Chapter 3

1200 Words
Hindi ko matandaan kung ilang araw na ako sa bahay niya. Minsan ay kinakausap ko siya at nagmamakaawang umuwi na. Ngunit ang palagi niyang sinasabi sa akin ay hindi raw muna puwede hangga't hindi siya nakakahanap ng mga bodyguard ko. Wala naman akong magawa kung hindi bumuga ng hangin at sumuko na lamang dahil sa pagod makipag-usap sa kaniya. Minsan ay nagtataka na rin ako sa mga kasambahay na mayroon siya rito dahil lahat sila ay hindi nakikipag-usap sa akin at madalas silang umalis kapag nagawa na nila ang dapat nilang gawin. Kagaya na lang ngayon, nilagyan nila ng pagkain ang aking plato kahit na sinabi ko naman sa kanila na huwag na. "Let them," wika ng lalaking katabi ko sa hapag. "Ako na po," pigil ko sa babaeng mas bata sa akin. Lumitaw ang takot sa kanilang mga mata dahil sa aking ginawa. Nataranta pa nga sila dahil kita kong nanginginig na ang kamay ng babae nang lagyan niya ang aking mangkok ng sinigang. Nang maramdaman kong nakatingin si Kazimir sa kaniyang kasambahay ay kaagad ko siyang nilingon saka tinaasan ng kilay. "Ano ang ginawa mo sa kanila? Bakit sila ganito?" tanong ko sa kaniya. Kaagad naman niyang inilihis ang kaniyang mga mata at naiiling na lang sa aking ginagawa. Nitong mga nakaraang araw, nasanay akong sungitan siya dahil sa mga pinaggagagawa niya. Ayaw ba naman akong paalisin dito sa bahay niya dahil delikado raw? Sino ang hindi maiinis kung ayaw akong pauwiin sa bahay namin, hindi ba? Ni ultimo pag-message nga sa mga magulang at kapatid ko, ayaw niya. Palaging rason niya, "They can locate you. Kaya as much as possible, huwag kang gagamit ng cellphone. Nagpadala na rin ako ng message sa mga magulang at kaibigan mo. You don't have to worry about that anymore." "Wala akong ginawa," simpleng sagot niya saka ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aalmusal. "What do you mean? Halos mahimatay na siya sa nerbyos," naguguluhang wika ko. Kaagad akong tumingin sa babaeng katabi ko at mabilis inagaw ang sandok saka ipinagsandok ang aking sarili. Nasanay akong kumuha ng sarili kong pagkain. Minsan din ay nagluluto ako sa aking condo kapag sinisipag ako dahil natuto akong magsimula sa pinaka mababa. Gusto ko kasing maranasan ang hirap at ayaw kong umasa sa yaman na mamanahin ko kung sakali. Kaya hindi naman big deal ang ganito sa akin. Saka kung kaya ko naman ipagsandok ang aking sarili, bakit hindi magawa ni Kazimir? Kazimir Zale Monreal ang kaniyang pangalan. Nakita ko kasi iyong painting niya na nakasabit sa pader ng hagdanan. Ultimo mga angkan niya rin ay nandoon. Nagtataka nga lang ako kung bakit wala iyong mga magulang niya dahil mukha naman siyang nasa 25+ years old. Meaning ay medyo bata pa. Hindi rin ako pamilyar sa kaniya ngunit base sa kaniyang bahay at mga furniture, galing siya sa kilala at mayamang pamilya. "I told you, wala akong ginawang masama," bagot na sagot niya sa akin. Inis na ipinagpatuloy ko na lang ang aking almusal. Ako lang ang kumakain ng sinigang ngayon habang itong lalaking kasama ko naman ay piniling kumain ng tinapay, bacon at itlog. Mas sanay kasi ako sa heavy meal kaya nagpa-request ako sa kanila na lutuan ako ng sinigang. Nagpresinta pa nga akong magluto sana kaso pinigilan nila ako sa pamamagitan nang pasimple nilang pagkuha ng kutsilyo sa akin kanina. Wala naman akong nagawa kung hindi hayaan na lang sila at nilunod ang sarili ko sa panonood ng kung anong movie. "Bakit ba kasi ayaw mo akong pauwiin?" naiiritang sambit ko. Hindi naman siya nagsalita at kaagad na tinapos ang kaniyang pagkain saka umalis ng hapag. Naiwan naman akong tulala