Natapos siya sa pagliligpit ng lahat ng kanyang gamit habang walang patid sa pagtulo ang kanyang luha, babalikan na lamang niya ang iba kapag naging maayos na ang lahat, nanghihina syang napaupo sa bakanteng upuan ng pumasok sa isip niya ang binata lahat ng masasayang araw nila tila isang kasinungalingan lang ang lahat.
Sobrang sakit na taong mahal mo at pinagkatiwalaan niloloko ka lang pala dinaraan kalang sa matatamis na salita, salitang may tinik na katumbas, salitang nakakalason at nakakamatay.
Hindi niya alam kung ano ang dapat nyang maramdaman, galit, awa o pagmamahal? Galit siya dahil nagawa nitong lokohin siya, Awa para sa asawa nito at pagmamahal dahil sa kabila ng lahat mahal parin niya ito, ngunit ang kanilang pagiibigan ay isa lamang kahibangan at nasa matayog na pundasyon ito na tila kay hirap nang abutin, kung sakali mang maabot niya alam nyang marami syang masasaktan at matatapakan kaya mas mabuti ang kanyang naging desisyon para sa ikabubuti ng lahat.
Kinuha niya ang telephone ng tumunog ito at agad na pinahid ang luha ng ang nakalagay sa screen ay ang kapatid niya. "Hi!" Pinasigla niya ang tinig kahit pa gusto na nyang umiyak dito, dahil kung hindi lalabas ang kanyang sakit na nararamdaman baka hindi niya kayanin, sapagkat sobrang sakit.
"Ate!" Tawag nito sa kanya mababakas sa tinig nito ang pagiyak. "Bakit anong problema?" Tanong niya tila nawala sa isip niya ang sakit at napalitan ng pagaalala. "Umuwi ka, please!" Hindi na nito napigilan ang luha na kumawala. "Bakit anong nangyari?" Takhang tanong niya. "Dito na tayo magusap pagdating mo!" Anito at pinatay ang tawag, tila binundol ng kaba ang kanyang puso.
Hindi niya mapaliwanag ang nararamdaman, tila gusto nyang liparin ang Manila hanggang Palawan, agad syang tumayo at kinuha ang bag pagkatapos lumabas ng apartment saka na lamang niya babalikan ang ibang gamit, pumara siya ng taxi na dumaan at agad na sumakay. "Manong sa airport po!" Aniya saka sinandal ang likod, kung kapatid na ang usapan hindi siya mapalagay tila may dinadala ito na mabigat na problema. Isa lamang ang kanyang sigurado, ano man iyon alam nyang kailangan siya ng kanyang kapatid.
Ilang minuto ang lumipas ng makarating sila ng airport agad syang nagbayad at bumaba, nagmamadali syang nagtungo sa bilihan ng ticket, kinuha niya ang pinaka maaga na flight, nang matawag na ang eroplano na sasakyan agad syang tumulak papasok.
Lulan ng sasakyan pang hipapawid, nanginginig ang kanyang mga kamay sa kaba nagbabadya ang kanyang mga luha ng hindi niya maintindihan, siguro dahil sa halo halo emosyon na kanyang natanggap ngayong araw. Ang kaalaman na ang kanyang kasintahan ay may asawa, ang pagtawag ng kanyang kapatid na tila may malaking problema.
Kinuha niya ang panyo na nasa bag at dahan dahan na pinunasan ang mga mata, ano man ang madaratnan pag uwi niya kailangan nyang magpakatatag.
Halos apat na oras ang kanyang ginugol para sa pagbyahe, napabuntong hininga siya ng muling makatapak sa lugar na kinalakihan, ipinikit niya ang mga mata, pagdilat ng aking mga mata oras na para sa bagong simula ng aking buhay. Aniya sa isip nang madilat ito agad syang bumababa ng eroplano naghanap siya ng taxi na pwedeng masakyan pag punta sa kanila.
Habang naghihintay ng masasakyan kinuha niya ng phone upang tingnan kung may mensahe o tawag ba ang kanyang kapatid ngunit nag-init lamang ang kanyang ulo na ang mukha ng binata ang nabungaran.
Binura niya ang litrato nito pati narin ang kuha nila sa La union, pagkatapos kinuha ang sim at binali, hindi na siya maghihintay ng tawag ng kapatid dahil nandito na rin naman siya.
Pinara agad niya ang taxi na nagbaba ng pasahero, pagsakay sinabi kaagad dito ang lugar at kanyang bababaan.
Pagkarating wala syang sinayang na sandali at nagtungo kaagad sa loob naabutan niya ang kapatid na umiiyak at isang lalaki na nakaalalay dito. "Zia!" Tawag noya sa kapatid, agad itong nagtaas ng tingin sa kanya, mababakas ang takot, gulat halo halo ang emosyon sa mga mata nito. "Bakit anong nangyari?" Tila bulong na sambit niya. "Ate!" Anito saka tumakbo papunta sa kanya at agad syang niyakap. "Sssshh, nandito na si ate!" Pampalakas niya ng loob nito.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at pagkatapos pinunasan ang luha. "I'm sorry!" Hinging tawad nito sa kanya, takha syang napatingin dito, kung ano man iyon ramdam niya na isang mabigat na dagok ito para sa kanila. "Sino siya?" Tukoy niya sa lalaki na kasalukuyang nakatayo.
Lumingon ang kapatid dito. "Boyfriend ko!" Deretsahang sagot nito sa kanya, gulat syang napabaling sa kapatid at tumingin sa mga mata nito. "Anong kabilin bilinan ko lagi sayo habang nasa malayo ako?" Tanong niya sa kapatid ngunit natahimik lamang ito. "Zia!" Untag niya sa kapatid, yumuko ito at pinahid ang luha. "Buntis po ako!" Gulat syang napatingin sa kapatid tila hindi alam kung anong sasabihin at gagawin.
Ilang segundo syang hindi makagalaw tila hindi pumapasok sa isip niya ang sinabi nito. "Ano?" Titig niya sa mga mata nito tinitimbang kung nagsasabi ito ng totoo o hindi.
Nang matukoy na totoo nga ang sinasabi nito agad syang napatalikod, ayaw nyang ipakita rito ang luha na nagbabadya sa kanyang mga mata, humawak siya sa mesa na nasa kanyang harapan upang kumuha ng lakas pakiramdam niya matutumba siya ano mang oras.
Mas pinili niya ang manahimik dahil alam niya na walang maidudulot ang kanyang galit, isa pa buntis ang kanyang kapatid baka makasama ang kanyang sasabihin dito, ngunit taliwas ang kanyang damdamin, sobrang sakit na halos magpakamatay siya sa kakakayod para dito tapos ito ang kanyang madaratnan ngunit wala na syang magagawa pa kailangan nalang tanggapin kung ano ang nangyari.
Nagtungo siya sa silid, ayaw pa rin nyang humarap sa kapatid dahil kung ano nalang ang kanyang masabi rito na masasakit na salita. "Magpapahinga muna ako!" Aniya saka binuksan ang pinto, sa kanyang pagpasok doon na bumuhos ang masagang luha na kanina pa niya pinipigilan.
Tinakpan niya ang bibig upang hindi makagawa ng ingay ang kanyang pag-iyak, hindi niya matanggap na ganito ang nangyari sa kanyang kapatid, sobrang sakit mas masakit pa sa pakikipag hiwalay niya sa binata, buong buhay niya ginugol niya sa pag tatrabaho upang masuportahan ang pagaaral nito, mapakain ng sagana at mamuhay ng matiwasay habang siya hindi na magkanda ugaga sa paghahanap ng pera para lamang dito.
Sobrang sakit bilang isang panganay, ama, ina at kapatid na ganito ang sinapit ng nagiisang kapatid, wala syang ibang hangad kundi ang makapagtapos ito at maging maayos ang buhay upang sa pagdating ng tamang panahon kung sakali man na mawala siya sa mundong ibabaw kaya na nitong tumayo sa sariling mga paa, ngayon balik na naman sila sa dating nakagawian, hinding hindi na siya babalik ng Manila, dito na lamang ulit siya magtatrabaho, lahat ng naipundar niya doon ay kukuhain niya o ibebenta upang makapag simula muli sila ng kapatid, lalo na may isang anghel na parating para sa kanila.
