Chapter 89 : New potion Lori’s POV “Bumili ka lang ng mga karne, inabot ka naman ng tatlong oras!” iritadong salubong sa akin ni Malcolm nang makauwi na ako sa bahay niya. “Dumaan pa kasi ako sa grocery. Wala na akong stock ng food sa room ko. Namili na rin kasi ako,” sagot ko sa kaniya. Sinadya kong lumapit sa kaniya para mapansin niya ang pasa sa leeg ko. Hindi naman ako nabigo dahil agad niyang napansin iyon. Hinawakan niya ang mukha ko at saka sinuri ang pasa sa leeg ko. Nakakunot niya akong tinignan. “Anong nangyari sa iyo, Lori? Bakit may pasa ka?” tanong ko niya habang masama na ang tingin sa akin. “Ayoko na sanang magsumbong para walang gulo. Nagkita kasi kami ni Felix sa grocery. Siya ang may gawa nito sa akin. Sinungaling daw ako. Tinanong niya kasi ako kung nagpupunta ba r