dahil sa nangyari. Hindi ako makapaniwalang iniwan niya ako rito kahit hindi pa ako tapos kumain. Huminga ako nang malalim habang tiningnan ang mga ibinigay niyang libro sa akin. "Ano ang gagawin ko rito?" naiinis na saad ko sa kaniya. Nang nilingon ko siya ay bagot niya lamang akong tiningnan at nagtipa nang kung ano sa kaniyang keyboard. Pinapunta niya ako sa kaniyang office na nandito lamang sa kaniyang bahay. Noong una ay naguguluhan ako dahil first time niya akong pansinin. Ngunit nang malaman kong may mga libro rito ay naguluhan kaagad ako. "Dapat mag-e-enroll ka sa ibang university dahil sa nangyaring pagsabog sa university niyo. Kaso nga lang ay nalimutan kong bawal kang lumabas habang hindi pa ako nakakahanap ng bodyguards mo." "Puwede namang magpa-tutor na lang ako. Hindi ako makakapag focus kapag ganito—" Lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay kaya natigil ako sa pagsasalita. Hindi ko alam kung bakit ako napapatigil sa pagsasalita kapag nagtatama ang mga mata namin. "Ang sabi ko sa iyo, huwag kang titingin sa mga mata ko," paliwanag niya. Ang problema nga lang ay hindi ko mapigilan lalo pa at parang inaakit ako ng kaniyang mga mata. Bumuga siya ng hangin at mabilis na inilihis ang kaniyang mga mata. Natulala lamang ako sa nangyari at hindi ko napansin na nahigit ko na pala ang aking hininga. Kaya mabilis akong huminga nang malalim. "Hindi ka pa puwedeng mag-hire ng tutor. Delikado," bulong niya saka nagtipa muli sa kaniyang keyboard. "Mas mabuting magbasa ka na muna ng libro riyan dahil connected din naman sa course mong Business Administration." Sinunod ko na lamang ang sinabi niya. Wala rin kasi akong magagawa kung sakali dahil hawak naman niya ang freedom ko. Dapat na rin akong magpasalamat dahil kahit papaano ay tinutulungan niya pa rin akong makapag-aral. Binilihan niya pa ako ng mga bagong libro na connected sa aking course. Kung tutuusin ay mas gusto ko namang magbasa kaysa makinig. Rason ko lang talaga sa kaniya na gusto kong magpa-hire ng tutor. Kaso nga lang ay hindi siya kumagat sa suggestion ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagbabasa ngunit nakaramdam ako ng hapdi sa aking mga mata. Kaya agad ko itong itinigil. Ibinaba ko ang libro sa round table na nasa harapan ko at doon ko lamang napansin na may meryenda pala sa aking harapan. Dahil busy ako sa pagbabasa ay hindi ko napansin na may pagkain na pala sa harapan ko. Medyo nanuyo rin ang aking lalamunan dahil medyo matagal na rin akong nagbabasa. Kaya mabilis kong inabot ang orange juice at kaagad itong ininom. "Malapit ka na pa lang matapos sa dalawang libro," wika niya saka muli ibinagsak ang makapal na libro sa round table. Gulat ko siyang tiningan ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay. "Mag-aral ka. Hindi iyong puro ka movies." Mabilis siyang tumalikod at kaagad na nagpunta sa kaniyang table bago simulan ulit ang pagtitipa sa kaniyanv keyboard. Kung kailan malapit na ako sa pagbabasa ay bigla niya akong binagsakan nang makapal na libro? Ang malala pa ay tatlo ito. At sigurado akong matatagaln bago ko ito matapos basahin. Kaagad kong sinamaan ng tingin si Kazimir na busy sa pagtatrabaho. Ngunit hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Napairap na lamang ako at kaagad na kumain ng aking meryenda. Hindi naman kasi puwedeng magpalipas ako ng gutom dahil nagrereklamo na rin ang tiyan ko. "Nakakainis talaga itong lalaking ito!" saad ko sa aking isipan saka sinulyapan muli si Kazimir gamit ang aking matalim na mga mata. "Gladys," he warned me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD