Chapter 5

1205 Words
"Madel!" sigaw ni Reina. Napahilot naman ako ng aking sintido dahil mukhang ikukuwento na naman niya ang tungkol kay Kazimir at Amanda. "Nalaman mo na ba iyong tungkol kay Amanda?" tanong niya sa aming kaibigan na isa. At hindi nga ako nagkakamali dahil sinabi na naman niya iyon. Actually, hindi naman dapat talaga iyon big deal sa akin dahil talagang mawalak ang connection ni Reina tungkol sa models at fashion dahil iyon naman talaga ang hilig niya kaya halos kilala niya ang mga sikat na modelo at may-ari ng brands sa buong mundo. "Oo! Nagulat nga rin ako kasi kalat na pala ang tungkol sa kanilang dalawa last year pa! Late lang ako sa balita," wika ni Madeline. Si Madeline naman ay mahilig sa business kaya lahat ng businessman at businesswoman ay kilala niya. Hindi nga nakakapagtaka na ganito ang gusto niya dahil simula noon ay in-expose naman siya ng kaniyang magulang sa business. Kaya nga gustong-gusto niya ang course namin at mataas din ang kaniyang marka kumpara sa akin. Ako kasi, hindi ako nakapag-review nang maayos dahil palaging bumabagabag sa akin ang pagpapakasal. Wala pa kasi talaga iyon sa balak ko dahil maaga pa. Kaso hindi naman iyon maiintindihan ng parents ko dahil mas gusto nilang sundin ko ang tradisyon namin. "Hindi nga kilala ni Gladys ang mga iyon, eh! Naloloka ako," saad naman ni Reina. Naiiling na lang ako sa kanilang dalawa dahil hindi man lang nila naisip na nandito lamang ako at nakikinig sa kanila. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa isang coffee shop dahil nag-aya silang dalawa na mag-meet up. Marami sana kaming pag-uusapan ngayon dahil ilang linggo rin akong nawala. Ngunit mukhang mas gugustuhin nilang makipagkuwentuhan ngayon tungkol kay Kazimir. Kung alam lang sana nilang member iyon ng mafia ay baka magulat sila nang bongga. Baka nga matakot din sila kasi ang alam ko ay wala siyang alam masyado sa mafia at gangster. Busy kasi sila minsan magbasa ng mga novels at baka akalain nilang fiction lang ang mga mafia at gangster pero kapag sa totoong buhay, mayroon. Kagaya na lang ng gangster. Karamihan ng gangster ay nasa Japan. Lahat sila ay malalakas at kung ikukumpara mo rito sa Pilipinas? Mas magaling ang mga nasa Japan. Kapag kasi sa Pilipinas, gangster lang naman iyan sa kanto. Hindi kagaya sa Japan na batak na talaga sila kasi nagsimula ang gangster noon, 300 years ago. Kaya marami ang mga gangster noon at talagang batak sa pakikipag laban. "Seryoso, Gladys?! Eh, sikat ang mga iyon." Bumaling sa akin si Madel. "Hindi. Hindi naman ako pamilyar masyado sa kanila lalo na si Amanda? Business lang ang alam ko at pamilyar ako kay Kazimir kahit papaano," naiiritang sagot ko. Totoo naman kasing pamilyar ako kay Kazimir kahit papaano. Kasama ko ba naman ng ilang linggo sa mansion niya kaya impossibleng hindi ako magiging pamilyar sa kaniya. Kung magkakaroon nga ng quiz tungkol sa kaniya ay baka ma-perfect ko pa. Lalo na sa paninigarilyo niya? Kulang ang isang kaha sa isang araw. Kaya hindi na ako magtataka kung masunog ang baga no'n. Guwapo nga pero hindi naman healthy ang baga. Ano pang silbi ng kaguwapuhan niya kung sunog naman na ang baga niya? Walang kuwenta. Pasimple akong uminom ng aking iced coffee at isinandal ang aking likod sa upuan. Kaunti lang ang tao rito ngayon kaya hindi lumalalim ang linya sa aking noo. Mas mabuti na rin na kaunti lang dahil malaki talaga ang problema ko ngayon kahit pa nakakalabas na ako. "Ang dami mong bodyguards, Gladys," wika ni Reina nang matapos na silang mag-usap ni Madel. Twenty five ang sumama sa aking bodyguard. Habang ang kalahati naman ay