Nagtungo siya sa kama at nahiga roon, masama man ang loob ngunit mas nangingibabaw ang pagmamahal sa kapatid, sa ngayon ayaw niya muna itong makita o makaharap, mas mabuti ng ganito ang kanyang gawin kaysa sumbatan ito.
Muling tumulo ang kanyang mga luha, kung sana lang, kung nandito lang ang kanilang magulang at buo ang kanilang pamilya, napaka sakit para sa kanya ngunit wala na syang magagawa pa, nangyari na ang nangyari tanggapin nalang ng bukal sa loob upang patuloy na lumaban sa hamon ng buhay, muli nyang pinahid ang luha na kumawala, tinatanong ang sarili kung saan ba siya ng kulang.
Dahil sa matinding pagod at sa kakaisip sa mga nangyayari hindi niya namalayan na nakatulugan niya ang pagiyak, gabi na ng magising siya, lumabas siya ng silid upang kumain naabutan niya ang kapatid na nagluluto ng hanapunan kasama nito ang boyfriend, umupo siya sa bakanteng upuan kaharap ng mga ito.
"Ilan taon kana at anong trabaho mo anong ipapakain mo sa pamilyang binuo mo?" Deretsahan nyang tanong. "Ate!" Saway ng kapatid niya sa kanya, itinaas niya ang kamay upang iparating dito na manahimik ito, yumuko ang lalaki. "Kasalukuyan po akong nag aaral ate!" Anito.
Natampal niya ang sariling noo sa isinagot nito sa kanya. "Anong gagawin natin nyan ngayon?" Aniya sa lalaki. "Maghahanap po muna ako ng trabaho!" Sagot nito sa kanya. "Malamang ganoon talaga ang gagawin mo!" Singhal niya sa binata, natahimik ito sa kanyang sinabi. "Nasan ang mga magulang mo?" Muli nyang tanong.
"Wala na po akong mga magulang!" Anito at tumingin sa kanyang mga mata, mababakas sa mga mata nito ang lumbay at pagiisa, tahimik siya sapagkat alam niya ang pakiramdam na walang magulang, binalingan niya ang kapatid. "Nakapag pacheck up kana ba?" Tanong niya. "Hindi pa ate!" Sagot nito habang abala sa pagluluto. "May tira paba sa pinadala ko sayo?"
"Wala na!" Deretsahang sagot nito.
"Saan napupunta ang pera na pinapadala ko?" Kumunot ang kanyang noo sapagkat sobra sobra ang kanyang binibigay ngunit wala itong naipon kahit na magkano, humarap ito sa kanya. "Patawad ate naging magastos ako!" Napabuntong hininga siya sa sinabi nito.
"Hindi na ako babalik ng Manila, dito na ako muling titira!" Aniya pagkatapos ng mahabang sandali. "Talaga ate?" Hindi makapaniwalang anito. "Yes!" Sagot niya.
Nahinto ang kanilang paguusap pati na rin ang balak na paguusisa sa kanya ng kapatid na laking pasasalamat niya dahil ayaw nyang ipaalam dito ang nangyari sa kanya sa Manila, sasabihin na lamang niya na naghiwalay sila ng binata ilang linggo na ang nakakaraan.
Bumalik na siya sa kanyang silid pagkatapos ng mag hapunan, dahil bukas simula na ng kanyang panibagong buhay.
Kinabukasan, maaga syang nagising upang magtungo sa dati nilang shop, binuksan niya iyon at nilinisan pagkatapos inaayos niya ang mga bulaklak at ibang halaman ang mga nalanta ay kanyang itinapon, inayos niya rin ang buong pwesto ng shop upang magandang tingnan at maaliwalas.
Nang makuntento sa kalinisan, naupo siya at nagpahinga, bukas na niya sisimulan ang pagtitinda, sinarado nyang muli ang shop babalik siya ng bahay upang maligo dahil sa ginawang paglilinis at pagaayos, pakiramdam niya napaka lagkit ng kanyang katawan.
Ngayon na hindi na lamang ang kapatid ang bubuhayin kailangan nyang mag double kayod para sa pamilya, nang makauwi agad syang nagtungo sa banyo upang maligo nang matapos napatulala siya sa kawalan muli na naman nyang naalala ang binata ngunit pinigilan niya ang sarili at puso na kausapin ito sapagkat bilang babae alam niya ang pakiramdam kapag sinasaktan ng taong mahal.
Nagtungo siya sa kanyang aparador, naghanap siya ng magandang damit na pwedeng suotin, nang makahanap agad nyang isinuot nagayos rin siya ng kaunti sa sarili nang makuntento agad syang lumabas, hindi niya ito nagawa ng mga panahon na bata bata pa siya, ngayon niya gustong subukan ang lahat gusto niya rin na makaiwas sa lahat ng iisipin.
Nang makarating sa pakay, agad syang pinapasok ng guwardiya bumungad sa kanya ang ingay, usok at nakakahilong ilaw, dumiretso siya sa bar counter. "Kuya yung pinaka matapang!" Aniya rito saka ngumiti, ngumiti rin ito sa kanya pabalik, nilibot niya ang buong tingin sa paligid, nagkakasiyahan ang mga to, tila walang problema na dinadala, napalingon siya sa bartender ng ilapag nito ang kanyang inumin.
Inisang lagok niya iyon halos mapunit ang kanyang mukha sa pag ngiwi dahil sa pait na gumuhit sa kanyang lalamunan. "Ang pait naman nito!" Reklamo niya sa bartender, ngunit hindi ang kinausap ang sumagot kundi ang lalaking nasa kanyang tabi. "Mukhang bago ka dito at bago sa iyo ang panlasa ng alak!" Anito, inirapan niya ito dahil sa sinabi. "Ano naman sayo!" Aniya, saka muling umorder ng alak. "Ang sungit mo naman!" Anito saka tumingin sa kanya pagkatapos ay ngumiti. "Hindi naman, sadyang allergy lang ako sa mga lalaki, so pwede!" Aniya saka itinaas ang kamay upang iparating dito na layuan siya.
Tumawa ito sa kanyang ginawa. "Iba ako sa kanila!" Anito. "Narinig ko na yan!" Saka ngumiti rito, napapailing itonh lumayo sa kanya na ipinagpasalamat niya sapagkat magkakaron ng katahimikan ang kanyang pagsasaya.
Habang lumalalim ang gabi hindi niya namamalayan na nakakarami na siya sa kanyang iniinom tila umiikot na rin ang kanyanh mundo dahil sa kalasingan, tumingin siya sa mga tao pakiramdam niya wala syang makita, maya maya pa tila hinalukay ang kanyang sikmura.
Napatakbo siya patungong banyo, ngunit hindi niya mahanap ito kaya agad syang lumabas ng bar, sa gilid doon niya isinuka lahat lahat, naramdaman niya ang humimas sa kanyang likuran ngunit mas inintindi niya ang paglabas ng nainom niya.
Inabutan siya nito ng isang panyo agad niya iyong kinuha at pinunas sa pawis at bibig, naamoy niya ang panlalaking amoy nito hindi matapang at hindi masakit sa ulo, sa madaling salita napaka bango.
Umayos siya ng tayo at inayos ang buhok pagharap niya walang tao kahit na isa, tumingin siya panyo. Napaisip kung sino ang nag bigay at nagabot, alam nyang may tao syang kasama kanina.
Dahil sa kalasingin pinag kibit balikat na lamang niya, umupo siya sa gatter ng kalsada hilong hilo siya dahil sa alak na nainom kailangan na nyang makauwi dahil baka hinahanap na siya ng kapatid, sa taxi na dumaan agad syang pumara at sumakay.
