"Vivi."
Tanong ni Ito sa kanya nang nakalapit na. Masyado yata siyang natulala nang dahil pag entrada nito.
Bukod sa matangkad at malaking mama si Ito, ang lakas pa ng presence. Ang elegante nung suit na suot saka parang model yung galawan. Halos lahat nga ng bisita dito na nakatingin.
Kung dati mukha itong goon na di gagawa ng mabuti, ngayon mala mafia boss na ang dating.
Di parin gagawa ng mabuti, but with style.
"Daddy."
Napahawak siya sa dibdib. Ang bilis ng t***k noon.
"I mean...Sir Ito. Hi!" Aniya sabay ngiti. Nasa trabaho pa siya, paalala niya sa sarili.
"Good evening." Ngumiti si Ito sa kanya. Humaygad. Pati pa ba naman ngiti nito ang landi na.
"Sorry na late. Nahirapan akong mag-park." Tuloy pa nito.
"No, sakto lang yung dating mo." Napatingin naman siya sa isang malaking bouquet ng bulaklak na hawak nito. Sunflowers yon. Ang ganda.
"Ay..for Miss Carrie ba yan?" Tanong niya. "Ako na ang--"
"Hindi. Para sayo."
"Ehehehe..selemet." Ane be eng lende.
Napahawi din siya ng buhok sa tenga nang matanggap yon. Paborito pa naman niya yong bulaklak. Hindi niya alam kung paano nalaman ni Ito yon pero nakakakikilig parin.
Kaso paano ba? May inaaasikaso pa siya. Iiwan nalang muna niya sa booth, wala naman sigurong magkakainteres sa bulaklak niya.
"Anong room si Carrie?" Tanong ni Ito.
"204." Sambit niya. "Ay teka. Wag mo muna puntahan. Nagpre-prepare pa yon."
Malamang nandoon na si fiance nito at nag-uusap na. Kailangan nung dalawang maayos yung problema. Baka makaistorbo lang si Ito.
"Vivi, where are you?" Napalaki ang mata niya sa nadinig sa earpiece. Jusko si Tita Angelu, windang na siguro. Medyo iritable na nga yung tono.
"Hala, Da--Sir Ito. Wait lang. Mag-wo-work lang ako." Sabi niya. "Ahm. Sa table two ka pala kasama ng mga VIP guests. Excuse lang ha."
"It's ok. Alam ko." Sabi nito na may kasamang ngiti. "Hihintayin nalang kita."
Ngumiti nalang din siya bago ito lagpasan para pumunta doon sa booth. Halos liparin na nga niya kahit na may five inches siyang suot. Hindi lang sa pagmamadali, dahil na rin di na niya matago ang kilig.
Jusko naman, Daddy! Pakiramdam niya magiging mommy na siya.
Sinalubong siya sa booth ng mga iritableng mga mukha. Si Tita Angelu nag-oobserba sa kanila. Sina Pilar at Byron nadoon at di mapakali. Pero yung technician nilang si Kuya Jun yung mukhang busangot sobra.
"Nakita ko na yung ginalaw. Tangina. Mukhang nanabutahe." Sambit nito.
Napatakip siya ng bibig.
Walang naglalakas ng loob na magmura sa harap ni Tita Angelu. Kahit sino pa. Except sa mga pagkakatong may napakalaking problema.
"Play it. I want to see it." Utos ni Tita Angelu. Medyo kinabahan siya dahil minsanan lang niyang makitang ganoong kaseryoso.
"Mga baks, anong ganap?" Mahinang tanong niya kina Pilar.
"May nakapasok dito at nakialam."
"Yung mga file pinalitan, girl." Singit ni Byron.
"Kakalurks, parang sa movie lang no? Yung ibang video yung maipapalabas? Yung mananabotahe para mapahiya yung bida?" Sabi ni Pilar
Sino naman gagawa noon?
"Viviana! Where have you been? Kanina pa kita pinatawag!" Sabi naman ni Tita Angelu nang mapansing nandoon na siya. Kumabog ang puso niya dahil alam niyang di na maganda ang timpla nito. Tapos naka-full name pa.
"I've been waiting--wait...Who's that? Kanino galing yan?" Sabi nito sabay turo sa dalang niyang bulaklak.
"Ah..." Napakagat siya ng labi. Lagot na. Nahuli na siyang lumalandi sa oras ng trabaho. Marahan niya yong nilapag sa isang table doon.
"Akin po. Kay...Kay Sir Ito po galing."
"Oh." Sosyal na napahawak sa dibdib si Tita Angelu. Tapos biglang nagliwanag ang mukha. Parang nawala ang masamang hangin sa paligid.
"Why didn't you say so, Vivi? Why are you here? Dapat sinamahan mo. Go and entertain him."
"Po?" Hala siya.
"He's a VIP guest, ano ka ba? Go ka na." Taboy nito. Ang lakas talaga mambugaw.
Nahuli naman niyang humahagikgik sina Byron at Pilar sa tabi. Parang kinikiliti ang mga pepe. Mang-aasar na naman mga to mamaya, panigurado.
"Madame, ipla-play ko na." Sabi ni Kuya Jun. Kinuha naman ni Tita Angelu yung headset at sinuot. Lumabas na sa laptop yung video.
Nanlaki naman ang mga mata niya. May babaeng nakahubo at nakahiga sa kama. Nakatali sa bedpost ang mga kamay. At panigurado siya na yung kumukuha ng video na yon, yung nasa ibabaw nito at gumagalaw. Parang pang pornhub ang datingan.
Agad na sinara ni ni Tita Angelu ang laptop nang nakangiwi. Nagkatinginan silang lahat. Hindi pwedeng hindi nila makilala yon, kitang-kita yung mukha ng babae.
"Oh my god!" Eskandalosang talak ni Pilar. "Si Miss Car--" Natakpan naman agad nila ni Byron ang bibig nito.
Napahawak siya sa noo. May gustong sumira talaga kay Miss Carrie sa mismong party pa niya. May ipapalabas sana sila before the program na parang MV ng prenup nila. Yun yung pinalitan. Mabuti at naabutan at di ipinalabas.
Napakagat siya ng labi. Nilabas niya agad ang phone para tawagan si Ito. Kaso hindi niya alam kung paano ii-explain dito yung nagaganap.
Napalingon silang lahat nang sumilip sa booth si Lisa. Mukhang balisa.
"Madam, kailangan niyong makita to." Sabi nito sabay abot ng phone. Tiningnan naman yon ni Tita Angelu.
"Call the security, Lisa." Utos nito. "Pilar, dito ka muna, I need you here. Byron, I want to talk to Joey's team, call him. Jun, check all the that we have here. And don't start until I said so." Pagtapos noon at lumingon sa kanya.
"Is the food served na sa mga guest, Vivi?"
Tumango siya. "Yes po." Nakausap na niya yung catering team kanina pa dahil maaga ngang dumating ang mga bisita. Naglabas na sila ng finger foods at mga drinks kanina.
"My goodness." Sambit lang ni Tita Angelu sabay labas ng booth. Sinamantala niya ang pagkakataong yon para usisain si Lisa.
"Lagot. Si Madam niyo, galit na." Sabi nito.
"Anong ganap, jusko. Ba't naloka?" Sabat ni Byron.
"Look mo." Nagkumpulan naman sila sa phone ni Lisa. Nakita nilang nakapost na sa twitter yung video kanina. May ilan nang nag-retweet.
Nadidinig niya yung boses. Yung guy doon pamilyar yung boses.
"Parang di naman si Sir Leo yun." Sabat ni Pilar.
Naalala niya yung mga babaeng galing sa room ni Miss Carrie. Heto na yata yung nadinig niya gagawin ng mga yun.
"Shet na yan." Anlaking eskandalo nito.
Kailangang malaman na nga ito ni Ito ngayon! Now na!
Mabilis siyang lumabas at patakbong puntahan ang table nito. Wala naman ito doon. Tumingin siya sa paligid at nakita niyang nakalabas na ang mga phone nang mga guest. Nagbubulungan na. Alam na niya ang dahilan noon.
Napailing siya. Ang gulo-gulo na. Ito na ang pinakamagulong party na naayos nila.
"Car?! Where's Car? Have you seen her?" Dinig niya ang isang lalaking humahangos. Nagtanong ito sa mga bisita ng isa-isa. Hindi niya maipinta ang mukha.
Kung di siya nagkakamali, ito yung Leo. Yung fiance.
"Oh shet..shet..." Hindi ba dapat magkasama yung dalawa ngayon?
Malibis siyang lumapit. "Sir Leo," tawag niya dito.
"Nasa room po si Miss Carrie. Hinihintay ka--."
"Wala siya doon! Do you think I will look for her kung nandoon siya!?" Malakas na singhal nito sa kanya. "Are you stupid?!"
Napaatras naman siya. Sanay siyang masigawan pero iba yung intensity noon. Ramdan niya yung galit sobra. Justified naman sa panahong ganto.
"Sir calm down lang po mu--"
"Tangina ka!" Laking gulat niya nang bigla nalang itong bumalya sa sahig na hawak ang bibig. Nagsigawan naman ang ilang guest nanonood.
"Ito! Oh my god!" Sigaw niya nang iniaangat si Leo sa kwelyo at malakas na sinandal sa marmol na poste. Nabuwal pa yun bulaklak na display doon.
"Hindi ba't sinabihan kitang wag na wag mong gagaguhin ang kapatid ko?! Ba't may video! Sino kumuha non?!"
Sunod-sunod na suntok ang ginawa ni Ito. Nagtalsikan pa ang mga patak ng dugo malapit sa kanya.
"Ito, wag!" Parang ibang tao kumilos. Hindi niya akalaing ganito ito kabayolente.
Bigla siyang kinilabutan. May alaala siyang nakikita sa eksenang yon na gusto na niyang kalimutan.
"Pa... papa...P-please..." halos paos na boses ang lumabas sa bibig niya.
Lumingon siya sa paligid para tumawag ng security. May nakita naman siyang paparating kasama ang isang babae.
"Carlito! Stop! What are you doing to my son?!" Sigaw nito habang pinaghihiwalay ng mga security ang dalawa. "My goodness
Leopoldo!"
Agad naman siyang lumapit at niyakap si Ito papalayo. Kahit alam niyang hindi niya kaya ay pinilit parin niya.
"Ito. Ito! Tama na! Please. Tama na..."
"Vivi?"
"Daddy..Tama na."