"What the, f**k Itong?" Tanong ng pinsan niya sabay subo ng kanin. "Ba't ganyan ang ngiti mo? Sino na naman yang ka-chat mo?"
Napailing nalang siya. Nagdala nga ng pagkain si Rosaria, ito rin naman ang umuubos. Halos wala nang tira yung kare-kare sa lamesa.
"Wag ka nga." Saway niya.
Nakatuon parin ang atensyon niya sa hawak na phone. Nagtatanong si Vivi kung anong lunch nila kaya niya sinagot.
Kahit papaano masayang kausap ang babaeng yon. Nawawala yung sama ng loob niya sa mundo. Kahit papaano gumagaan yung pakiramdam niya.
Kahit pa Daddy ang itawag sa kanya.
Sa totoo lang sobra yung kilabot niya noong tinawag siyang ganoon ni Vivi. Tumaas lahat ng balihibo niya sa katawan.
Mukha na ba talaga siyang matanda? Maalaga na naman na siya sa katawan ngayon, di tulad dati. Halos araw-arawin na nga niya ang gym.
"Yang Kristina na naman ba kausap mo?" Sambit uli ni Rosaria. "I told you so, she's not worth it. Maski si Carrie yan din sinasabi. . Si Buds, flini-flirt din nyang babaeng yan. Di ka naniwala samin."
"Oo na. Alam ko. Ako na tanga." Sagot naman niya. Napahilamos siya ng mukha. Pinaalala pa kasi ang nangyari.
Sa lahat nang ginawa niya, sa lahat nang nangyari sa kanila, pagkakaibigan lang ang naging relasyon nila ni Kristina. Ito na mismo ang nagsabi.
Kaibigan.
May magkaibigan palang halos doon na tumira sa condo niya? May magkaibigan palang halos gabi-gabi na niyang kasama sa kama?
Ang masaklap, nalaman niyang hindi lang siya ang "kaibigan" nito.
Gusto niyang magwala nang malaman niya. Naabutan niya kasi si Kristina na may ibang kasama doon sa bagong nilipatan nito. Buti at napigilan pa niya ang sarili, baka makulong na naman siya.
Ang dami niyang sinakripisyo tapos wala rin pala siyang mahihita. Sana sinabi nalang nang mas maaga para di siya nagmukhang tanga.
"Itong, pinapaalala ko lang sayo ha."
"Tumahimik ka, Osang. Ba't di ka pa umuuwi?" Nakakairita. Hindi naman nakakatulong sa kanya. Nakakadagdag lang ng stress.
"I would like to ask you that. Bakit ka parin andito?"
Di na siya nagtaka sa tanong nito. Alam naman niyang kaya dumalaw sa apartment na inuupahan si Rosaria kasi pipilitin na naman siya nitong bumalik sa Hawaii.
"Wag muna kasi sa ngayon. Pinaparenovate ko pa yung condo ko." Sagot niya.
Babalik naman siya pero hindi pa talaga ngayon. Gusto niya kapag nandoon na siya uli, may kasama na siya sa buhay. Ang hirap nang mag-isa doon. Nakakabaliw.
Umirap si Rosaria sa kanya. "Dada made sure you got you license back, Itong. Hinihintay nalang natin yung compensation mo. Makakapag-work ka na uli kung gugustuhin mo." Sabi nito. "Wala kang future dito."
"May negosyo pa ako dito. Saka andito pa naman si Carrie."
"May sariling buhay na yon. Isa pa magpapakasal na yung kapatid mo." Sambit uli ni Rosaria. "Ay...Oo nga pala, may meeting yong mga yon sa mag-aayos ng kasal nila. Pinapasama ka ni Lola."
Bakit kailangan pa? Kung ano naman ang gusto ni Carrie bilang bride, iyon ang masusunod. Isa pa, ayaw naman nung kabilang side na mag-ambag siya. Talagang ipinamumukha ng Leo na yon yung kayamanan, ang yabang talaga.
Tumingin lang siya sa phone at binasa niya ang message na dumating.
-Hindi pa. But I'm hungry.
Napangiti siya uli. Naiimagine niya si Vivi na humihingi ng pagkain. Mangangalabit tapos maluhaluha yung mata. Parang batang yagit na uhugin sa Quiapo.
"Pilitin mo daw na sa simbahan ikasal, mukhang civil lang yung habol nila nung dalawa."
Hindi na niya pinansin si Rosaria. Tumipa siya nang reply pero nawala na sa kamay niya ang phone bago pa ma-send yon. Nakita nalang niyang hawak na yon ng pinsan niya.
"Ahah! It's another girl. Kaya di mo mabitawan. Ang bilis ah." Sabi nito habang nakasillip sa phone niya. Tapos biglang nanlaki ang mata.
"Pakyu ka Carlito! Minor na naman?!" Sigaw nito.
"Akin na nga!" Mabilis niyang inagaw ang cellphone pabalik. Pakialamera talaga. "Kumain ka nalang."
"My goodness! Katatapos lang ng issue mo sa underage girls tapos heto na naman? Hindi ka na ba natuto?! Gusto mo ba uling makulong?" Sigaw pa uli nito. "How old is she? Thirteen? Fourteen?"
"Twenty-nine."
"Ha?"
"Hakdog." Sagot niya kay Rosaria. "Bwisit ka. Twenty-nine na nga."
"And you believed her?" Sambit uli ni Rose. "Mabibiktima ka naman uli niyan."
"Mukha lang tong bata pero sing edad mo na."
Sigurado siya kasi sinilip niya yung mga pictures nito sa f*******:. Nakita niya yung picture nitong may 'Happy 23rd Birthday' na caption six years ago. Aksidente pa nga niyang na heart.
"Seryoso ka?"
Ngumiwi siya. "Ito yung sinasabi ko sayong babaeng lasing na sumakay ng kotse ko nung nakaraan. Yung dinala ko dito." Naikwento niya yon kay Rosaria. Tapos pinagtawanan lang siya ng luka-luka. Akala yata gawa-gawa lang niya.
"Oh. Ok." Nagkibit-balikat si Rose. "My god. Ang swerte naman sa genes nang girl na yan kung ganoon. So bagong pagkakahumalingan na naman ba ito Itong?"
"Wala ka na doon."
"She's cute, though. Sana lang mabait and hindi user tulad nung isa."
Nabaling na uli ang atensyon niya sa phone. Napakunot ang noo niya nang mabasa yung naisulat kanina. Nai-send pala.
Ako gusto mong kainin?-
Anak ng putcha. Iniisip na nga ni Vivi noon na m******s siya tapos ganoon pa naipadala. Baka sabihin, binabastos niya talaga ito.
"Tae ka talaga, Osang!"
Tumayo siya sa upuan at dumiretso sa banyo. Ni-lock niya ang pinto pagpasok. Alam niyang pulang-pula ang pisngi niya dahil maiinit ang pakiramdam niya doon. Tatampulan na naman siya ng tukso ni Rosaria kapag nakita, umiwas na siya.
'Ano' dapat yon. Hindi 'Ako'.
Nakakahiya. Aalukin lang sana niya ng pagkain galing doon sa resto niya. Papa-deliver-an sana.
Nag-vibrate ang cellphone. Nagreply na si Vivi.
-Yes, I want to eat you, Daddy
Napahilamos siya ng mukha nang makita yon. Bigla siyang pinagpawisan.
Tangina. Tanginaaaa.
Napaisip tuloy siya. Parang nakikita niya yung maliit na bibig ng babaeng yon habang nakasub--
Umiling siya nang malakas. Hindi pwede.
Hindi pa siya nakakatipa ng sagot ng may si-nend itong picture.
"Shit."
Napatakip siya ng bibig nang makita yon. Pakiramdam niya mauubusan na siya ng dugo.
Selfie.
Selfie habang nakaipit yung dalawang dibdib na mukhang malambot at masarap pisilin habang nakakagat ang pang-ibang labi.
Fuck. Tangina ang cute. Mamamatay na yata siya.
Nanginginig pa siya habang hawak ang cellphone. Nag-reply siya Sinigurado muna at binasa bago niya i-send.
*Ano ang gusto mong kainin?-
Sorry typo-
Bumilang siya ng sampu at huminga nang malalim. Butil-butil na ang pawis niya sa noo.
Ibang klaseng babae. Anlayo ng ugali sa pagmumukha. Mukhang inosenteng bata pero ganoon umasta.
"Hoy! Carlito! Ba't ang tagal mo dyan."
"Manahimik ka, Osang!" Istorbo.
Ang tagal sumagot ni Vivi. Halos nakadikit na mukha niya sa screen sa kakaantay.
-Pautot ka, Daddy. Madaya. Pinakitaan na kita ng dede. Ikaw rin dapat!
Natawa siya.
Parang naririnig niya ang boses nito habang binabasa yon. Ibang klaseng babae talaga.
Tinapat niya ang camera sa salamin ng CR. Tinaas niya ang suot na tshirt at nagflex. Sinigurado niyang maganda ang dating ng abs niya bago kuhaan ng picture. Pagkatapos ay pinadala na.
Eat well then-