Sa kahabaan ng byahe pinanatila niya ang sarili na gising kahit na nahihilo siya at namamanhid matino naman ang kanyang utak. "Ma'am kilala niyo po ba iyong nakasunod sa atin?" Biglang tanong ng driver kaya agad syang napalingon, kung si Austin man hindi maaari dahil hindi nito alam kung saan siya nakatira sa palawan. "Hindi po baka parehas lang ng dereksyon!" Tumango ito at hindi na muli pang nagsalita.
Pagdating sa bababaan agad syang nagbayad at bumaba, naglakad pa siya papasok dahil malayo pa ang bahay nila sa kalsada, sa kanyang paglingon nakita niya muli ang sasakyang itim, siguro ay parehas lang talaga ng dereksyon ang kanilang pinuntahan.
Pagkarating sa bahay naabutan niya ang kapatid na nagbabasa. "Ano yang binabasa mo?" Tanong niya. "Exam namin bukas!" Anito ng hindi tumitingin sa kanya, hindi na siya muli pang nagtanong at agad na nagtungo sa silid.
Sa kanyanb paghiga muli nyang naisip ang nagbigay sa kanya ng panyo palaisipan sa kanya ito dahil basta na lamang nitong iniwan, natakot siya sa isiping baka may sakit ito at gusto syang hawaan ngunit sa linis at bango nito hindi maaari, tila ayaw nyang galawin dahil sa sobrang bango nito ipinikit na niya ang mga mata dahil sa tinding hilo na nadarama, bukas na lamang niya poproblemahin sa ngayon kailangan na talaga nyang matulog.
Gumising siya sa tinding sakit ng ulo hanggang ngayon ramdam niya parin ang hilo tila ayaw nyanv tumayo o kumilos sapagkat hinahalukay ang kanyang sikmura, dahil sa ginawang paglalasing hindi siya nakapag bukas ng shop maghapon syang nagkulong sa kanyang silid hindi siya kumain o kumilos man lang.
Kinagabihan na siya lumabas ng silid katulad lang ng nagdaang gabi muli ulit syang nakabihis at nakaayos, sa ilang araw na nagdaan marami syang naging kakilala at naging kaibigan at ang iba ay nagiging libangan niya sa buong magdamag ngunit hindi rin nagtatagal dahil alam niya ang intensyon ng bawat isa, ang gusto syang makuha kapag umaabot na sa punto na ganoon umiiwas na kaagad siya.
Nagpaalam siya sa kapatid na may pupuntahan lang, ayaw nyang malaman nito ang kanyang ginagawa ngunit para ito sa kanyang ikabubuti kung sa ganitong paraan makakatakas siya sa lungkot dahil sa pangungulila at galit para sa pagtataksil nito sa kanya ay malugod nyang gagawin sapagkat kung patuloy nyang dadamdamin ang nakaraan hindi siya makaka ahon sa hinaharap.
Pumasok siya sa bar at demeretso sa bar counter, nilibot niya ng tingin ang buong bar katulad ng dati wala pa rin pinagbago halos lahat ng nandito ay tila gustong maging masaya at kalimutan ang problema kahit na sandali, tinungga niya ang alak na hinihain sa kanya gumuhit ang pait non sa kanyang lalamunan, sa katagalan ng kanyang paginom nakakaramdam na siya ng kamanhiran at pagkahilo.
Tumayo siya at nagtungo sa dance floor bit bit ang kanyang alak dahil na rin sa alak na kanyang nainom kanina tila nagkaroon siya ng lakas ng loob, hinawakan niya ang kanyang buhok at ginalaw ang balakang nakipagsiksikan, halos dumukit nq ang kanyang balat sa mga taong nakikisaway rin katulad niya ngunit wala na syang paki alam sa sarili kung sino ang masayawan niya at kung sino ang humawak sa kanya, sa katagalan ng kanyang pagsayaw may naramdaman syang tao sa kanyang likuran, naramdaman nyang inamoy nito ang kanyang batok pati na rin ang kanyang buhok.
