-I can't come tonight, Vi. May check up si Carrie. Sasamahan ko. Can I come by tom? -It's ok Daddy. -Ok see you. I love u. Shutangina, ba't ganito magpakilig ang mamang balbon na ito, naisip niya. Para tuloy siyang nakikiliting ewan. Parang true mag jowa na sila. Inuupdate siya sa lahat ng ganap sa buhay. "So..anong nang status niyo, Viviana?" Natawa nalang siya sa tanong ni Pilar. Dumukwang pa ito malapit sa table niya para talaga makichika. Nakita yata na napapangiti siya habang nagbabasa sa phone. Pero ano nga bang status nila ni Ito? MU? FUBU? Nagkakaintidihan sila pero walang label. Umiling nalang siya dito sabay pasimpleng lapag ng cellphone. "Nu ba, Pi. We're working kaya." May bagong wedding ngayon na naman na pinagkakaabalahan. Iaayos niya ang mga na ipre-present sa brid

