Inihilamos ko ang aking mga palad habang nakikipag-usap sa mga kasambahay. Ngunit isa sa kanila ay walang nagsasalita. Hindi ko alam kung natatakot ba sila sa boss nila o kung talagang may rules sila na hindi sila makikipag-usap sa kung sino.
Halos masiraan na ako ng bakit dahil wala na akong ibang kausap dito sa mansion ng lalaking ito. Kung mag-uusap naman kami ay maikli lang ang reply niya sa akin na para bang gusto na niyang matapos kaagad ang aking mga tanong. Kaya pinapaikli niya ang kaniyang mga sagot o hindi naman kaya ay wala siyang ganang makipag-usap sa akin.
Kung tutuusin ay hindi ko naman dapat siya kakausapin lalo bigla niya akong dinala rito anng hindi man lang iniisip ang magiging desisyon ko pero dahil wala na akong magawa kung hindi maging sunud-sunuran noon dahil sa gulat at takot.
"Bakit ba hindi niyo ako kinakausap?" nalilito kong tanong sa kanila ngunit hindi sila umimik.
Pagod ko silang tiningnan ngunit doon ko lamang napansin na wala na pala sila sa aking tabi.
Napanganga ako sa gulat dahil mukha akong tsnga sa part na iyon. Kaya mabilis kong inilibot ang aking mga mata sa kisame para tingnan kung may mga CCTV ba rito. At nang makita kong mayroon ay halos mawalan ako ng kulay sa aking mukha.
Baka nakabukas ang mic ng CCTV.
Napatampal na lamang ako ng aking noo at inis na pumasok sa aking kuwarto.
Ilang araw na ang lumipas at wala akong ibang ginawa kung hindi magbasa nang magbasa ng libro. Kasi kailangan kong mag-aral para may matutunan ako at para hindi maging tamad ang aking utak. Kapag kasi hinayaan ko ang aking sarili na tumunganga na lang at maging tamad, baka mawalan pa ako ng gana sa pag-aaral.
Bumukas ang pinto ng aking kuwarto at nang nilingon ko kung sino iyon ay napansin kong seryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.
"Nakapag-hire na ako ng bodyguards mo. Puwede ka nang umuwi," wika niya at kaagad isinara ang pinto.
Naiwan akong tulala dahil parang hindi ko naproseso ang kaniyang sinabi. Kaya dali-dali akong lumabas ng aking kuwarto para sundan ang lalaking iyon. Ngunit bago pa man ako makalabas ng aking kuwarto ay bumungad na sa akin ang mga lalaki.
Kung hindi ako nagkakamali ay ito iyong mga sinasabi niyang bodyguards ko. Dahil nakatingin lamang sila sa akin ngunit hindi nagsasalita. Kagaya na lamang ng mga maid ni Kazimir. Lahat sila ay hindi nagsasalita pero minsan ay nakikitaan ko ng takot ang kanilang mga mata. Ang pinagkaiba lamang ay itong mga bodyguard ko ay hindi sila nagpapakita ng emosyon at hindi rin sila nakikipag-usap sa akin.
"Don't ever think of leaving your house without your bodyguards," Kazimir uttered.
Nang nilingon ko naman kung saan nanggaling ang boses na iyon ay kaagad kong nakita nag kaniyang likuran na papalayo na.
"Gladys!" sigaw ni Mommy at kaagad akong dinambahan ng yakap.
Hindi naman ako nakagalaw sa aking kinatatayuan lalo na nang makita ko ang mga hindi pamilyar na mukha na sumalubong sa akin sa bahay.
Kasama ko pa rin ang mga bodyguard na ibinigay ni Kazimir. Ngunit wala sa kanila ang atensyon ko. Nasa mga taong hindi pamilyar sa akin ako nakatingin ngayon.
"Hija," bati ni Daddy sa akin at hinalikan ang aking noo.
Hindi naman ako nagsalita at hindi rin ako nagpakita ng kung anong emosyon sa aking mukha. Hindi ko alam kung bakit nawalan ako ng gana lalo pa nang ganito ang sumalubong sa akin.
"Mabuti naman at umuwi ka na—"
"Magpapahinga lang po ako. Pagod po kasi ako," putol ko sa sasabihin ni Mommy. "Kasama ko pala ang mga bodyguard ko."
"Kailan ka pa nag-hire ng bodyguards? Sa pagkakaalam ko ay ayaw na ayaw mong may mga nakasunod sa iyo?" tanong ni Daddy.
