Chapter 90 : Magsasalita na ako. Lori’s POV Alas tres na ng madaling-araw, pero dilat na dilat pa rin ang mata ko. Hanggang ngayon ay hindi ako makatulog kakaisip kay Boris. Hanggang ngayon din ay hindi ko maalis ang tingin sa litrato nila Boris at Bampi. Walang talagang pagkakaiba ang hugis ng mukha niya. Sa kung paano ito ngumiti, tumingin at maglakad. Tanging katawan lang ang naiiba. Mataba ang kay Boris habang ang kay Bampi naman ay hunk. “Oh, bakit online ka pa rin hanggang ngayon?” chat sa akin bigla ni Callum. Gumagayak na siguro siya. May out-of-town kasi silang magkakaibigan. “Hindi ako makulog, Callum,” reply ko sa kaniya. Ramdam ko na nga ang pagka-hapdi ng mata ko. Ang init na rin ng pakiramdam ko. Ganitong-ganito ako kapag puyat. “Uminom ka ng gatas, dali. May ilang oras

