"Viviana, kanino tong Ford sa garahe?!"
Napalayo siya kay Ito dahil sa boses na yon. Hindi niya inaasahang may dadating.
Tangina. May first kiss na sana! Tas jerjer na after! Bwisit!
"Hindi makapasok tong elf natin! May dala akong bagong katay na bab--Aba't may kasama ka pala." Entrada ni Tita Ana. Tumigil ito nang makita sila.
"Hindi ka nagsasabi. Sino ba yan, boypren mo?"
"Tita." Tumayo siya sa upuan. Nakaramdam pa siya ng hilo, mabuti at naalalayan siya ni Ito.
Kasunod ng madrasta si Germalyn. Namamaga ang mga mata at mukhang kakagaling lang sa iyak.
"Akyat o lulunurin kita sa baha sa labas!" Utos ni Tita Ana. Agad namang sumunod ang Germalyn pero mabibigat ang mga paa. Halos masira na ang hagdan nila. "Tangnang bata to, hahanap pa ng kakampi. Ang sinungaling talaga."
Mukhang alam na niya ang naganap.
"Inuwi ko na yang gagang yan dito. Sumusobra na sa tigas ng ulo. Nagdalawang isip na ako nung nalaman kong galing sa mani ng chocolate yung allergy si Miguel. Eh di ka naman kumakain non. Sayo pa binintang , tanga din, eh. Tapos itong si Graciela naman, isa pang gaga. Naturingang ina, inuna pa yung paglalakwatsa."
Huminga siya nang malalim. Walang pigil talaga magsalita ang madrasta. Di siya makasingit. To think na kakadating palang nito sa bahay nila.
"At ikaw, Viviana. Hindi ba't kabilinbilinan ko sa sayo na wag na wag mong kukunsintihin yang mga kapatid mo? Ikaw ang panganay, dapat ikaw ang nagdi-disiplina. Kaya tinutubuan ng sungay yang mga yan."
Tumango nalang siya ng pilit. Matanda na siya pero nakakahiya paring mapagalitan ng ganoon. Lalo na't andoon si Ito.
Kainis.
Napahawak siya sa noo. Nahilo siya nang slight. Kumunot naman ang mukha ni Tita Ana nang makita yon. "Aba't! Ano na naman ba nangyari sa pagmumukha mo?! Ano yang asa ulo mo?!"
Dumako ang mga mata doon sa bendang nasa ulo niya. Tapos lumapit at inangat ang baba niya.
"Tita kas-"
"Ano to?! Susmaryosep naman Viviana! Ganda na nga lang ang puhunan mo dahil di ka na nabiyayaan ng tangkad masisira pa? Buhay ka pa ba? Ba't di ka nagpadala sa ospital?"
"I took care of her, po." Sabat na ni Ito.
Saglit namang napatigil si Tita Ana at napalayo sa kanya. Napatikhim pa. Naglabas pa nang pamaypay at nagpaypay sa sarili. Nalakihan siguro saka natakot sa boses ni Ito.
"Hmm...O ano na, Viviana? Hindi mo ba ako ipapakilala sa boypren mo." Tuloy ni Tita Ana. Mas malumanay ang pagkakasabi noon.
Ehem ha. Minsan di talaga niya ito maintindihan. Iniisip nalang niyang nag-me-menopause na.
"Tita, si Ito po. Da--I mean Ito, si Tita Ana. Stepmother ko."
"Good morning po." Sabi naman ni Ito. Lumapit pa ito kay Tita Ana at nagmano.
Tinaasan naman ito ng kilay ng madrasta. Naalala nga niyang ayaw nitong napaghahalataan ng edad. Naoffend ata dahil nagmano si Ito
"Magalang." Ismid ni Tita Ana. "May kaya ka no? Mamahalin ang sasakyan mo. Ano trabaho mo? San ka nakatira? Ilang taon ka na? May hacienda ka? Kaya mong buhayin tong anak-anakan ko at magiging anak niya sayo?"
"Tita..." Gusto niya sanang sawayin. Sobra na kasi ang pagkaprangka. Wala pa ngang ginagawa eh, anak agad. Ang sama kasi ng timing.
Saka nalito din siya. Hindi naman ganoon ka high end ang sasakyan ni Ito na nasakyan niya noon. Kia yon na pula katulad kay Byron. Iba yata ang dala nito kagabi.
"What's the commotion?"
"Hala..." Shet. Di niya inaasahan na may dadating pang isa.
Pumasok si Tita Angelu sa pintuan, hinawi pa si Tita Ana papalayo sa kanya.
"Oh, my favorite niece. Kakagaling ko lang sa hospital for Miggy." Sambit niti. "How are you? Nilalagnat ka pa? I brought your favorite foods."
Nagulat pa siya nang makitang may mga kasunod itong mga alalay na walang sabi-sabing naglapag na nang mga basket ng prutas at mga tray ng pagkain sa lamesa nila. May flowers pa. Mukhang yung malaking van ang dala kaya nakaya yung baha.
Ang bongga. Parang alay.
"Ti--"
Hindi na siya nakapagsalita dahil lumipat na ang atensyon nito kay Ito. "Inalagaan mo ba siya, Carlito? You know, like I told you."
Tumango naman si Ito at ngumiti. "Yes Tita."
Tita? Close na? Ba't di siya nainform?
Jusko. Si Tita Angelu talaga, pasimpleng bugaw.
"Bata mo pala ito, Angelu." Ismid na naman ni Tita Ana. Alam niyang hindi good terms ang madrasta at ang tiyahin. Palagi nalang nagbabangayan pag nagkikita.
Mukhang may rambulang magaganap. Na-se-sense na niya ang mga nagbabagang awra.
"Mukhang dito natulog. May tinatagong harot din yang inaanak mo, sinasabi ko na nga ba."
"And what does that mean, Analyn?" Humarap ang Tita Angelu niya dito. Nakataas ang perfectly groomed na kilay pero handang makipagsabunutan.
"Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado mo kasing ginawa mongha tong si Viviana nung bata pa kaya ngayon lang naglabas ng totoong kulay." Si Tita Ana naman. "Inagiw na tuloy ang matres tulad mo."
"Well at least mine is intact and well nurished. Sayo kailangan na ng formalin. Do you need someone to fix it, huh? I know someone from St. Peter."
Napahawak siya sa noo. Parang sumakit ulo niya. Pambihira naman kasi, ang aga-aga ganoon agad ang eksena. Ang peaceful na nang umaga niya kanina. Hindi pa talaga siya nakakapagpahinga.
"Vivi?" Bulong ni Ito. Nahalata yata nawiwindang na siya.
"Ok..ok lang ako."
"Ano? Anong nangyari dyan? Buntis na?" Sabat ni Tita Ana. "Naunahan mo na tong tiyahin mong sakang?"
"Oh, nagsalita ang nasa menopausal age." Irap naman ni Tita Angelu.
"Go ahead Carlito. Take her upstairs na sa room." Utos nito bago humarap uli madrasta. "Sumama kasi ang hangin dito. Amoy piggery."
"Inaalipusta mo ang negosyo namin?!"
"Oh no. I just didn't expect na inahin yung pupunta dito."
"Luh. Tara na." Aya niya kay Ito sa taas. Bahala silang magtalakan.
Itong si Tita Analyn talaga kasi, wala ring preno ang bunganga. Si Tita Angelu naman, mabait kaso pag nakanti, di papapipigil.
"Shuta...ano yon.. Jusko windang mode aketch. Shet. Tangina.." Sambit niya pagdating sa kwarto. Nagpapasalamat na rin siya nang pansamantalang tumahimik ang kapaligiran niya.
"Ok ka lang, Vivi?"
Napaharap siya kay Ito. Ang lapad ng ngiti nito at iiling-iling pa. Sino ba naman kasi ang di matatawa sa pinaggagawa ng dalawang nakakatanda sa kanya kanina.
"Sorry ha, ganoon talaga sila. Close kasi yung Mama ko saka si Tita Angelu dati. Kaya ayun, nung dumating si Tita Ana, war lagi sila. Pero hayaan mo na, mabait din naman si Tita Ana. Wag mo lang gagalitin, baka kulamin ka."
Tumawa uli si Ito. Seryoso naman yung sinabi niya. "Sorry naman, nadamay ka pa tuloy."
"Ok lang. I didn't expect it, though. Magpahinga ka muna." Inalalayan na rin siya papunta sa kama. "Iaakyat ko pagkain mo dito."
"Turn off ka na ba?" Tanong niya.
"Saan?"
"Sa family ko. Weird diba?"
Ngumiti uli si Ito. "Wala pa sa kalingkingan ng pamilya ko. Dadalhin kita doon minsan. Ipapakilala kita."
Shet..ano ba.. Meet the family na talaga. Di pa naman sila.
May nadinig siyang tumunog, phone yata. Galing sa bulsa ni Ito. Kinuha naman nito yon at sinipat. Saka pinatay nang nakakunot ang noo.
Mabilis lang pero kitang-kita niya kung sino yung tumatawag.
Kristina Mahal
Napaiwas siya ng tingin. May kung ano sa loob ng dibdib ang sumakit.
"Sandali lang, kukunin ko na yung pagkain para makakain ka na."
Tumango nalang siya at ngumiti. Hindi na siya nagpahalatang nakita yon.
Sinundan lang niya si Ito nang tingin habang papalabas na ng kwarto. Sinabi naman nito na wala silang relasyon noong Kristina. Pinatayan na nga ng tawag. Pero iba parin kasi may 'mahal' parin yung nakalagay sa contacts.
Napahawak siya sa dibdib.Hindi siya pamilyar sa feeling na yon, ang weird.My kokoro, what is this?
"Masaya ka na?"
Inangat niya ang tingin at nakita niyang nakatayo sa pintuan niya si Germalyn. Hindi na niya napansing nandoon pala ang kapatid.
"Lyn," tawag niya. "Ano ba nangyari?"
"Panira ka ng buhay, yon ang nangyayari." Sambit nito. "Pati si Mommy kinakampihan ka na ngayon."
Napatikom siya ng labi. Pinigilan niya ang sariling masampal ito. Mabigat ang mga kamay niya, baka maospital din. "Hindi kita maintindihan. Ba't nagkakaganyan ka?"
Inirapan lang siya ni Lyn at padabog na bumalik ng kwarto nito.
"Germalyn."
Sakit naman sa ulo.