Natigilan man ako ay hindi ko ipinahalata. Totoo kasing ayaw ko talaga sa mga kagaya nila dahil naiirita ako lalo pa at maraming nakatingin kung sakali mang may mga kasama akong bodyguards. Ngunit dahil iyon ang bilin ng isang miyembro ng mafia ay hindi ko na ito pinaki alaman dahil para sa kaligtasan ko rin naman.
"Simula po noong nagkaroon ng pagsabog sa university ko, Daddy. Actually hindi naman kailangan pero kailangan ko pa rin pong magdoble ingat."
Nagsimula akong maglakad patungo sa aking kuwarto para makapagpahinga na. Ramdam ko namang nakasunod ang lahat ng kanilang mga mata lalo na noong pa akyat ako ng hagdan. Ngunit hindi ko sila binigyan ng pansin.
Habang naglalakad sa corridor ay naririnig ko ang mga yabag ng aking bodyguards. Hindi sila nagsasalita pero ramdam ko ang kanilang mga presensya. Sa katunayan nga ay marami sila. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa fifty sila ngunit sampu lang ang sumama sa akin papasok ng bahay habang ang naiwan naman ay nagkalat sa loob at labas ng aming bahay.
Ganoon ka higpit si Kazimir pagdating sa akin. Naiintindihan ko naman siya dahil hindi naman talaga dapat ako mababantayan nang ganito ka higpit kung hindi ko siya nakitang pumatay at hindi ako nakipag titigan sa kaniyang mga mata.
Ngunit laking pasasalamat ko pa rin dahil isinama niya ako nang tumakas siya dahil kung hindi, patay na sana ako ngayon.
Kaagad kong kinuha ang aking bagong cellphone sa aking bulsa nang makapasok ako sa aking kuwarto. Naiwan ang aking mga bodyguard sa labas ng aking pinto. Mabuti na lamang at bumili kami kanina ng cellphone kaya puwede ko nang kausapin ang mga kaibigan ko.
"Bakit ang tagal mong tumawag?! Last time na nakipag-usap ka sa amin ay gumagala ka sa ibang bansa!" bungad sa akin ni Reina.
Natigilan naman ako sa kaniyang sinabi. Hindi naman kasi ako gumagala sa ibang bansa pero iyon yata ang sinabi ni Kazimir sa kanila lalo na noong sinabi niyang nakausap naman na raw niya lahat ang mga taong malapit sa akin.
"Ah! Oo. Pasensya na. Medyo natuwa lang kasi ako sa pamamasyal. Kauuwi ko lang din ng Pilipinas, eh," pagsakay ko sa kaniyang sinasabi.
Hindi ko dapat ipahalata na hindi ako gumala sa ibang bansa. Baka kasi maguluhan sila lalo pa ngayon na kauuwi ko lang din talaga sa bahay namin. Hindi ko kasi puwedeng sabihin na lang basta-basta na may nakausap at inuwi ako ng isang member ng mafia sa kaniyang bahay.
Delikado kasi ito lalo pa at hindi basta-basta kinakalaban ang isang mafia. Wala naman akong laban sa mga kagaya nila dahil sanay sila sa pakikipag laban. Kaya kailangan kong magdoble ingat. Delikado na nga ang buhay ko dahil sa nangyari tapos sasabihin ko pa sa iba na may mafia rito sa Pilipinas? Baliw lang ang gagawa no'n.
Sa katunayan ay sa Russia lang ang may maraming mafia kumpara sa Pilipinas. Kaya nagulat talaga ako nang malaman kong nandito pala sila at may iilan pa lang naninirahan at naghahasik ng lagim.
Hindi naman kasi talaga ako clueless sa kanila pero kaunti lamang ang nalalaman ko dahil kapag mas marami kang nalalaman, mas magiging delikado ang buhay mo.
"Nalaman mo na ba? Si Amanda, iyong sikat na modelo sa ibang bansa ay umuwi rito! Ang malala pa ay matagal na pala silang may something ni Kazimir. Simula last year pa! Hindi ko lang sure kung mag-ex sila," wika ni Reina.
Nangunot naman ang aking noo nang marinig ko ang pangalan ni Kazimir. Baka naman ka pangalan niya lamang?
"Sinong Kazimir?" tanong ko sa kaniya.
"Huh? Hindi mo siya kilala? Si Kazimir Zale Monreal! Sikat na businessman iyan sa Pilipinas!"