Ebidensya ng Paglalandi

1236 Words
Napangiti si Vivi habang binabasa yung mga messages ni Ito. Ilang araw narin silang ganito. Pang entertain na rin sa sarili habang nagtratrabaho. Natutuwa siya dahil sumasakay ito sa pangungulit niya. Hindi naman siya bli-nock sa kaka-Daddy niya. Heto nga at in-add pa siya f*******: at fi-nollow sa i********:. Shit na yan. Kahit na mukhang hoodlum, papatusin na niya. Kahit walang kahinatnan to, keribels lang. Wala naman talaga siyang balak jowain. Tanggap na naman niya ang katotohanan. Gusto lang niyang makaramdam nang kilig sa katawan kahit papaano. Saka single naman si Ito ngayon. Safe. Hindi siya mapo-post sa social media as makating kabit with donut pa sa pekpek. Na-check na niya kung sino yung Kristina. Talagang ini-stalk niya yung babaeng yon para makasiguro. Hindi pala sila ni Ito. Vlogger si gurl. Malaki ang dede. Laging nakabikini kaya madaming followers. Makinis sana kaso sobrang puti, parang lumaklak ng gluta. Saka retokada ang ilong. Halata niya kasi itong si Pilar, nagpatangos din noon. Tapos may picture itong si Kristina na kasama si Ito. Yung pinaka-recent, ang caption: 'Thank you, dear friend.' Natawa tuloy siya. Friendzone pala ang mamang mabalbon. Kaya din siguro siya pinapatulan sa chat ni Ito ngayon dahil na-heartbroken na. Naghahanap siguro nang mapaglilibangan. Okay lang. Game naman siya. Kumain ka na, Daddy?--- ---Lunch. Tapos na. Wow. Anong ulam?--- ---Karekare. Luto ni lola. Ang cute lang. Di pa naman sila close pero parang ganoon na ang usapan nila. Ang saya pala makipaglandian. "Ate!" "Aysus! Putangina naman, Graciela!" Sigaw niya. Muntik na niyang mabitawan ang phone na hawak dahil sa biglang pangangalabit nito. "Andyan niya yung pick-up sa shopee. Hinahanap ka." Sabi ng kapatid niya. Ngumiwi naman siya. Di talaga nakakaintindi ng privacy. Basta nalang pumapasok sa kwarto. "Hoooookay," sabi niya sabay buga ng hangin. Nag-inat siya at umupo sa swivel chair. May pini-print pa siya. Baka kainin na naman ng printer pag di niya nabantayan. Bukod sa pagbe-benta online, ruma-raket din siya paggawa ng custom made na invitations sa Tita niya. Sosyal mga kliyente. Malaki rin ang kita. Dati din siyang nagwo-work doon kaso mas gusto niyang mag freelance para mas hawak niya ang oras. "May sticker na naman lahat ng plastic, saka asa baba na, Ela. Kaunti lang naman. Babarilin nalang kaw na muna bahala." Sabi niya sa kapatid. "Ba't ako?" "Bakit hindi?" Ngumuso lang si Ela pero sumunod din. Ang sarap minsan maging ate, may mauutusan. Kung pwede nga lang niya gawin yon kay Germalyn kaso sigurado magdadabog lang. Thirty-five lang na orders yon. Not bad, sa tingin niya. Hindi naman sale ngayong araw at malayo pa ang payday. Kapag malakas naman, di siya makapagkandaugaga sa pagpa-pack. Kumukuha pa siya ng mga taong tutulong. Halos isang van na ang napupuno nila. Mga damit iyon at accesories. Nagpasok na rin siya ng tinda sa online shop ng mga sapatos na pre-order dahil si Ela mahilig doon. Magaling pumili ng designs. Kumukuha siya sa Marikina and lately sa Laguna na din. Naalala niya na kailangan pa niyang magbayad ng taxes ngayon. Malaki na kita, ganoon talaga. Ipapaayos nalang niya kay Ela lahat yon siguro. Nakakapanghinyang din talaga. Accountant na sana si Ela kung hindi natigil. Pinipilit niyang bumalik to sa pag-aaral pero mukhang wala nang balak. Napatingin siya uli sa phone. May message na naman si Ito. -Ikaw? Nag-lunch ka na? Napakagat siya ng labi nang mabasa yon. Tangina nitong kapreng to. Fa-fall talaga. "Tata, penge akong babol wrap." Napatalon na naman siya ng may maliit na kamay na humawak sa balikat. Buti at di siya nakapagmura. Si Miggy. Isa pa tong pamangkin niya. Mana talaga sa ina. "Huh. Para san?" Nilapag niya muna ang