Napapikit si Vivi at napahawak sa dibdib. May ganito pala. Yung sobrang sakit manhid na, wala siyang maramdaman. Mabuti nga at nakapag drive pa siya papapunta dito sa sementeryo. "Mama." Huminga siya nang malalim. Naupo siya sa marmol na sahig ng magarbong museleo. Kaya din siya nandito, baka kapag may makausap, makaramdam na siya kahit papaano. "Ngayon lang uli ako nakarating dito, Ma." Sambit niya. Napangiti siya nang marahang hinaplos ang pangalang nakaukit sa makintab na lapida. Vivian Grace C. Lim May mga Chinese characters pang nakasulat sa baba noon pero di naman niya alam basahin. Di naman siya pinalaki ng Mama niya noon sa culture nito. Ni hindi nga niya alam na Fil-Chinese ito bago mawala. "Lim." Marahan niyang sambit. Hanggang doon hindi talaga pinagamit ng mga kaanak

