Open Wide

1070 Words
"Gusto kita." Shet. Paulit-ulit na nag-replay kay Vivi yung sinabi ni Ito kanina. Gusto daw siya nito. Pinipigilan niya ang sariling tumili kanina pa. Kinikilig ang heart maski yung pepe niya. Umabot siya sa edad niyang yon na first time masabihan nang ganoon. Kung sabagay kasi, madalas nababara niya ang mga lalaki bago magparamdam nang kung ano. O minsan na-i-intimidate kahit maliit siya. O dahil na rin sa sumpa. Naalala pa niya noon. Sixteenth birthday niya nang may gustong ipakilalang mayamang guy ang madrasta sa kanya. Alam naman niyang naghihirap na sila noon. Malapit nang lumubog ang mga negosyong ipinamana ng mga lolo at lola sa Daddy niya dahil sa pag-ca-casino nito. Pero nangako naman siya sa sarili na hindi siya aasa sa mga lalaki ang pinansyal na pangangailangan nila. Mataas pa ang prinsipyo niya noon kaya sinoplak niya agad yung guy. Tapos galit na galit si Tita Analyn. Viviana! Masyado kang mapiling bata ka! Napahiya ako sa kumare ko! Hay nako! Sinusumpa ko talaga, hinding-hindi ka magkaka-boypren! Poreber!" Natawa pa siya noon dahil hindi naman siya naniniwala sa sumpa-sumapang ganern. Hindi naman niya akalaing may lahing mangku yung madrasta at nagkatotoo. Baka lang ngayon, mabali na. Pero sure ba ako kay Ito? Or ang tamang tanong eh kung sure ba ito sa kanya. Ang dami-dami niyang responsibilidad. Maraming ganap sa buhay. Baka di rin niya magampanan kung magiging jowa. Mananawa din ito sa kanya bandang huli. "Sigurado ka bang ok ka na?" Tanong sa kanya ni Ito. Lumingon ito sa kanya mula sa kusina. "Ay..Oo. Go lang." Aniya. Ang totoo hindi niya alam ang gagawin. Unang beses lang niyang magkaroon ng bisitang lalaki dito sa bahay na nag-overnight pa. Maliban kay Byron saka yung jowabels nitong si Joey. Kaso iba naman ang preference ng mga yon kaya hindi counted. "Pwede ka namang magpahinga, ihahatid ko nalang doon sa kwarto mo ito." "Hindi. Keri ko na to." Ayaw na niyang mahiga sa kama. Kaya na ng powers niya kahit medyo hilo pa. Saka pinainom na rin siya nang gamot. Mas nag-e-enjoy din siya sa panonood kung paano magluto si Ito. Ang cute lang. Usually kasi, inaasa lagi sa mga babae ang mga gawaing pangkusina. Sana nga lang at di na niya ito binigyan ng tshirt. Mas masaya yata kung naka-apron lang. "Nasan na pala yung kapatid mo?" Tanong nito. "Si Ela ba? Nasa hospital pa. Dinala kasi namin yung pamangkin ko. Doon ako galing kahapon." Sabi niya. Sumagot naman si Ela sa kanya kanina nung tumawag siya. Mabuti naman at ok na si Miggy. Lalabas na daw mamaya. Sigurado naman na si Tita Angelu yung nagbayad ng hospital fees kaya na release agad. Kailangan na naman niyang pagtrabahuan yon. "Tapos yung bunso namin, si Lyn, umuwi muna nang Bulacan. May farm kami doon. Yung stepmom ko nagma-manage" Tuloy niya. Kay Germalyn siya walang balita. Cannot be reach ang phone nito. Maski si Tita Analyn di din sumasagot. Nag-aalala na nga siya. "Akala ko talaga ikaw ang bunso." Sambit ni Ito. Ngumuso siya. "Sigurado kang crush mo ko? Ba't nanakit ka?" Natawa pa ang loko. Pakiramdam niya may halong insulto yon. Lakas paring mang-asar. "Oo na, ako lang ang nag-iisang kinulang sa height sa family namin." Aniya. Kaya nga minsan naisip niyang ampon lang siya. Pero kamukha niya ang papa