Ang Party

1615 Words
Napatingin si Vivi sa kabuoan ng venue. Ngayon ang engagement party ni Miss Carrie at ng fiance nito. Maayos naman ang daloy ng lahat. Mula sa catering hanggang sa sounds and lights. Ayos na din ang designs. Nakaset-up na rin ang mga photographers. Si Tita Angelu kasi mabusisi sa details kaya kailangan siya doon para mag-check. In fairness naman kasi sa bisita, walang Pilipino time. Mga thirty minutes pa before the party, makukumpleto na yung nasa guestlist. Pasimple niyang nilabas ang phone. Wala parin siyang natanggap na message kay Ito ngayong araw. Kanina pa nga niya inaabangan. Iyong kalandian nalang nga nito ang bumubuhay sa mga araw niya kaso waley. Dalawang linggo na rin nakaraan noong nagkasakit siya. Hanggang ngayon wala parin silang pansinan sa loob ng bahay ng mga kapatid. Si Ela kahit papaano nakakausap nang maayos dahil kay Miggy, pero iwas parin. Si Germalyn, wala talaga. Madidinig lang niya yon kapag kailangan na naman ng pambayad sa school. Umuwi na kasi ng Bulacan si Tita Ana kaya mukhang wala na naman itong choice kundi sa kanya humingi. Parang siya pa ang naging masama. Masakit man sa dibdib, iniintindi nalang niya. Siya ang panganay, siya ang dapat umunawa. Pero minsan talaga nakakapagod din. Tumingin uli siya sa phone. Wala parin. Kapatid ni Ito yung ikakasal, dapat nandito rin yon. Nakakapagtaka naman. "Hi, excuse me, Miss. You seem lonely." Bahagya siyang napangiwi sa nagtanong. Hindi naman bago sa kanya na ma-pick up ng mga guest, lalo na kung lango na sa alak. Pero napakaaga naman ngayon. Saka mukha namang hindi nakainom yung lumapit. Napaangat tuloy siya nang tingin. Oh, wow. Kilala niya yung lalaki. Actually kilalang-kilala niya. Vocalist yon ng banda ng Black Rose. Buds Dimaguiba yung pangalan. "Not actually." Aniya sabay ng mahinang tawa. Sanay na naman siyang makakita ng mga artista at kung sino-sinong celebrities. Di lang niya inaasahan na lalapitan siya nito sa ganoong paraan. My gosh, ganoon ba talaga ako kaganda? Gwapo pala ito sa personal. Matangkad. Marami tattoo at piercings bukod pa doon sa malaking scar nito sa may mata. Mukhang badboy pero mabango. "Where is your date? You're too pretty to be left alone?" Tanong nito. Infernes di naman masyadong nakaka-off. Kalahating dipa naman ang distansya nila. Swabe din ng boses. Hindi pang manyak na datingan. Saka balita naman na single ito kaya di naman siya nagtataka na aalialigid ito sa mga babae. Puro flirt lang pero walang nagiging relationship. Base sa mga interview na hindi pa ito makamove-on sa ex nitong mahal na mahal parin. Yung huling single nga na nilabas nila, dedicated doon sa girl. "I'm part of the event's team, Sir." Magalang na sagot niya. Bahagya pa niyang nilagay ang ilang hibla ng buhok para makita nito ang earpiece sabay turo ng dalang tablet. Hindi lang siguro halata nagtratrabaho din dahil naka-oufit din siya. Gown kung gown. Saka nadagdagan ng five inches ang tangkad niya ngayon dahil sa heels. "Is there anything I can help you with?" Tuloy niya. Napamalaking "O" ang bibig nito sabay awkward na tawa. "I'm sorry. I'm really sorry. Akala ko bisita ka." Natawa na rin siya dahil kitang-kita niya yung pamumula nito. "It's ok. Umm..do you need anything?" "Well, your name perhaps?" Napahagikgik siya. Ang smooth lang. "I'm Viviana." Sabi niya. Nilahad niya ang palad para sana makipagkamay pero kinuha ni Buds yon para halikan. "You know who I am." Sabi naman nito sabay kindat. Langya. Ang landi din, parang si Ito. "Vivi, dear. Please check on Miss Carrie." Dinig naman niyang sabi Tita Angelu sa earpiece na suot. Parang sinasabi na tama na ang paglalandi, trabaho na uli. "Excuse me. I have to go." Aniya kay Buds. "So drinks later, after this?" Aya naman nito. "Umm, yes." Sagot niya. Pero charot lang yon. Ninety-nine percent nang nag-aaya sa kanya after party di natutuloy. Sa dami ba namang ganap pang egress na. Hindi na sila nagkakakitaan. Well, sayang. Gwapo din yon. Tumuloy na siya sa suite na tinutuluyan ni Miss Carrie. Baka chance na rin ito para matanong kung nasaan na si Ito. Kaso parang nakakahiya naman, naisip niya. Parang ang clingy, di naman sila. Ah basta. Kakatok palang sana siya ng pinto nang bigla iyong bumukas. Padabog na naglabasan ang tatlong babaeng nakagown. Muntik na nga siyang mabalya. Magaganda naman ang make up at ang mga suot pero ang aasim ang mga mga fez. Parang nakakain ng kung ano. "She's so kapal. Gold digger naman!" Dinig pa niyang reklamo ng isa habang naglalakad papalayo. "I'll destroy her tonight. I'll make sure of it. Leo will definely dump her!" Napataas siya nang kilay. Sino kaaway noong mga yon? At ang nakakaoffend ha, di man lang siya napansing nadaanan na siya. Umiling nalang siya at umayos. Isang trait talaga na kailangan sa pag-aayos ng ganitong event ay dapat oversupply ang pasencia. Ala bakery kumbaga. Kumatok siya nang marahan sa pinto. "Miss Carrie?" "Ano bang--Ay sorry..." Sambit nito pagbukas ng pinto. Hinayaan siyang makapasok ni Miss Carrie sa loob. Naka-robe lang ito pero ayos na ang hair make-up. Lalong lumitaw yung ganda. Lalo naging Mama Mary yung mukha. Pero bakit mukhang malungkot? "May inaayos lang ako...magbibihis na." Napakunot siya nang noo. May na fe-feel siyang mali. Tumalikod si Miss Carrie sa kanya at pasimpleng nagpunas ng luha. Napansin niyang nanginginig ito. "Is everything alright?" Banggit niya. "Pasensya na. Medyo..medyo kinakabahan lang." Humarap ito sa kanya at ngumiti nang pilit. Kahit kasi naka-make up nahahalata niyang namumutla din. Pero alam niyang di lang dahil sa kaba yon. "Ay wait lang. Tatawagin ko sina Pilar saka Byron para may mag-aassist." "Wag na. Kaya ko na." Tumango siya. "Miss Carrie, sure kang ok ka lang?" Napalingon ito sa kanya. Nakita kasi niyang nanginginig ito. Panic attack? Si Ela kasi nagkakaganoon lalo na nung kakapanganak lang. Pero si naman siya Psychologist kaya di siya sure. "Tatawagin ko si Sir--" "Wag! Wag mong tawagin si Leo." Sambit nito habang pinagsasaklop yung mga nanginginig paring mga kamay. Oh, shuta...Leo nga pala pangalan ni Groom. Same Leo na dinadakdak nung mga babae kanina? Si Miss Carrie yung tinatawag nilang gold digger? "Si Sir Ito nalang." "No. No. Wag si Kuya Itong please. Baka kung anong gawin noon." "Hala siya." Napakagat siya ng labi. Anyayare na dito? Naglakad lang si Miss Carrie nang pabalik-balik sa kwartong yon habang sinusundan niya ng tingin. "I just...I don't know..." tapos ay huminga nang malalim at tumigil. "I don't want this." Inglesera din pala tulad ni Ito. Magkapatid nga. Pero ano to aatras sa kasal? Cold feet genern? Tapos ngayon lang narealize yon kung kailan malapit na yung wedding. Fully paid na naman at di makakapag-refund sa kanila pero nakakaloka parin. Saka ano nalang ang magiging reaksyon ni Ito pag nalaman to. Maloloka rin malamang. "Miss Carrie?" Umiling lang ito at huminga uli nang malalim. Nagpagpagpag ng mga kamay at di mapakali. "Leo is the CEO of his own company. He built that from scratch. I was there beside him. I know what he's capable of. Mayaman din ang pamilya nila. They can even afford millions for this party." Sambit nito. "Ako...ako lang. Wala lang. I feel like a burden to him. A liability." Sambit nito. Lalo siyang naloka. Maraming insecurities si girl. And malamang inaway siguro nung tatlong bruha na galing dito kaya aligaga. "But I don't want to lose him. Mahal na mahal ko siya." May kasama na yong hikbing malakas. Nakatakip na rin ng mukha at talagang umiiyak na. Naku sayang ang make-up. Magwawala si Pilar nito. Napahinga naman siya nang malalim May mga bride talaga minsang nakakaloka to the nth power. Mahal naman pala, dami pang echos. Inayos niya ang tayo at binaba ang hawak na tablet. Lumapit siya dito. Hinawakan niya ang mga nanlalamig na kamay. Hindi niya pinangarap maging marriage counselor pero kailangan niya sa pagkakataong to. "Kalma. Hinga kang malalim." Marahang sambit niya. Pinaupo niya ito sa isang upuaan nandoon. "Mas mabuti siguro kung mag-usap muna ng fiance mo." Umiling ito. Napatalak naman siya. "Miss Carrie, normal lang yung feeling na ganyan. I'm mean this is the stage na maraming pagbabago sa relationship niyo. Pero kailangan malaman ng fiance mo ang nararamdaman mo." Sabi niya. "Saka don't mind those girls, ha. Mas pretty ka kaya sa mga yon. Yung asawa mo naman ang pakikisamahan mo, hindi sila." Tumango naman ito. Nakahinga naman siya nang maluwag. "May time pa naman. Di pa nag-istart yung party. Mag-usap muna kayo in private. Yung masinsinan. Tell him everything, ok?" sabi niya. Tumango uli ito. Kinuha niya ang tablet at min-asage yung team na hanapin si Sir Leo para papuntahin sa room ni Miss Carrie. "Vivi, I need you on the sound booth. May technical problem." Dinig niya yon galing sa earpiece. "Nasa room ka pa rin ba ni Carrie? Paparating na si Leo." Bumuga siya ng hangin. Mabuti naman. "Wait ka lang dito, ha. Kalma lang. Papunta na siya." Sambit niya. Inayos pa niya ang nagulong buhok nito. Jusko naman. Kay gandang babae, nai-insecure. Pano pa siyang mukhang hampaslupang bubwit? Nagulat nalang siya ng bigla siyang yakapin ni Miss Carrie. "Hay jusko?! Miss?" "Thank you." Mahina pang bulong nito. Wow. Maliit na bagay, may thank you. Kumirot tuloy ang dibdib niya. Kailan kaya niya madidinig yon sa sariling pamilya? Lumayo na siya dito at ngumiti. "I need to go, na. Stay ka lang dito. Relax lang muna, ha. Magiging ok din ang lahat. Don't worry." Nakita niyang tumango ito bago siya umalis. Nakakaloka naman yon, naisip niya habang naglalakad na. Ang tagal na magkasama, may ganap pang ganoon. Kaya tamang di muna mag-jowa kung di pa naman ready. Saka--- "Vivi." Napalunok siya nang lingunin ang tumawag sa kanya. Ay...shet. Ang puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD