Kumatok na muna ako sa kanyang pinto. “Knock! Knock!” tunog ng kamao ko sa pinto ng opisina nito. "Come in,” narinig kong sabi niya from the inside. Luminga muna ako kay Mara at nakita ko naman siyang sumenyas ng go! Kaya naman tumango ako rito. Ipinihit ko na ang doorknob at dahan-dahan itong binuksan. Pagpasok ko sa opisina ni Tim ay nakita ko siyang busy sa ginagawa niya sa laptop niya. Isinara ko rin naman kaagad ang pinto niya pagkatapos. “Um, heto na po, Sir, ang schedule ninyo for the whole week,” I said. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nahiya na tawagin siya sa pangalan niya gayong iyon naman na ang napag-usapan naming dalawa. “Um, pakilapag mo na lang diyan, Sam,” wika nito. “Thank you, Sam,” narinig ko lang na sagot niya sa akin ng hindi

