"Vivi, galaw." Napangiwi siya sa sinabi ni Byron. Hindi nga talaga siya nakagalaw. Hindi siya maka-react agad. Nablanko siya nangyayari. "Ay shuta...sinapawan yung event natin ng pink and--" "Shhsss..wag na Pilar." Pigil niya. Eskandalosa pa naman. Baka lalong gumulo. Na-stuck tuloy sila sa may sala habang sina Kristina in-occupy na ang kusina. Inaayos na doon ang mga dalang kung ano-ano. Walang pakialam kahit nandoon pa sila. Yung nilagay nila ginugulo na. Hindi naman siya shonga kung para sana ang mga dalang handa nito saka mga decorations. Pang babyshower yon. At hindi din siya shonga kung para di mahalata kung sinong ama. Iyon ba ang dahilan kaya ba laging natataranta si Ito kapag may tumatawag? Kaya laging umaalis? Kaya ba hindi parin binubura yung pangalan ng babaeng to sa pho