Lumingon siya ng kaunti upang makita nang sa kayang pagharap niya rito at ipinatong kaagad niya ang dalawang kamay. "Hi!" Buong na bati nito sa kanya, ngumiti siya dito ng tipid, dahil matangkad ito hindi niya ito maabot upang bulungan din, hinawakan niya ang kamay nito na nasa kanyang balakang at hinila palabas ng dance floor, pag dating sa bar counter nag order siya ng dalawang drinks.
Nang makuha agad nyang ibinigay sa binata, ininom niya kaagad ang alak habang walang patidbang tingin sa mga mata nito, mapang akit at dahan dahan nyang pinunasan ang kanyang labi, mababakas sa mukha nito ang matinding pag nanasa kaya hinawakan niya ang balikat nito at pinadausdos ang kanyang daliri sa dibdib nito pababa sa puson ngunit nagulat siya sa ginawa nito ng hawakan ang kanyang kamay, mahigpit kaya agad syang napatingin dito nang mapagtanto ang ginawa ng lalaki agad nitong binitawan ang kanyang kamay. "I'm sorry!" Anito sa kanya at nagiwas ng tingin. "Ayos lang!" Aniya saka ininom muli ang alak. "What's your name?" Tanong nito sa kanya. "Zav!" Tamad na sagot niya at tumingin sa baso na hawak. "I'm Nick!" Anito kahit hindi niya tinatanong. "I'm sorry!" Muli nito hinging f are you doing here?" Pagiiba niya ng usapan. "I came here to unwind!" Napangiti siya sa sinabi nito. "Be my guest!" Tumawa ito sa kanya, napansin niya sa mukha nito ang isang kulay ube, nag dadalawang isip syang hawakan sapagkat naiilang ito. "What happened to your face?" Hinawakan nito ang mukha.
"Ah this?" Tumango siya bilang sagot dito. "Friends fight." Anito saka kinuha ang alak at ininom. "Hindi talaga yan maiiwasan!" pag sang ayon niya. "Yeah!" Anito. "So anong pinagawayan niyo?" Usisa niya.
Tumawa ang lalaki at iniling ang ulo. "You don't even know me then, here you are want to find out what happened, Are you an investigator or what?" Napatanga siya sa harapan nito ng halos mamula ang buong mukha nito sa kakatawa sa kanya pero hindi siya naiinis bagkus natutuwa siya dahil napaka gwapo nitong pagmasdan, thick eye brows with thin and kissable lips na tila kay sarap halikan, matangos na ilong perfect jaw at higit sa lahat ang adams apple nito na bumagay sa mukha nito.
Oo
"Hey!" Untag nito sa kanya. "I'm sorry I just find you so attractive!" Aniya at ininom ang alak na hawak dahil sa sobrang hiya.
Lumipas ang buong magdamag na puro lang sila tawanan at kwentuhan, nasabi rin nito na kamamatay lang ng babaeng mahal nito kaya nag desisyon ito na bumalik ng Pilipinas mula US at kasaluyan na naglilibang para makalimot na naiintindihan naman niya ng lubos dahil dumaam rin siya sa matinding sakit ngunit ang pinagkaiba lang namatay ang girlfriend nito samantalang siya ayun at buhay habang tuwang tuwa syang niloloko.
Simula ng araw na iyon halos araw araw na silang nagkikita sa isang bar nagkakatuwaan at nakwekwentuhan na tila matagal na silang magkakilala, naging palagay agad ang loob nila sa isa't isa, sweet ito at maalalahanin kaso natatakot na ang kanyang puso na buksan at magtiwala muli dahil sa nangyari sa kanila ni Austin.
Ngayong gabi magkikitang muli sila, kasalukuyan syang nagaayos sa harap ng samalin, tiningnan niya ang sarili pagkatapos dinama ang puso, napabuntong hininga siya dahil hindi niya maintindihan ang puso sapagkat unti unti na syang nahuhumaling sa binata ngunit natatakot siya sa mga posibleng mangyari baka sa bandanh huli muling lalabas ang kanyang luha at ayaw na nyang mangyari iyon sa kanya.