Chapter 94 : Happy day Lori’s POV Tumuloy kami agad ng buong pamilya ni Boris sa ospital na pinagdalhan kay Louis. Inaapoy daw pala ng lagnat ang anak ko. Natakot si nanay at tatay dahil tumitirik na ang mga mata nito. Thank, God, dahil maayos na si baby. Mataas lang ang lagnat nito dahil tinutubuan na ng ngipin. “Look, Boris, anak, kamukhang-kamukha mo ang son mo,” sabi ng mama ni Boris habang titig na titig silang lahat sa natutulog na si Baby Louis. Isa-isa kong tinitignan ang reaction ng mga mukha nila. Lahat ay nakangiti at kumikinang ang mata habang nakatingin sa anak namin ni Boris. Masaya ako dahil naipakilala ko na si Louis sa kanila. “Iha, Lori, maaari na ba naming isunod ang surname niya sa surname ni Boris?” tanong ng papa ni Boris. Tumango ako at saka ngumiti. “Opo, napag

