"Bakit?" tanong ko kay Marshall nang siya ay lumapit sa akin. Nandito ako ngayon sa garden ng bahay namin para sana magpalamig ng ulo. Nagkaroon kasi kami ng alitan ni Mommy at Lola dahil sa pamimilit nila sa akin na ikasal na kaagad ngayong taon. Kung tutuusin ay dapat hindi muna dahil maaga pa at hindi pa naman kami nagkakaroon nang magandang ugnayan ni Marshall. Pinili kong lumabas ng bahay para makahinga nang malalim pero bakit naman sumama ang lalaking ito? Minsan na nga lang ako lumabas ng aking kuwarto pero sisirain pa niya ang araw ko lalo. "Puwedeng tumabi?" tanong niya sa akin. Nasa gazebo kasi ako at napili kong maupo rito pero hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangang tumabi pa siya sa akin kahit na ang lawak naman ng gazebo at may mga ibang upuan pa naman sa aking h