phone sa lamesa at hinarap ang bata. Naka-uniform pa. Kararating lang siguro galing school. "La lang. Puputukin ko lang po. Busy po si Mama eh." Nagkibit-balikat siya at kumuha ng gunting. Gumupit siya ng isang parisukat doon sa bubble wrap na pang packaging at binigay doon sa bata. Buti nga iyon lang ang trip. Minsan, cellphone niya para manood ng youtube videos. Di nagpapabili ng mga mamahaling laruan. "Naglunch ka na ba, Miggy?" "No pa, Tata. Mama sabi, bili daw po siya ng dyabi sa grab. May stars po kasi ko oh. Five." Itinaas pa nito ang kamay at pinakita sa kanya. Napangiti siya. Ang talino talaga. Five na si Miggy. Malaking bulas din tulad ng ina. Siguro mana din sa ama. Maputi kasi at malalim ang mata. Tapos kulay grey pa, totyal. May lahing porenjer yata ang nabingwit na sperm ng kapatid niya. Mabutin gwapo ang resulta. Pakuswelo nalang sa lahat ng sakit sa dibdib at ulo noon. Hindi naman makwento si Ela sa pagkakakilanlan ng ama ni Miggy. Ang huli lang ay yung ipinagtabuyan ang kapatid niya ng mga kamaganak ng lalaking yon nang ipaalam na buntis. Tapos di na nagpakita pa yung gago. Jo-jowa-jowa. Pag nakabuo, tatakasan lang. Walang bayag. "Wag kang tutulad sa tatay mo, ha." "Po?" "Ay hindi. Wala." Napangiwi siya. Di niya dapat iyon sinasabi sa bata. Wala pa tong muwang. "Si Mama po, lagi may gift na flowers." Sumbong ng pamangkin niya habang nagpuputok ng bubble wrap. Sumalampak na ito doon sa isang upuan niya. "Galing kay teacher Arnel." Napakunot siya ng noo. Yun yung teacher ni Miggy . Wala naman siyang nakikitang hawak ni Ela pag-umuuwi. Pero ayos, may manliligaw. Sana all. "Nasan na yung flowers?" "Nitatapon po niya sa trash. Duuuun sa labas." Sabi pa Miggy sabay nguso. "Hala, bakit?" Nagkibit-balikat ang bata. "Ayaw daw siya ni Mama, ako lang daw prince niya." Ngumisi siya at napailing. Naiintindihan niya. Nadala na talaga sa lalaki si Ela. Sayang naman bata pa. Pang beauty queen ang ganda noon. Mukhang tatanda na ring dalaga tulad niya. Pero at least may Miggy. Nakaramdam siya ng inggit tuloy. Maghanap nalang kaya ako ng sperm donor? Napabuntong-hininga siya. Hinayaan lang niya ang pamangking maglaro sa tabi. Kinuha niya uli ang phone at sinagot ang message ni Ito. Hindi pa. But I'm hungry. - "Tata, may boypren ka na?" Napaubo siya bigla sa tanong ng pamangkin. "Wala. Wala akong boyfriend." "E diba. Matanda ka na? Ba't wala ka paring boypren?" Kinagat niya ang labi. Ang sarap lang tirisin ng batang ito. "Kasi tulad ni Mama mo. Ikaw lang din ang prince ko." "Di po pwede, kay Mama lang po ako." Sagot nito. "Hanap ka na po ng boypren mo." "Miggy! Miggy! Nandito na yung Chickenjoy!" Boses yon ni Ela sa baba. Agad naman tumayo ang bata at lumabas. Naiwan siya sa loob ng kwarto mag-isa. Natawa siya at napailing. Pasmado din yung bibig ng batang yon. Pagsasabihan talaga niya si Ela. Kung ano-ano tinuturo. Bumalik nalang ang atensyon sa cellphone. -Ako gusto mong kainin? Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa. Napalunok siya nang laway. Mahalay! Uso pa ba to ngayon? Kaya pa ba niyang sumabay? Akala niya simple chat-chat lang. Di naman niya akalaing ganoon pala ang trip ng lalaking to. Baka tulad nang kinukwento ni Pilar pag nakikipag-flirt sa mga boylet. Palitan ng nudes. Baka buhay na banana ang sunod na ipakita sa kanya. My god. Ano kaya hitsura noon? Senorita? Saba? Latundan? Lakatan? Cavendish? Paano ba? Magsesend na din ba siya ng badiday? Wala siyang onhand experience, hanggang p**n lang. Hindi niya alam ang gagawin. "Teka. Teka. Sasagutin mo muna, Viviana." Sambit niya sa sarili. Huminga siya nang malalim. Pademure muna dapat. Babaeng marangal muna, saka na babaeng maharot. Yes, I want to eat you Daddy-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD