Pagsakay ko sa passenger seat ay napatingin kaagad ako kay Kazimir dahil naramdaman ko ang mabigat niyang mga titig sa akin. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay at bahagyang lumiit ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nang maisara ko ang pinto ng kaniyang sasakyan saka siya nagsalita. "Bakit ba ang hilig mong magsuot ng mini-dress?" napipikong tanong niya sa akin. Hindi naman ako makapaniwala sa kaniyang sinabi dahil halatang naiinis na naman ito sa hindi ko malamang dahilan. Maayos na kami kanina bago ako mag-ayos ng aking sarili pero bakit naman galit na naman siya? "Ano bang mali sa suot ko?" naguguluhan kong tanong sa akniya. Hindi ko kasi siya maintindihan kung bakit nagagalit na naman siya nang sobra. Hindi naman kasi siya ganito nitong mga nakaraang araw kaya hindi

