"Ano ba ang nakita mo sa akin at palagi kang lapit ng lapit?" Iritang tanong ni Jhoanne.
Napakibit-balikat ako. "Wala. Magaan lang ang loob ko sa iyo," sagot ko.
Napairap siya. "Please, huwag kang lapit nang lapit."
Naningkit ang mata ko. "Why?"
"Dahil ayoko!" Singhal niya at hindi na tumitingin sa akin.
"Skylar!" Nakita ko si Jared na papalapit sa akin.
"Jared," sambit ko.
Basta-basta na lang niya ako hinila palayo kay Jhoanne.
Nang nasa malayo na kami, doon na niya ako binitawan.
"Why are you talking to that girl?" Jared asked me sternly.
"I want to be friends with her," sabi ko naman.
"Friends? Ba't ipinagpipilitan mo ang sarili mo sa isang taong ayaw sa'yo?"
"She is pushing you away," sabi niya. "Manhid ka ba?"
"I know. But sa kanya lang magaan ang loob ko."
"That girl will bring you nothing. Loner siya!"
"So? Bakit ayaw mo bang makipagkaibigan ako sa kanya?"
"Ewan ko sa iyo! Basta, I already warned you. Baka isisi mo sa akin lahat ng kamalian mo."
"I know. Wala naman akong balak na isisi sa iyo ang kasalanan ko eh. Huwag kang paranoid!"
Gusto niya lang siguro akong maging loner din. Halata namang ayaw niya sa akin eh!
Kumakain ako nang mag-isa sa table ko. I feel so... so out of place! Wala akong ganang kumain pero pinipilit ko na lang na lunukin iyon. Kahit kaunti lang basta may makain ako sa ipinabaon sa akin. Sayang naman kung hindi ko kakainin.
Nakita ko ang mga basketball players na kakapasok lang sa cafeteria.
Nakatitig sa akin ang dalawa kong pinsan.
I glared at Jared.
I'm a loner. Are you happy now?
Gustong-gusto ko siyang sabihan. Tiningnan ko lang ulit ang kinakain ko at isinubo sa baba ko.
Bwiset! Ang lungkot na kumakain mag-isa.
Biglang kong nakita si Czar na umupo sa table na pinagkakainan ko.
"Malungkot ka yata ah," he said gently.
Brother material talaga itong si Czar.
"Paanong hindi malulungkot? Mag-isa lang akong kumakain!" Ani ko naman.
He pinched my nose. "Samahan ka na namin."
Sa table ko ay umupo si Czar, Jared at tatlo pa nilang kasamahan. Habang sa kabila naman ang anim na basketbolista rin.
Habang kumakain ay nagsalita ang isa nilang kasama. "Pinsan niyo, di'ba? Ipakilala mo naman ako."
Jared stared at him with his stern eyes.
"Kung gusto mo malaman ang pangalan ko. Diretsuhin mo ako," sabi ko sa kanya.
Ngumiti ang lalake. Katabi ko siya actually. "Eh ano ba ang pangalan mo, miss?"
"Skylar Arcella," sabi ko.
"Conrad Garcia," aniya.
Ibinaling ko ang tingin ko aa dalawa pang umuupo sa table namin. "Do you mind if you introduce yourselves too?"
"Clarke John Gomez," sagot nung mestizong lalake.
"Jonas Arevalo," sabi naman ng isa.
"Nice meeting you!" I smiled like I usually do.
"Ilang araw ka naming napapansin na kasama mo palagi iyung loner na maraming kaaway. Bakit ngayon, solo mo ang mesang 'to?" Tanong ni Conrad.
"Ayaw kasi ni Jared na makipagkaibigan ako," sagot ko at matalas na tiningnan si Jared. Hindi naman nagpatinag ang mokong.
Just wow!
"Kung hindi ako sinabihan ni Czar na pagsabihan ka, hindi ko din naman gagawin iyon," singhal niya.
I looked at Czar. Si Czar pala ang salarin eh!
Nagpaliwanag naman si Czar. "Skylar, Jhoanne has a lot of enemies here. Kung makikipagkaibigan ka sa kanya pati ikaw pag-iinitan. Aawayin rin."
"Don't worry much, couz," sabi ko. "I can handle myself."
From that day on naging close ako sa basketball players ng school. Sila na iyung kasama ko palagi.
"Ang cute-cute mo!" Gigil ma gigil na sinabi ni Riley. He pinched both of my cheeks.
Agad kong piningot siya sa tainga. Masakit kaya ang pisngi ko. Paniguradong namula ako.
"Aray!" Aniya at binitawan niya ang pisngi ko.
"'Yan ang bagay sa'yo." Piningot ko pa ang isa niyang tainga. "Masakit 'yon ha! Masakit!"
"Rile, Sky, stop flirting with each other." Nakabusangot naman si Jared.
Inirapan ko siya. "Yes, father."
Ang gwapo niya sana kaso ang grumpy niya. Paano nagkakagirlfriend 'to sa sobrang sungit niya?
Biglang may nakita akong apat na babae na naglalakad papunta sa amin.
"Hey, babe," a girl with a long hair waved at Czar.
Liningon ko si Czar. "Gf mo?" I asked. Eww! Muntik na akong masuka sa endearment.
"Yes," sagot niya.
Pumunta siya Czar at tumabi. "Kamusta ang basketball practice ninyo?"
"Okay naman, babe," sabi ni Czar. Oh my god! I cannot take this!
Napangiwi ako sa tawagan nila.
"Hindi ko alam na may babae kayong kasama, Red," sabi naman nung babae na nakahawak sa braso ni Jared. Aba tinaasan pa ako ng kilay!?
Wala akong balak agawin ang nobyo mo! Pinsan ko 'yan eh!
"She is my cousin, Ava," sabi ni Jared maintaining his poker face.
"So this is your cousin," ngumingiting sinabi ng syota ni Czar. I know that's fake! Ngayon pa lang hindi ko na siya feel. "I am Adison Perez."
"Nice meeting you, Adison. My name's Skylar Arcella," sabi ko at nginitian siya. Kailangan ko silang pakisamahan.
"Savannah Flores" sabi naman nung girlfriend ni Jared. Kaya pala naging mag-syota itong si Red at Ava. Parehong masungit!
"Maranatha Oro," sabi naman nung isang mukhang seryoso.
"Beatrice Galluna," sabi naman nung isang mukhang mahiyain. Siya lang siguro ang mukhang mabait.
"Sky can tag along with you, right?" Jared asked.
Ay wow! Grabe siya oh! Ayaw na niya siguro akong makita dito. Kaya pinapakaibigan niya ako sa mga hindi ko feel na tao!
"Sure," sabi ni Ava. Hilaw siyang ngumiti.
"Di'ba ikaw ang kasama ni Jhoanne dela Torre?"
"Ako ang sumasama sa kanya, actually. But my cousins disagree with me befriending her so I ain't with her anymore," pahayag ko.
"You shouldn't be with her," sabi ni Maranatha.
"Why?"
"We are rivals. At halos lahat dito kaaway niya."
Kumunot ang noo ko. "So what about it?"
"Tagging along with her. Means that we are enemies."
"I don't care," I muttered.
I get it, now. No one wants to go with Jhoanne dahil ayaw nilang banggain itong apat na babae. Ano ba sila? Presidente ng Pinas?
"Why do you hate her?" I asked.
"She's a b***h. Her mother is a w***e and a gold digger," sagot ni Adison.
Napataas ang kilay ko. Kilala niya ba talaga ang isang iyon? Balak din ba niyang lasunin ang utak ko?
"She's Adi's cousin, actually," sabi naman nung si Beatrice.
Adi glared at her. "I don't consider her as one."
I'm curious about what happened between them but then I got no right to get into their issue after all.
"So, Sky," she told me. "Don't try to befriend her again."
I just smirk. As if I would follow her order!