Hindi ko alam kung ilang oras niya akong tinuruan ngunit kahit papaano ay nag-enjoy ako. Mahaba ang pasensya niya sa tuwing tinuturuan niya ako pero madalas siyang sumusulyap sa aking hita kaya dumidilim ang kaniyang mga mata. Kasama rin pala namin ang mga bodyguard ko at pinapalibutan nila kami pero nakatalikod sila sa amin. May mga itinuro pa sa akin si Kazimir tungkol sa mga baril na nasa tabi lang namin. Kung tutuusin nga ay hindi ako sanay sa mga ganito dahil hindi ko naman hilig ang paglalaro ng mga armas. Sadyang magaling lang pumilit si Kazimir sa turuan ako kaya wala akong magawa. "Magpahinga ka na muna," wika niya. Tumango naman ako at umupo sa hindi kalayuang upuan saka siya pinanood na maglagay ng mga bala sa magazine ng isang baril. Habang ginagawa niya iyon, doon ko lamang

