Chapter 6

1157 Words
"Bakit mo sinampal si Adi?" Galit na hinarap ako ni Czar. "Long story," matipid kong sagot. "Siya ang nauna." "She said that drug addict kami," sabi ni Adi patuloy siya sa paghikbi. Bwiset! Paawa effect? "Totoo ba iyon, Sky?" Tanong ni Czar. Nagtiim-bagang ako. "Mukha ngang totoong drug addict iyang girlfriend mo. Praning na eh!" "I know you hate Adi. Pero sana hindi mo na siya sinampal!" Malakas na ang boses ni Czar. "Iyan ba ang natutunan mo kay Jhoanne?" Napa-irap ako. "Jhoanne is not bitchy like what you think, Czar. Huwag mo nga siyang madamay-damay." "Nagkamali akong hayaan kang makipagkaibigan sa kung sino lang eh," sabi ni Czar. "And I should've listened to Krypton and EJ's advise na huwag kang hayaan makipagkaibigan sa kung sino-sino lang. You're too young and you get easily influenced." Ganyan na ba ang tingin niya sa'kin?! "Ikaw ang madaling ma-impluwensyahan Czar," sagot ko. "Hindi ako hinahayaan ng mga pinsan kong makipagkaibigan sa kung sino-sino lang dahil sa personal na issue. Hindi dahil madali akong maimpluwensyahan. Jhoanne is not anybody, you see! She is my friend!" "Befriending Jhoanne is not a smart act," sabi niya. "Having that slut as your girlfriend is not a smart act either," I spat back. "Bawiin mo iyang sinabi mo!" Sasabunutan na sana ako ni Adi at hindi agad iyun napigilan ni Czar. Handa na ako sa mangyayaring sabunutan pero may biglang humila sa akin. Now, he is in front of me and I didn't expect him to be the person who'll do this for me. "Stop it, Adi," aniya. Umikot siya para harapin ako. "What's happening?" Narinig ko ang baritonong boses ni Jared. "Kausapin mo 'yang kapatid mo!" Sagot ko. I feel so upset. Irritated. Magkahalo-halo na. Pakiramdam ko sasabog na ako. Nanlalabo na ang paningin ko. Nagbabadya ang luha kong tumulo. I need to get out of here! Agad akong naglakad palayo sa kanila. Si Czar pa lang ang pinsan kong gumanun sa akin. The only cousin who chose his slutty girl over his cousin. Mas matimbang ang kadugo dapat. Couz before sluts dapat! Doon pa talaga siya sa babaeng iyon naniwala! I lock myself inside a cubicle sa may toilet ng school. I hated this feeling! Iyung walang naniniwala sa'yo... Iyung tama ka naman pero ikaw pa iyung mali. Tumulo ng tumulo ang luha ko. Kahit noon, hindi ko talaga kayang magpigil ng luha. Napakagat ako ng labi ko at pinipigilan ang aking paghikbi. I don't want anyone to see me crying and pity me. At walang tagong lugar dito kaya sa C.R. na lang ako magtatago. What a cliche thing, right?! Dito pa talaga sa banyo ha? Nabigla lang ako nang may kumatok ng malakas sa pinto ng cubicle ko. "Open it, Sky!" Narinig ko ang boses ni Jared. I put myself together. "Nagbabanyo pa iyung tao. Saka pambabaeng restroom, ito! Bakit pumasok ka?!" Sabi ko sa kanya. "C.R.? Sa boses mo pa lang halatang-halata na kaiiyak mo lang," sagot niya at marahang tumawa. Napangiti ako nang narinig ang halakhak niya. Agad kong inayos ang sarili ko. "Uy! Hindi no!" sabi ko at lumabas na sa cubicle. I look okay naman except lang sa ngayo'y namumula kong ilong at namamagang mata. "Ano ba ang nangyari?" He asked sternly. Bipolar ba 'to? Kanina natawa ngayon naging seryoso. Ang bilis naman yatang magbago ang mood nito. "Hindi ka rin naman maniniwala." Napatikhim ako. "Siguro nga. But, I still need to know what happened," sabi niya. "You should've asked your brother," sabi ko at tinalikuran siya. "Hindi ako nagsasayang ng laway sa mga taong hindi naniniwala sa sinasabi ko." "Why are you concerned? Ikaw nga 'yung walang pake sa akin, hindi ba?" Sumbat ko sa kanya. He is damn weird! "I know Adi. I know that she started the drama. So, let me hear your side," sabi niya. Sinabi ko sa kanya ang nangyari. "Alam mo na. Okay na?" "I told you not to befriend, Jho," sabi niya. "Tingnan mo kung ano ang nangyari. Umiyak ka pa talaga." "Mas mabuting kaibiganin ko si Jho kaysa sa makipagkaibigan nga ako sa galamay pa nina Adi. Saka, nanibago lang ako kay Czar. Siya ang ini-expect kong kakampi sa akin eh! It turns out na mas kampi siya sa inggratang nobya niya." "That is Czar," sabi ni Jared. "Mas maniniwala siya kay Adi." Tumutulo ulit ang luha ko. "Umiiyak ka na naman." Ngumuso sa akin si Jared. "Masakit kayang hindi ka paniwalaan eh totoo naman iyang sinasabi mo. Tapos ikaw pa ang lalabas na masama," sabi ko at pinunasan ang luha ko. Mabuti nga at nandito kami sa likod ng university at walang taong narito. "Ang sabihin mo ang childish mo na, iyakin ka pa," sabi niya. "Sabihin mo manhid ka lang talaga!" Sagot ko. "Ni ngiti wala kang naipakita." Ngumiti siya sa akin. "O, nakangiti na. Gusto mo tumawa pa ako?" I don't know but the moment he smiled at me nahawaan na lang ako ng ngiti niya. "Huwag na," marahan akong tumawa. "Nakakakilabot pala ng ngiti mo. Baka 'pag tumawa ka pa eh kumaripas na ako ng takbo sa takot." Ngumuso siya. "Ang dami mo pang sinabi." Napahagalpak ako sa tawa. "Joke lang iyon!" Ano kayang nakain nito at bigla na lang naging mabait sa akin? But, aaminin kong naibsan ng kaunti ang sama ng loob ko kasi nakita kong mabait din pala si Red. "Pwede muna tayong mag-meryenda," sabi niya. "Alam mo na. Magpalamig." "Tama ka," sabi ko. Pumunta kami sa isang ice cream parlor na katapat lang ng unibersidad na pinapasukan namin. Mabuti nga at walang masyadong tao dito eh. "Bumait ka yata," sabi ko sa kanya habang kumakain kami ng ice cream. He stared at me blankly. "I don't know what you're talking about." "Ang sungit mo kasi sa akin," sabi ko. "Lahat ng ginagawa ko parang mali para sa'yo." Napanguso siya. "And, honestly, ang weird na naging mabait ka sa akin. Hindi ba masungit ka?" Sabi ko. "You know little about me, Sky," sabi niya. He looked at me with his piercing eyes. I breathe sharply. His stare makes me feel queasy. Pero sa kabila ng mga kakaiba kong nararamdaman ay pinilit ko itong balewalain. I breathe deeply. "You're right," I started. "I know little about you." Hindi niya inaalis ang mga titig niya sa akin. Pinatuloy ko ang aking pagsasalita. "That's why I want to get to know you better." Pinanliitan niya ako ng tingin. "Eh?" Napairap ako. "We are cousin and all, I know. Kaya gusto kitang maging ka-close like how close I am with our other cousins. So... huwag ka ng magsungit!" Mapanuya siya ngumiti. "I am not that bubbly type of person, Miss." Bumungisngis ako. "I didn't ask you to be that bubbly type of person. I just want you to be nice. So, can you?" Tinaas ko ang isang kilay habang naglalaro ang ngiti sa labi ko. He shook his head in disbelief. "I can if I will."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD