"Daddy, wer na yu?" Napakagat ng labi si Vivi. Sumenyas siya sa mga kasama na itigil muna ang ginagawa para di mag-ingay. Nag-aayos dito sila ngayon sa apartment ni Ito. May pa-surprise siya ngayong birthday nito. Nakahanda na yung balloons na nakasabit sa kisame. Pati na rin yung ibang decorations. Buti nga at naka-convince niya si Rose na maki-join sa kanila. Nahiram niya yung susi nung apartment ni Ito. Dadating na rin yon maya-maya dala na yung cake kasama si Buddy na may dala namang handa. In-invite sana din niya si Miss Carrie kaso sabi nung asawa medyo maselan ang lagay nung baby kaya bedrest muna. "Ah. Sorry Vivi. Nandito pa ako sa resto pero papatapos na rin naman. Papauwi na ako, mga thirty minutes." Dinig niyang sagot ni Ito sa kabilang linya. OMG. Napatakip siya ng bibig

