Nasa gano’n kaming position ng Mama nang pumasok si Sam muli sa kwarto. “Ay, sorry po to disturb you, Ma’am, Sir,” wika nitong ngiti nang makapasok na ito sa kwarto ng Mama. Umiling naman na sumagot ang Mama sa kanya. “No, it’s fine, Hija,” sagot nito sa kanya ng Mama. Lumapit ito sa amin. “Um, kumusta na po ang pakiramdam ninyo, Ma’am?” tanong niya kay Mama. Ngumiti naman ang Mama at hinawakan ang kamay ni Sam. “Mabuti naman ako, Hija,” wika nito. “Many thanks to you,” nakangiti na dagdag pa ng Mama sa kanya. Napangiti rin naman ako sa naging gesture nilang dalawa. Hindi kasi maikakaila na magaan na kaagad ang loob ng Mama sa kanya gayong ngayon pa lang naman sila nagkakilala, nagkakasama at nagkakausap na dalawa. Ang sarap isipin na nakakasun