naiwan sa bahay. Ganito sila ka higpit sa akin at sigurado akong binilin ni Kazimir ang mga ito para sundan at bantayan ako. Alam ko namang delikado ang buhay ko ngayon dahil sa nangyari pero medyo naiilang pa rin kasi ako lalo pa at ang lakas makahatak ng atensyon ang mga ito. Kaya kahit ilang mabibigat na hininga ang pakawalan ko ay hindi pa rin sila titigil dahil si Kazimir lang naman ang susundin nila. "Wala akong magagawa. Kailangan ko rin kasing mag-ingat dahil sa biglaang pagsabog ng bomba sa university natin noon," paliwanag ko sa kanila. Halata kasing naiilang sila dahil natatapunan siguro sila nang masamang tingin kaya medyo kabado ang dalawa kong kasama. Hindi naman kasi sila magiging ganito kung hindi sila naiilang pero sigurado naman akong walang gagawing masama ang mga ito dahil hindi naman sila iyong tipong susugod kapag wala naman ako sa panganib. "Kung naiilang kayo ngayon, huwag niyo na lang silang tingnan. Ganiyan lang talaga silang magbantay pero sigurado akong masasanay rin lang kayo kapag nagtagal," pagpapakalma ko sa kanilang dalawa. "Hindi naman ako naiilang," bulong ni Madel sa amin. "Ang pogi nga ng isa." "Pogi silang lahat! Type ko nga iyong nakatingin sa akin ngayon," kinikilig na wika ni Reina. Napanganga na lamang ako sa kanilang mga pinagsasabi. Hindi kasi ako makapaniwalang iyon ang sasabihin nila. Buong akala ko ay naiilang sila tapos malalaman kong kinikilig at type pala nila ang dalawa kong bodyguard? Aaminin ko namang guwapo sila at halatang seryoso rin sa buhay pero wala kasi sa isipan ko ang lumandi dahil sa mga possibleng mangyari sa akin. Ang dahilan lang naman kasi kung bakit nila ako binabantayan ay dahil sa nangyari noon. Kung hindi lang sana kasi ako paki alamera, sana hindi ako binabantayan dahil nanganganib ang buhay ko. "Puwede bang malaman ang pangalan ng isa?" "Isama mo na iyong type ko!" Napilitan akong ipikit ang aking mga mata at kaagad na kinurot ang bridge ng aking ilong. Delikado na nga ang buhay ko tapos lumalandi pa ang dalawa kong kabigan. Pero hindi ko rin kasi sila masisisi dahil wala naman silang alam tungkol doon at hindi rin puwedeng ipagsabi nang basta-basta dahil madadamay sila. Kaya bakit ko sila sisisihin tungkol sa bagay na ako naman ang may gawa? Pagmulat ko ng aking mga mata ay napatingin ako sa isang pamilyar na pigura. Nakasuot ito ng itim na black leather jacket at itim na fitted pants. Nakatalikod siya sa akin pero hindi ko alam kung bakit kumakabog ang puso ko. "Gladys! Itanong mo na kasi kung ano ang pangalan ng lalaking iyon!" pangungulit sa akin ni Reina. Ngunit wala sa kaniya ang aking atensyon dahil sa lalaking may kalayuan sa amin. Nakaupo siya sa silya at malayang nakikipag-usap sa isang tao. Hindi ko nga lang makita ang mukha ng kausap niya dahil hinaharangan niya ito. "Puwede ba? Tigilan niyo ako. Sila ang tanungin niyo," wika ko na naging sanhi upang mapabusangot ang dalawa kong kaibigan nang nilingon ko sila. "Itatanong lang pangalan, eh!" reklamo naman ni Madel. Umirap naman ako sa kawalan at napatingin muli sa pamilyar na likod ng lalaki. "Kung tinanong niyo na sana ngayon, baka kanina niyo pa nalaman." Biglang gumalaw ang ulo ng lalaki at tumingin sa akin. Doon ko naman natagpuan ang aking sarili na nakatingin sa kaniyang mga mata. Nanlamig ang aking katawan nang unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi na para bang pinapahiwatig niya na wala akong kawala sa kaniya kahit saan man ako magpunta. Napalunok ako ng aking laway lalo na nang maramdaman kong nanuyo ang aking lalamunan. Kazimir.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD