Make Tusok Here

1108 Words
Bakit lumilindol? Napakunot ang noo ni Vivi nang magmulat ang mga mata. Umiikot ang paligid. Umaalon. Para din siyang nasusuka. "Nakuha ko na. Salamat." Alam niyang galing siyang hospital. Tapos umulan Nawalan siya nang malay sa daan. Patay na ba ako? Baka. Nakikita na niya si Jesus na sa tabi. Pero bakit wala itong damit. In fairness. Ang macho. Mabuhok-buhok. May tattoo pa. Napapikit siya uli. Jusko, ano ba tong iniisip ko? Pinagnanasaan pa talaga niya. Minus one hundred ligtas points na talaga. Lagot siya kay Mama Mary. Hindi na siya makakapsok sa heaven. Susunduin na talaga siya mamaya ni Lucifer. "Dehydrated, oo. Thirty-nine. Yes, meron na dito. Salamat sa kit, Osang." Osang? Sinong Osang? "Asan...san na po ako?" Paos niyang sambit. Pero parang di ata siya nadinig. Sinubukan niyang bumangon. Marahan niyang inalis ang makapal na kumot na nakapatong sa kanya. Nakapajama na siya. Yung kulay pink na nakatambak sa kabinet niya. Hindi naman yun ang suot niya kanina. "Shh. Vivi, just lay down." Ito? Napahawak siya sa noo. Napansin niyang may benda doon. Mahapdi. May sugat. "Anong n-nangyari...san na ako? Di pa ako patay?" Nanghihina niyang tanong. "Hindi ikaw si Jesus?" Tumawa ito. "Mahiga ka muna. Nakita kita sa daan kanina." Si Ito nga talaga. Mukha kasing santo kaya napagkamalan niyang poon. Bakit ba ito nandito? "Na-Nasaan ako?" Napahiga nalang siya uli. Umiikot talaga ang paligid. Nasusuka na siya. "Sa bahay niyo. Pinasok na kita. Bukas kasi yung pinto niyo." Sana all pinasukan...wait. Naiwan nga niyang di naka-lock yung pinto. Sana di sila nanakawan. Napatakip siya ng bibig. Nasusuka na naman siya. Dudukwang pa sana siya sa gilid ng kama pero nakahanda na yung maliit na palanggana para sukahan. Halos wala rin siyang mailabas. Wala pa siyang nakakain buong araw. Puro kape lang. "O-ok na..." Sabi niya. Marahan niyang inilayo yung palanggana. "Sabi na." Sabi lang ni Ito. Ibinaba na nito yung nasukahan niya. "Ni ready ko na. Sinukahan mo rin kasi yung sasakyan ko kanina." Kanina. Wala siyang matandaan. Pero oo nga parang napanaginipan nga niya to. Palagi naman kasing nagpapakita sa panaginip niya kaya akala niya di totoo. Lagi pa niyang tinatawag na Daddy. "Saan ka ba galing?" "Sa Medical City." "At naglakad ka mula doon? Ang layo noon. No wonder." Sabi nito sabay iling. Napangiwi siya ng slight. Sisiw lang naman sa kanya yung paglalakad. Nakakapag fun run nga siya. Wala lang siya sa kondisyon kanina. Napatingin siya uli kay Ito. Basa ang buhok nito. Basa din ang hubong katawan. May kinakalikot na na kung ano sa side table niya. "Tumawag pala si Miss Angelu sa phone mo. Ako na ang sumagot. Siya na nagsabing alagaan kita muna dito." Napapikit siya ng mariin. Bugaw talaga ang tiyahin niya. Pinagkatiwala talaga siya kay Ito. Kaya pala parang feel at home itong isa dahil may basbas. "Buti malapit lang clinic nung Tsang ko dito. Nagpakuha ako ng gamit. Sandali lang." Tuloy ni Ito. Humarap ito at ngumiti sa kanya. "Tutusukin lang kita." "H-ha?" Anong tutusukin? "Ha...hanong gagawin mo?" "Sandali lang to. Hindi masakit." Nakita niya ang paglapit nito. Napaupo naman siya at napaatras sa headboard. Shuta. Bakit ngayon? Hindi siya ready. Hindi pa siya nakapag-shave ng pepe. Teka. Ba't nga ba siya magpapatusok? Ano bang nangyayari? Wala na talaga sa hulog ang utak niya. "W-wag..." Tumawa uli si Ito. Parang galing sa ilalim ng lupa. Katulad nung kontrabida sa pelikula nung nineties. Nakakatakot, but at the same time parang gustong-gusto din niyang madinig. "Daddy...wag po.." "Vivi..." Saway nito. Di na siya nakalaban ng maabot nito ang braso. Napapikit nalang siya nang talian ito ng kung ano. "Relax." Ba't isa lang? Di ba dapat dalawang kamay? Dahan-dahan siyang nagmulat. Parang makapal na rubberband yung nakatali. Tapos si Ito, minamasahe yung isang parte doon. Parang may hinahanap sa balat. "Hala." Binawi niya ang kamay nang may nakitang hawak itong karayom. Mukhang alam na niya ang gagawin. "Ayoko.." Sambit niya. Kala niya kung anong pagtusok naman kasi. Pero mas malala. Takot siya sa injection. Masakit yon. Napaatras uli siya sa kama pero nadala na siya ng hilo kaya napahiga uli. Umiikot na naman ang paningin niya. "Sorry." Sambit ni Ito sabay buntong-hininga. Nagsuklay pa ng buhok. Parang umikli na yon noong huli silang nakita. Pero ang fafa paring tingnan, grabe. "Alam kong takot ka sakin. Pero please, maniwala kang wala akong intensyong masama." "Hindi..." Hindi naman dahil doon. Napatakip siya ng bibig nang maramdaman na naman ang nagbabadyang pagsuka. Agad naman kinuhan ni Ito ang palanggana at inilapit sa kanya. "So-sorry.." Aniya. Hindi ba to nandidiri sa panigagagawa niya. "Okay lang, sanay ako." Sabi ni Ito habang inaalayan siyang mapaupo. "Nurse ako dati, ilang taon nga lang ako wala sa trabaho." Napakurap siya. Kaya naman pala. "Natanggal lang ako. Napagbagbintangan lang sa...alam mo na." Huminga na naman nang malalim si Ito. Naalala niya nga niya yung kaso nitong sinabi sa coffeeshop nung huli silang nagkita. Na-curios nga siya kaso dumating na si Kristina. Gusto pa sana niyang malaman ang detalye. "Paano...Paano ba nangyari? Nang-r**e ka ba talaga?" Langya..hilo na siyang lahat-lahat, nanaig parin ang pagiging chismosa. May lahi talaga siyang Marites. Umiling si Ito. Kinuha pa nito ang kamay niya bago sumagot. "No. I meet her at a bar, Vivi. We've been texting for weeks before that. Consensual ang nangyari samin, hinatid ko pa nga pauwi. Kinabukasan nga lang, hinuli na ako ng pulis. Minor pala." "Pano nangyari yon?" Napanguso siya. Ngumiti naman si Ito. "Mas malala ba? r****t na pedophile pa?" Ewan pero may pait ang pagkakasabi noon sa kanya kahit mukhang nagjo-joke lang. Hindi tuloy niya magawang mag-agree. "Twenty one na ang pakilala niya sakin. And she does look like one. She even had a fake licence. Naniwala naman ako kaya kasalanan ko din. I should have known that she's just seventeen." Ngumiti siya ng bahagya. Nagswi-switch talaga si Ito ng lengwahe minsan na hindi nito napapansin. Nakakatuwa. "Trust me, Vivi. Hindi ako kriminal." Marahan siyang tumango. Naiintindihan naman niya. Kaya pala napaka-defensive nito nung una silang nag-meet. Nag-offer pa ng medical assistance. Baka na trauma na. Ngumiti uli si Ito sa kanya. "All set." Napakunot ang noo niya. Marahan niyang tiningnan ang kamay. Nakabalot na ng benda yon at may nakatusok na. "Fuck." Ang walanghiya, dinaan siya sa pagkwe-kwento ng life story! "I need to put you on IV para ma-replenish yung fluids mo." Paliwanag ni Ito. Tumayo ito at bumalik sa may lamesa. "Don't move, aayusin ko pa." "Ka...ra..yom..." Sambit niya habang hawak ng dibdib. Ang lakas ng kabog noo. Lalo siyang nahilo. "Vivi? Hey, anong nangyayari?" Umikot ang paligid. Nandilim ang paningin niya. Tuluyan na siyang napapikit. "Da-Daddy." Ba't mo ko tinusok?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD