Chapter 98 : Ang pagpapakita ni Lolo Tobin Lori’s POV Nang malaman nila nanay at tatay ang nangyari sa bahay namin ay nalungkot din sila. Ganoon pa man ay kinumbinsi ko sila na huwag nang malungkot dahil nangako ang pamilya ni Boris na kapag nawala na sa mundong ito si Malcolm ay itatayo nila ulit ang bahay namin. Siyempre, nahiya rin ako nang una, pero dahil sila na rin naman ang pumipilit na tanggapin namin ang alok ay tinanggap na rin namin. Hindi rin naman puwedeng magtagal dito sa mansyon sina nanay at tatay. Nakakahiya naman na buong mag-anak kami ay dito na titira. Kaya naman pumayag na ako para kapag naging maayos na ang lahat ay may uuwian pa rin ang mga magulang ko. “Hindi ka pa ba nagugutom?” tanong ni Boris nang puntahan niya ako sa swimming pool. Nagsu-swimming kasi si Loui

