Chapter 93 : Ang pag-amin Bori’s POV “Tumahan ka na,” sabi ko kay Lori. Hindi pa rin kasi siya tumitigil sa pagluha. Pinunasan ko ng kamay ko ang mga luha sa mukha niya. Tumigil siya, pero hindi pa rin nito maipigilang humikbi. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nang kaniyan pag-iyak, natakot ba o masaya dahil sa nalamang buhay pa ako. Nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap ulit. Mahigpit na mahigpit. Muli kong narinig na umiyak siya. Kahit ako ay natutuwa sa ginagawa niya. Ramdam kong na-miss niya ako nang sobra. Hindi ko tuloy mapigilang maluha dahil sa kaniya. Para mapaklama siya ay hinagod ko na lamang ang likod niya. “Masaya ako na alam na rin ni Lori na ikaw talaga ‘yan, anak.” Biglang dumating sina mama at papa sa harap namin. Nakangiti silang dalawa habang nakatingin sa ak