niya kaya imposible. Kulay lang ang nakuha niya sa ina kasi pure Chinese yun. "I prefer petite girls, Vivi." Sabi ni Ito sabay kindat. "Madaling kang buhatin." "Ha--ah? Eh?" Napakagat naman siya ng labi at napayuko. Di na siya nakapagsalita pa. Jusko, Viviana. Ang rupokpok mo! Kindat lang namasa ka na! Saka ano yung madaling buhatin. Saan. Sa kama? Mamatay na yata siya sa kalandian ni Ito ngayon. Di siya maka-rebutt. Kakagaling lang niya sa sakit. "Babae ba lahat kayong nakatira dito?" Tanong uli ni Ito. "Hindi ba delikado kung kayo-kayo lang?" "Hi-Hindi naman." Sagot niya pagtapos mahimasmasan. May mga CCTV sila. Saka may mga alarm na. Saka pinauupahan naman niya yung katabing duplex nila kaya laging may tao sa paligid. Bukod doon may guards at tanod naman na rumuronda kaya alam niyang safe. "Umm..Ikaw. Wala ka bang work today?" Tanong naman niya kay Ito. Kanina pa siya nito ini-interview. Siya naman. Nakita niyang ngumiti ito bago umiling. "Wala sa ngayon pero may mga negosyo ako." "Oh..same here." Aniya. Pareho pala sila. Di man CEO ang level pero at may mga pinagkakakitaan. "May ok kapag hawak mo oras mo, right?" Mas madami nga siyang nagagawa ngayon kaysa noong nasa 9-5 job siya. Kahit puyat, keri lang. "Right." Sagot ni ito at humarap sa kanya. "Ready na." Inayos ni Ito ang isang mangkok. Maayos pa ang pagkakaset ng lamesa. Amazing, parang ang sosyal nang dating kahit arrozcaldo lang. May garnish pang kasama. Pang yayamaning resto talaga. Pero parang kulang. "Ah..wait coffee." Aniya. Tatayo na sana siya nang pigilan siya nito. "Wag ka muna magkape." "Bawal?" "Made-dehydrate ka lalo." Paalala nito. "Oh..ok..water nalang." Kaso hindi siya sanay na hindi nagkakape sa umaga. Pampabuhay niya ng dugo yon. Kungsabagay, nakakabuhay naman ng dugo yung kaharap niya. Sumubo siya ng isa nang marahan. Naalala niyang wala pa siyang nakakain simula pa kahapon at nararamdaman na niyang may coup-de-tat sa tyan. "Marasap siya..." Sabi niya. Alam niyang palyado pa ang panlasa pero nalalasahan niya. Napaso pa siya dahil sa pagmamadali sa pangalawang subo. Nakakahiya, ang patay-gutom lang. Ngumiti lang si Ito at umupo na sa tapat niya. "Dahan-dahan lang kasi.." Napakagat siya nang labi. Ba't iba yung dating nang pagkakasabi ng 'dahan-dahan'? Jusko, Viviana. Kalma. Mahalay. Kanina ka pa! Nilapit ni Ito ang upuan sa tabi niya at kinuha ang kutsara. Nakaramdam siya ng kaba. Kumakabog ang dibdib niya. "Ako na." Sambit nito nang akmang susubuan siya "Dad--I mean Ito...kaya ko naman. Wag--" Inilingan lang siya ni Ito at ngumiti. "Open wide." Napapikit pa siya bago ibuka ang bibig. Shet kasi, pansamantalang nalito ang utak niya kung ano ang i-o-open wide. Napalunok siya nang malakas nang maisubo na ang arrozcaldo. Naramdaman pa niya ang marahang pagpunas ng daliri nito natirang mumu sa gilid ng labi. "Good girl." Uminit ang buong mukha niya sa pagkakasabi noon ni Ito. Parang bumabalik na naman yung lagnat. Nanlambot ang buong katawan niya at di makagalaw. "D-Daddy..." Ang lapit ng mukha nito sa kanya. Ilang inches nalang. Naglilipat ang mga mata nito sa mata niya at bahagyang nakabukang bibig. Unti-unti pa itong lumalapit. Unti-unti rin siyang napapapikit. "Viviana!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD