Chapter 88 : Ang dahilan ni Ronabelle Lori’s POV Kasama ko ngayon si Callum. Papunta kami ngayon sa bahay ni Ronabelle. Ang sabi ng isa naming ka-work mate ay sa bahay lang ito namamahinga. Hindi naman grabe ang tama ng ulo niya kagabi kaya nagpapalakas na lang ito sa bahay. “Teka, dumaan muna nga tayo sa grocery. Bibilhan ko ng gatas at tinapay si Ronabelle para lumakas siya,” utos ko sa nagmamanehong si Callum. Nagkaroon ako ng instant driver tuloy. Mabuti na lang at mabait ang lalaking ito. “Alam mo, nalungkot ako bigla. Kung buhay man si Boris, mawawalan na pala agad ako ng eksena sa buhay mo,” bigla niyang sabi kaya napatingin tuloy ako sa kaniya. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa daan. Kaya pala nang ikuwento ko sa kaniya kanina ang nalaman ko kay Lazarus ay natahimik

