Dahan-dahan binuksan ni Vivi ang pinto. Yung walang ingay para di mapansin. Nagawa naman niya dahil tuloy parin sa pagdakdak si Tita Analyn. "Anong pumasok sa mga kokote niyo? Nagsabay pa kayo mg kagagahan. Ang tatanda niyo na! Ang kakapal na ng bulbol niyong mga tanga! Di parin kayo nagiisip?!" Sigaw pa nito. Nakita niyang nakuyo na si Ela habang nakaupo sa sofa habang si Germalyn naman nakatayo sa likod nito na iismid-ismid pa. "Anong akala niyo satin? Mayaman parin? Ha? Inubos na ng ama nyo yung pera niya bago pa matigok yon! Wala nang mana, Wala! Si Viviana nalang yung nagpapalamon sa inyo!" Naramdaman niya ang pagyugyog sa kanya ni Byron. "Vivi, wag muna. Pahangin muna tayo." Kahit di na magsalita ang mga kaibigan, alam niyang nag-aalala na ang mga-ito. "Vi..tara na muna." Sabi

