Wala ng magagawa ang kanyang pagluluksa kahit anong gawin niya hindi na nito maibabalik ang buhay ng anak niya, nilapag niya ang sanggol sa madamong bahagi, pagkatapos humanap siya ng matulis na bato upang putulin ang pusod nito na nagdudugtong sa kanya at sa sanggol, patuloy sa pagpatak ang kanyang luha habang ginagawa ang pagputol. Nang matapos, pinagtuunan naman niya ng pansin ang suot niya na damit, pinunit niya iyon upang maitakip sa hubad na katawan ng anak pagkatapos muli nyang niyakap ito. "Pangako magbabayad sila anak, magbabayad sila!" Sigaw niya. Kahit masakit sa kanyang kalooban nilibing niya ang sariling anak na dapat ito ang maglilibing sa kanya, pinagkaitan nila ang munting anghel na ito ng masaya at puno na pagmamahal na buhay, nagsimula na syang manghukay ng maliit na

