Pagkaalis ni Tim ay nag-stay muna ako sa balkon namin nang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at pangalan ni Nil ang nakarehistro. Sinagot ko naman kaagad ito. “Yes, hello,” bati ko. “Hi, Babe. Where are you?” tanong nito. “Am, nandito ako sa bahay. Ikaw?” tanong ko rin sa kanya. “I’m here outside your house, actually,” sabi niya. Nagulat naman ako kaya napatayo ako kaagad at napasilip sa labas n gaming bahay kung may sasakyan ni Nil. “Nil,” tawag ko rito. “Yes, Baby?” “Don’t play jokes on me,” I said habang nakatingin pa rin sa labas ng aming bahay. “Babe, I’m not playing games with you,” he said. “I’m here outside your house,” ulit niya. Bumaba naman ako mula sa balkon at nagtungo naman sa may gate. Binuksan ko ito at… “Babe

