Basang-basa...sa Ulan

1390 Words
Huminga nang malalim si Ito pagkaupo sa kama. Pero agad ding napangiwi nang maamoy ang usok na buga ng katabi. "Kristina, wag dito." "Uh. Ang cranky mo, Ito." Umirap si Kristina at nilapag yung vape kung saan. Pinulupot ang kumot sa hubad na katawan at tumayo. Sinundan na lang niya ito nang tingin nang pumunta sa banyo. Hindi niya alam kung anong katangahan ang pumasok sa isip at pinatuloy pa uli si Kristina sa apartment. Nangako na siya sa sarili noon na titigil na siya sa pagsagot sa mga messages nito. Sa mga tawag at sa kung ano-ano pa. Kung sakaling malaman pa ito ni Rosaria at ni Carmelita, pagsasabihan siyang marupok. Taon na ang sinayang niya sa babaeng yon, kailangan na niyang tumigil. Napahilamos siya ng mukha. Inalis niya ang gamit na condom at tinapon yon sa basurahan. Hindi niya maintindihan. Kung dati para siyang baliw na halos sambahin si Kristina, ngayon wala na siyang maramdaman. Kahit kanina, wala na rin. Parang naka-autopilot nalang ang pinagagawa nang katawan. Ibang babae ang umuokupa ng isip niya. Napatingin siya sa phone na nakalapag sa study table. Mga alert nalang ng bagyo ang natatanggap noon. "Tangina. Dapat kasi di ko sinabi." Mahina niyang bulong. Alam niya hanggang ngayon naka-block parin siya kay Vivi. Hindi na niya ito ma-contact pa. Sumasama na nga siya sa mga meeting-meeting sa kasal ng kapatid baka sakaling makita lang ito. Pero wala. Natakot nga talaga siguro. Hindi siya mapakali tuloy. Ilang araw na. Hindi na mawala-wala sa isip. "Ito, ihatid mo ako sa Hyatt bukas. May shoot kami ni Pete." Sambit ni Kristina sa kanya nang makalabas na ito ng banyo. Wala paring suot pero nag-aayos na ng buhok. Napakunot naman siya ng noo. "Pete?" Naalala niya. Yung photographer na nahuli niyang kalampungan ni Kristina doon sa condo nito. Napabuga siya ng hangin. "What?" Pilyang tanong ni Kristina. Dumamba pa ito kama at lumapit sa kanya. "C'mon, Ito. Friends lang naman kami." Friends. Gusto niyang matawa. Anong klaseng kaibigan yon? May kaibigan bang niluluhuran? Tangina. Ganoon nga rin pala sila. Friends with benefits. Dapat kasi noong una palang kasi tinanong na niya kay Kristina kung ano ba talaga ang estado nila. Nagmukha tuloy siyang tanga. "Nagseselos ka parin ba, Ito?" Humalik si Kristina sa leeg at nagsimulang maglandas ang dila doon. "Isa pa ba? We can do it raw if you want." Lalaki lang siya at kagaguhan kung di siya aaming nag-iinit na naman ang katawan. Pero hanggang doon na lang yon. Umiling siya. Iniwas ang leeg kay Kristina at tumayo na. "Hey. Hindi na ba ako masarap?" Pabirong tanong nito kasabay ng hagikgik. Gusto sana niyang diretsyahin kaso...wag na. "Aalis na ako." "What?! Where are you going?" "Sa bahay. Walang kasama si Carrie." Sagot niya bago pumasok ng banyo. Wala naman siyang balak umuwi. Madalas din namang nandoon si Leo kaya alam niyang may makakasama naman ang kapatid. Kailangan niya lang mag-isip at lumayo kay Kristina ngayon. Kung bakit kasi nagpatukso pa siya. Dapat hinayaan nalang niya itong magmukmok sa labas ng pintuan ng unit niya kanina. Napatingin siya sa salamin ng banyo. Kakapagupit lang ng buhok pero makapal parin ang balbas. Mukha ba talaga akong sanggano? Ganoon talaga siguro kasama ang tingin sa kanya ni Vivi. Kahit hindi pinapahalata, nababasa niya. Kitang-kita niya yon sa reaksyon nito nang nasabi niya yung tungkol sa naging sabit sa Hawaii. Napagbintangan lang naman siya. Wala siyang ginawa. Kaso kung di naman siya aamin, baka malaman lang ni Vivi sa iba. Lalo lang siyang mapasama. Sayang lang at di siya nakapagpaliwanag agad. Dumating kasi bigla si Kristina. Lalo tuloy gumulo. Naligo nalang siya nang matindi kahit malamig ang tubig. Baka makaisip siya nang paraan para maayos yon. Kailangan. Di siya matatahimik. "Vivi..." Napapikit siya. Ibang klase talaga ang epekto ng babaeng yon sa kanya. "Ito." Salubong sa kanya ni Kristina paglabas. Nakahiga parin ito sa kama. Ayaw paring magdamit. Nakabuka ang mga hita at nilalaro-laro pa ng mga daliri ang gitna noon habang pinapakita sa kanya. "Iiwan mo ba talaga ako dito?" Kagat labi pa nitong tanong. Huminga nalang siya nang malalim at iniwas ang tingin. Hindi na siya madadala sa ganoon. "Dito ka muna kung gusto mo. May bagyo, baka abutan ka." Sabi niya. Tumalikod siya at kumuha ng damit. Mabilis ding siyang nagbihis. Hindi pa naman siya aabutin ng baha kung aalis na siya ngayon. Mataas naman ang sasakyan niya. Nasa pagawaan pa yung dating sasakyan niya. Ah si Vivi. Napangiti siya. Doon nga pala sila unang nagkita. Napahilamos siya ng mukha, kung ano-anong naiisip niya. May obsesyon na yata siya sa babaeng yon. "f**k you ka, Ito! Ano ba?!" Sigaw ni Kristina. Naramdaman niya ang pagtama ng unan sa ulo. "Bakit ba?!" Ba't ba ang mga babae, ang hilig mamato. "s**t ka!" Sigaw pa nito. Tumayo pa ito sa kama at pinasusuntok siya. Iniharang nalang niya ang braso para hindi masaktan. "Ayaw mo na ba, ha? Ano?! Ano?!" "Tama na." Sambit niya. Nag-iingat din siya baka masaktan niya ito. "May iba na?! Yung babae sa coffee shop ba?!" "Tama na sabi!" Itinulak na niya ito at bumagsak sa kama. Kasabay noon ang paghikbi nito. "After all these, ganito nalang?" Napasuklay nalang siya nang buhok. Anong klaseng taong yon? Bakit parang siya pa ang may kasalanan? Siya pa ang may mali? Hindi talaga niya maintindihan ang mga babae. "Enough. There's nothing between us, Kristina. Wag kang umastang may relasyon tayo. Ikaw nang may sabing wala." Matigas na sambit niya. "So ano tong ginawa natin ngayon?" Tanong nito sa kanya pabalik. Ano nga ba? Hindi din niya alam. Ginagawa din naman nila yon noon noong 'magkaibigan' pa sila. "Let's end this. Magpasundo ka nalang sa kaibigan mo. Hindi na ako uuwi dito." Tumalikod na siya. Kinuha ang ilang gamit at mabilis naglakad papunta sa pinto. "Ito! Ito wait! Please don't leave..Ito!" Sinaraduhan lang niya si Kristina. Sana lang pagbalik niya wala na ito doon sa unit niya. Napailing nalang siya pagsakay sa sasakyan. Napasuntok pa sa manibela. Doon nalang niya binuhos ang inis. Parang ilang buwan palang ang nakakaraan may maayos pa siyang plano sa buhay. Doon sana sila ni Kristina titira sa apartment na yon pansamantala habang napapagawa pa ng bahay. Bubuo ng pamilya at lalagay na sa tahimik. Pero ngayon, wala. Wala na naman siyang direksyon. Huminga siya nang malalim at nag-drive na papalayo. Hindi niya alam kung didiretso ba siya sa talaga sa bahay o pupunta kung saan. Madilim na at umuulan. Delikadong mag-drive pero kailangan niya munang magpalamig. Hindi siya mapapakali kung titigil lang siya sa isang tabi. Nakakita pa niya ang mga batang nalalaro sa tumataas na tubig-baha sa gilid ng kalsada. Parang walang paki sa sakit na makukuha doon. Kahit papaano, naaaliw siya. "Ayos talaga dito sa Pinas." Maabutan na siguro siya ng bagyo sa daan. Lalong lumakas ang buhos ng ulan nang nakalayo na siya. Sabagay, pwede naman siya dumiretso sa clinic nila Rosaria. Pwede siyang makisilong. Saka lang niya napansin kung nasaang lugar na siya. Papunta na yon pala kina Vivi. Nagdesisyon siyang lumiko direksyon ng village nito. Wala naman talaga siyang balak puntahan pero nandoon na kaya tumuloy na rin. "Ah shit...Teka..Anong namang sasabihin ko?" Pwede niyang sabihing napadaan lang siya. Na naligaw lang. Na...ewan. Bahala na. Pwede niyang idahilan na dadalawin lang niya ang tiyahing may clinic doon. Sana lang maniwala. Ano ba kasing meron ang babaeng yon? Natuon ang pansin niya doon sa isang batang babae. Nakashorts lang ito at tshirt habang naglakad sa sidewalk nang pasuray-suray. May yakap pang bag. Napakunot ang noo niya. Hindi yon bata. "Tangina!" Napamura nalang siya nang makita itong bumagsak. Napatigil din ang ibang sasakyan nang makita ito. Pati yung mga tao sa paligid nakiusyoso na rin. Tumabi siya sa gilid at agad na bumaba. Patakbo siyang lumapit kahit mabasa pa ng ulan. Sabi na. "Vivi?!" Inayos niya ito sa pagkakadapa. Namumutla. Wala itong malay at may sugat sa ulo. Bukod doon mukhang inaapoy na rin ng lagnat. "Naku. Kawawa naman." Sabi nang isang babaeng lumapit. Pinayungan pa sila para di maulanan. "Kaibigan ka ba?" "Oho." Sagot niya. "Ako na ho bahala. Nurse po ako." Pakilala niya. Mabilis niyang binuhat si Vivi. Umungol lang ito nang maisakay niya sa sasakyan. "Daddy..." "Vivi?" Tanong niya habang inaayos ito. "Sandali lang, dadalhin kita sa--" "Uwi na tayo..." "Oo, uuwi na tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD