Umagang-umaga, nakaka-imbyerna na. Bakit ba kasi malaki ang university na ito?
Para akong nawalang bata na naghahanap sa mga magulang dito eh!
Nakalimang ikot ako sa unibersidad na ito at pagod na ang ako sa kakalakad!
Sa huli nakita ko rin ang lintik na classroom ko!
Umupo ako sa may pinakalikod na upuan katabi ng babaeng loner.
Naramdaman niya siguro ang pagtabi ko sa kanya kaya nilingon niya ako. She stared at me for a long time. Weird!
"Is someone sitting here?" Mahinahong tanong ko.
Umiling siya at tumingin ulit sa bintana. Napangiwi na lang ako. Hindi ako pinansin?
Hinayaan ko siya sa gusto niya pero tinandaan ko na siya para kulitin mamaya. If my guts are right na loner siya, sasama ako sa kanya.
It's better than wala akong kasama sa first day ko dito.
Kaya nang mag-lunch dumiretso ako sa cafeteria at bumili lang ng soda at sandwich. Now, I need to look for a seat.
Noon kasi my reserved seat na para sa akin!
Nakita ko ang babaeng loner kanina na kumakain mag-isa sa isang sulok.
I stalked to where she was.
"Pwede maki-join ako sa iyo?" I asked with my bright smile.
Matipid niya akong nginitian. "Yeah."
"Wala kang kasama?" Tanong ko.
"Nope."
"Can I accompany you? We can be friends. We have almost the same classes that'll be attending, right?"
Pinanliitan niya ako ng mata. "How would you know?"
"I had seen your sched." Painosente ko siyang tiningnan.
Napailing lang siya. Wala akong makukuha dito sa kanya! Isang tanong, isang sagot. Nagtitipid ba ito ng laway?
"What's your name?" Sabi ko.
"Jhoanne."
"Jhoanne what? Carabao?"
She glared at me the moment I said that.
"Jhoanne Sinead dela Torre," sagot niya.
Kahit na grabe na ang busangot niya ay pinatuloy ko lang ang pagngiti. Hindi sa nagiging mabait ako. I am mocking her.
"Anyway, my name is Skylar Vermilion-"
Hindi ko pa natapos ang munting introduksyon ko ay pinutol niya ako.
"I didn't ask for your name," she said coldly.
Ang sarap supalpalin!
"But, you need to," sabi ko at ngumingiti pa rin. This smile is not as genuine as I usually have though.
She rolled her eyes.
"Skylar," narinig ko ang pamilyar na boses mula sa aking likod.
Nagulat si Jhoanne sa nakita niya.
Liningon ko kung sino iyon at nakita ko si Czar.
"What?" I asked.
Kinuha niya mula sa bulsa niya ang cellphone ko.
"Paano napunta iyan sa'yo?" Tanong ko.
"Jared had seen you this morning. Nakita niyang nahulog mula sa bulsa mo itong cellphone mo. He just gave this to me to give it to you," sabi niya.
I snatched my phone from him and check it if there was a scratch or what.
"Thank goodness hindi napano kundi lagot ako kay Mama," sabi ko. Salamat naman at hindi napano.
"I have to go," sabi niya. "I still have to attend to my basketball practice."
He turned on his heel.
"Wait!"
Liningon niya ulit ako.
"Thanks for returning my phone," sabi ko. Linagay ko na sa bag ang phone ko baka mawala naman kapag sa bulsa ko ulit ilagay eh.
"Your welcome," nginitian niya ako.
This guy resembles Krypton. After all, we are cousins and the two of them are the eldest among us.
Tuluyan na siyang umalis.
I went back to eating my food.
"Kilala mo siya? She addressed you as cousin. Who are you?" Jhoanne intrigued.
Oh! Biglang naging interesado ha?
"You said you ain't interested. Now, you are asking who I am." I snickered.
Tinaas niya ang kilay niya.
"Skylar Vermilion Arcella is my name," I said.
"That's why," sabi niya. "Arcella ka pala. It's Czar and Jared's middle name."
"Wow. Pati middle name ng mga pinsan ko alam niyo," sabi ko.
"They're famous kaya ganoon," aniya. "Czar is a captain ball at ang half-brother niya ay three pointer. They are the school's MVP."
"Wow! It runs in the blood," sabi ko. Pati sila magaling sa basketball!
Ganoon din kasi sina EJ, Krypton, Lyon, Zeus and the triplets. Well the others are good too but the three of them are really into that sport. Sean is more into music than sport. Oliver is more into modeling and stuff. Rio is more into kabulastugan. Lucas can play it well though sadyang hindi niya nakahiligan. While Cyan is really dedicated to his academics. Nerd kasi eh! Actually, ganun din naman si Gabriel but he is part of the varsity team nila.
"What?"
Alam kong kakilala ko palang sa ungas na kanina walang pake sa akin pero ngayon interesado na sa akin, pero maybe I can share something to her. It's not like these cousins of mine are my deepest secret. "My cousins are good in basketball," sabi ko.
"Kahit mga babae mong pinsan?"
I smiled bitterly. "Wala akong babaeng pinsan."
"Really?"
"Yah."
"Eh ikaw? Mahilig ka rin sa basketball? It runs in the blood, right?"
"No. I don't like basketball. Wala naman sa dugo ko ang Arcella."
"What?"
"I am... let's just say... adopted," sabi ko.
I don't have to explain every detail of my life, you know! I don't even care kung ipagkalat niya. Siyempre, kung malaman ngang ampon ako baka may magbu-bully sa akin at 'pag nalaman nina Mama at Papa, maybe they would let me transfer.
"Oh," sabi niya lang.
The day runs smoothly after that hanggang sa natapos na ang klase ko.
Paano kaya kung puntahan ko si Jared? I have to thank him, too.
Siguro ay nagpra-practice sila.
I went to the open court. Wala namang tao.
Nakita ko ang babaeng naka-eyeglasses. She is my classmate, too, sa isang subject. Aurora her name is.
"Hey," I smiled at her.
She smiled back shyly. "Hi."
"Uhmm... Tapos na ba ang basketball try-outs? I heard kasi na may basketball try-outs ngayon. Tapos na ba?"
"Nope. Nasa covered court sila," sabi niya.
"Oh. Thanks," I flashed her a smile then walked away.
Habang naglalakad ay may nakita akong vending machine na may mga canned soft drink sa loob.
"Convenient, huh?" I muttered.
Naisipan kong bilhan iyung dalawa ng maiinom.
Pagpasok ko sa covered court ay hinagilap ko sila pero ang nakita ko lang ay si Jared na nagpapahinga kasama ang kasamahan niya.
I walked to him.
Their eyes are on me which made me uncomfortable.
"Jared, here," sabi ko at inabot ang softdrink sa kanya.
"Wait, Jared girlfriend mo ba iyan?" Tanong ng isang kasamahan niya. They grinned at us in a teasing manner.
I felt my cheeks burning. Ang tainga naman ni Jared ay namumula at umigting pa ang panga niya.
This makes me more and more uncomfortable.