Kagaya nga ng sinabi nila ay hindi sila sigurado kung kailan uuwi si Azi. Ngunit nanatili sila sa aking tabi lalo na ngayong busy ko sa pag-aalaga sa aming anak na si Kyler. Minsan ay tinutulungan ako ni Annalise. Kasama niya ang mga anak niya ngayon dito kaya kahit papaano ay hindi ako nalulungkot dahil may mga bata. "Annalise, may itatanong lang sana ako," tanong ko sa kaniya na ngayon ay nagpapakain ng kaniyang mga anak. Kahit na may anak na siya ay sobrang ganda pa rin niya at parang hindi pa nanganganak. Para pa rin siyang dalaga at halatang alagang-alaga ni Zeno. "Ano iyon?" tanong niya saka lumingon sa akin saglit. "Miyembro ka rin ba ng Mafia kagaya nila?" tanong ko sa kaniya. Nagtataka kasi ako lalo pa at ang asawa niya at mga kaibigan ng asawa niya ay nasa iisang organizati

