulaklak na tinanim at inaayos niya. "from my husband!" Walang ibang magawa si Zav kundi umiyak ng umiyak habang nagwawala ang babae ng hindi makapag pigil nagsalita siya. "Pinaghirapan ko ang lahat ng yan!" sigaw niya sa babae.
Lumapit ito sa kanya. "Remembered my named, I'm Ashley Everett the wife of the person you are flirting with!" Sigaw nito sa kanyang mukha. "Wala akong alam!" Ganting sigaw niya dito ngunit hindi nito pinakinggan ang kanyang sinabi at agad syang sinampal.
Hilam ang luha, magulo ang buhok at masakit ang katawan, lalo na ang kanyang puso, yan ang kanyang nararamdaman ngayon dulot ng babae sa kanya, tila parang bomba na sumabog sa kanya ang katotohanan na ang kanyang kasintahan ay kasal sa iba.
Halos hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari, sabay silang napalingon ng may pumasok. Si Austin.
Agad nitong nilapitan ang asawa at saka inawat sa mga ginawa nito ngunit nagpumiglas ang babae. "Wag kang mag iskandalo dito!" Sigaw nito sa kanya hindi na napigilan ng babae na umiyak. "Why?" Sigaw nito sa kanya. "You betrayed me!" Patuloy nito. "I did nothing wrong but to love you with all my heart!" Sumbat nito sa asawa.
Tahimik lamang ang lalaki na nakikinig sa hinaing ng asawa hindi ito lumaban ng pinagbabayo ng babae ang dibdib nito. "Let's talk about this in our house!" Hindi nakatakas kay Zav ang sinabi nito ibig sabihin totoo ang lahat, hindi siya makapaniwala na pina ikot lang siya nito.
Hindi na ni Zav napigilan ang mga luhang gustong kumawala, sobrang sakit para sa kanya dahil yung tao na pinagkatiwalaan niya ng buong puso niloloko lang pala siya.
Tumayo siya at inayos ang sarili tumingin sa kanya ang lalaki na may awa at kalungkutan sa mga mata ngunit hindi niya ito ininda at taas noo na nagtungo sa kanyang table at kinuha ang bag.
Akmang lalabas na siya ng hilahin siya ng lalaki sa mga kamay. "Pagu____" hindi na nito natuloy ang sasabihin ng sinampal niya ito. "Hindi dapat ako ang kausapin mo!" Aniya saka pinahid ang mga luha. "Hindi ko na siya mahal!" Anito napalingon siya sa babae mababakas ang sakit sa mukha nito. Humarap siya sa lalaki at muling sinampal. "Kahit na kailan hindi pumasok sa isip ko na maging isang kabet lang!" Singhal niya sa lalaki.
hahablutin pa sana siya ng asawa nito ng pigilan ito ng lalaki. "Stop it!" anito saka bumaling sa asawa.
Bumaling siya sa babae. "Pasensya kana wala akong alam, ngayon ko lang nalaman ang lahat ng to!" Hinging paumanhin siya sa babae. "Kung para sa ikabubuti niyo lalayuan ko ang asawa mo at hindi na muling magpapakita pa, hangad ko ang kaayusan nyong dalawa." Aniya saka muling tumingin sa lalaki. "At ikaw tinatapos ko na ang lahat ng meron tayo!" Tinalikuran niya ito at nagmartsa paalis.
Nanginginig ang kanyang katawan, huminto siya sa paglalakad at pinahid ang mga luhang kumawala. "Ang sakit sakit!" Bulong niya sa sarili at hinimas ang dibdib.
Hindi niya alam kung saan at paano magsisimula, nakauwi siya ng apartment ng wala sa sarili agad nyang niligpit lahat ng kanyang gamit, pinahid niya ang mga luha.