Forbidden: The Prologue
SKYLAR VERMILLION ARCELLA
Let me introduce myself
Kahit noong bata pa ako, I am very close to my cousins. Lahat sila sa father side, though. Wala akong cousin sa mother side, pwera na lang ang second at third cousin kasi marami.
Thirteen kaming magpipinsan. At ako ang pang-apat sa pinakabata. Although ako lang ang babae sa aming lahat.
All my cousins share the same feature. Angat na angat sa kanila ang mga malabanyaga nilang features. Which would really convince everyone that they are part of the Arcella clan. At nakakaselos minsan. Ako kasi walang feature na nakuha sa mga Arcella pero sa lahat sila ako lang ang nagdadala ng apelyidong iyon.
Mama at Papa are transparent to me. They already told me the truth.
My mother is Celyn Trinidad-Arcella and my father is Caleon Arcella.
Sa lahat ng mga Trinidad, ang magulang lang ni Mama ang naging breadwinner sa pamilya. And si Mama ay naging asawa ni Papa (obviously). Unfortunately for them, kahit gusto nila ay hindi sila maka-anak. At ang tunay ko namang magulang ay hindi ako mabuhay kaya ipinabigay nila ako kina Mama at Papa. That's why I look so different among all of us. Walang dumadaloy na dugo ng mga Arcella ang dumadaloy sa ugat ko. Trinidad lang.
Well, I feel sad for myself. Imagine being gave away by your own parents. Though, alam ko naman para naman iyon sa kapakanan ko.
At kahit ganun hindi ko naramdaman ang maging iba sa mga Arcella dahil sa pagmamahal nila sa akin. Ever since my cousins are there to protect me. Kaya binabalik ko ang ginagawa nila para sa akin.
Pero just this year nadagdagan ng dalawa ang cousins ko.
Akala ko nga thirteen lang kami eh pero fifteen pala. Susme! Ang dami!
We went to my grandparents' mansion. Doon kami ulit nagkita ng mga pinsan ko na buong-buo kami.
We gathered in the large veranda in the back part of the house.
"Is this a reunion or what?" Rio asked.
"I don't know," sagot naman ni Krypton na naglalaro ng phone niya. Siya ang pinakamatanda sa amin.
"Eh kung reunion ito sana kanina pa tayo nagkakatuwaan at kumakain," sabi ko. "Parang may hinihintay tayo eh."
"You've got a point, couz," sabi ni Lucas na kapatid ni Rio. "We are like... waiting for something."
"Baka naghihintay tayong mamatay si Lolo," Cyan blurted out.
"Cyan," lahat kami sinambit. Why is he thinking that way?
"Malakas pa sa Lolo," sabi ni Zeus. "Saka can you stop thinking about it? Bahala ka baka magkatotoo."
Kumatok ako sa may wooden table na malapit sa akin.
"Sky's superstitious," ani Lyon habang naglalaro sa mukha niya ang pilyang ngiti.
"What's wrong with being superstitious?" I snapped.
"Nothing," sagot niya. "I was just surprised that you actually believe in superstitions."
"Where are our parents?" Biglang nagtanong si Gabriel.
"Sa mga damit nila," pilosopong sagot ni EJ.
"Kuya EJ, nagtatanong kami ng matino," sabi ni Miguel, ang kapatid ni Gabriel at Raphael. The three of them are triplets to be exact.
Actually magkakalapit lang naman ang edad namin. Although, we have the freedom kung tatawagin naming Kuya o hindi ang mga nakakatanda sa amin. Isa na ako sa hindi Kumu-"Kuya" sa kanila.
"They were inside gathering around Lolo," sabi ni Raphael, ang pinakabata sa amin. You can also say he is the youngest amongst us.
"Specifically where?" Tanong ni Zeus.
"Living room," sagot ni Raphael.
"Wait, saan ka nanggaling?" Tanong ko sa kanila.
"I am hungry so I told the maid to prepare food for us and bring it here," sabi ni Raphael.
"Kanina rin naman ako gutom," sabi ni Sean. Naka-upo siya sa may railing. Bahala na siya kung mahulog siya.
"Tahimik mo Sean," sambit ko.
"Kailan ba ako naging madaldal?" Sabi niya.
Si Sean ang tahimik sa amin pero iba ang pinapakita sa publiko. He is a great singer.
Inirapan ko siya at bumaling kay Oliver. Nginitian niya ako. Siya ang opposite ng kapatid niyang si Sean. Palangiti siya habang si Sean naka-poker face lagi. Kaya napapaisip ako na dapat siya ang sikat na artista, hindi 'yung kapatid niya.
"How's Lolo pala?" I asked him. Sila kasi ay tumitira dito para samahan si Lolo.
"He is fine," sagot ni Oliver.
"Good." I nodded.
Biglang may dumating sa veranda. Dalawang lalake at si Lolo. Ang dalawang lalake ay mga bata pa tulad namin.
Natahimik kaming lahat.
Tapos may babaeng nasa mid 40's na nasa likod ni lolo.
"Sino sila, Lo?" Tanong ni Zeus.
"Grandchildren, let me introduce to you your cousins," sabi ni Lolo.
"Cousins? How?" Sean asked.
"Here is your Tita Juvy. My long-lost daughter. It was a long story. She was the black sheep of the family and she ran away. From that day on, we no longer considered her as an Arcella. But now, she came back and ask forgiveness. I am accepting her now again as my daughter," sabi ni Lolo.
"That's why we never knew her," Krypton said, sternly.
"Yes," sabi ni Lolo. "At ngayon, madadagdagan na kayong magpipinsan. Meet Czar Maximus Cervantes and Jared Emmanuel Fernandez."
Binata na ang dalawa. But Czar is obviously older than Jared. Both of them are just like my cousins. They share the same features.
"Your son with different surname?" Oliver intrigued.
"Yes," sabi ni Tita Juvy. Alam kong nahihiya siyang humarap sa amin. At ang mga pinsan ko naman ay mga seryoso at intimidating.
"Nice to meet you po, Tita Juvy!" I smiled at her brightly. I need to reduce the tension around here.
Doon na siya ngumiti. "Me too..."
"Ako po si Skylar Vermilion Arcella," sabi ko.
"Skylar," ulit niya.
"Are you boys not going to introduce yourselves?" Tanong ni Lolo sa mga pinsan ko.
I look at Krypton. Alam na niya ang ipinahihiwatig ko. He needs to go first para sumunod ang iba. After all, siya ang pinakamatanda sa amin.
"Krypton Isaiah Toledo," aniyang seryoso. Doon na sumunod ang kapatid niya.
"Cyan James Toledo."
"Sean Keynes Castillo."
"Paolo Oliver Castillo."
"Zeus Carter Maxwell."
"Eric John Imperial."
"Apollo Lyon Maxwell."
"Rio Alexander Salvaloza."
"Lucas Elijah Salvaloza."
"Gabriel Vernan."
"Miguel Vernan."
"Raphael Vernan."
Ang dami namin, ano!
"Nice meeting all of you," sabi ni Czar.
"Nice meeting both of you too," sabi ni Krypton.
Mas dumami kami.
I saw Jared staring at me. Maybe he is wondering kung Arcella nga ba ako.
I just smiled at him.
When he saw me smiling at me, he looked away.
Sungit!
Mas masungit pa ito siguro kaysa kay Sean.